Chapter 15

485 11 0
                                    

'Oh fvck! bilisan mo na jan, halika na bilis!' kinuha ko kamay ni Kim at tumakbo papunta sa hagdan at muakyat sa roof top ng building.

Hingal na hingal kaming dalawa ng umabot kami sa roof top, buti nalang walang nag tatambay na ibang studyante, para hindi kami magmukhang baliw na parang hinahabol ng aso.

'Loko, 'nong trip mo?' nakahingal na tanong ni kim habang hinihimas ang tiyan niya nag hinahabol ang hininga niya. 'ba't ka ba tumakbo at dinamay mo pa ako, baliw ka ba?' tanong ni kim na parang nahimasmasan na.

'Pasensya na Kim, nagulat lang ako sa nakita ko at ayaw ko lang magkita kami.' explain ko sa kanya habang pa upo ako sa bench ng roof top.

'Ano? sino tinataguan mo? lakas ng trip mo fret, imbyerna ako! Kaloka! nasira poise ko!' pagbibiro ni kim.

'Basta, wala lang. ah.. uh.. basta' nauutal kong sagot kay kim.

'Naku naku, Nicolo, spit it! alam kong may gusto kang sabihin wag mo akong lokohin, kabisado na kita.' sabi ni Kim.

Natahimik ako, tinitignan ko lang ang paligid, ang maingay na kalsada sa baba, ang kabundukan, ang kalangitan, sana ganito nalang always, malayo sa gulo, payapa ang lahat, walang problema, blanko lang lahat, pero hindi talaga pwede, reality sucks!

'Huy! tulala much?' pag gising ni kim sa aking ulirat. Nagulat ako sa sigaw niya.

'So ano na nga? sabihin mo na sakin' naiinip na sabi ni kim.

'San lang pag sinabihan kita hindi mag iiba ang tingin mo sa akin' mahinang sagot ko kay kim.

'Bakit ba? may pinatay ka ba?' pangangalaska ni kim. 'Loko! basta promise me tayo lang makakaalam nito.' sabi ko kay kim.

'Oo nga, sige na just spit it out!' naiinip na si kim.

'I'm in love with someone and it's wrong Kim, kaya iniwasan ko siya nung monday pa lang, gusto ko na putulin lahat sa amin, hindi na ako nag text sa kanya, kahit masakit pero kailangan, ngayon ko lang ata na experience to pero kailangan talaga na putulin lahat' napabugtong hininga ako. 'Bawal' napabulong ako at unti unting tumulo ang mga luha ko ng hindi ko namalayan. 'Ang sakit pero kailangan.' sabi ko habang humagulhol ako.

Hinimas ni kim ang likuran ko, ngyun ko lang nakita si kim na naging sobrang seryoso.

'Bakit mo naman nasabi na mali Nics, at sino ba yang babaeng yan?'

Pinahiran ko ang mukha ko, huminahon ako at huminga ng malalim.

'Yan ang malaking problema kim, hindi babae eh, Lalaki siya, P*ta!' at umiyak na ako ng sobra, na pansin ko si kim na parang patulala siya saglit. Pero bumalik siya sa seryoso niyang mukha.

'Patay, mahirap yan Nico' maikling sabi ni kim, ramdam ko sa boses niya na concern siya. 'Pero sorry sa kakulitan pero sino ba siya? Parang totohanan na talaga yan Nico, ngayong ko lang kita nakitang ganyan, at alam kong Love na talaga yan' tanong niya sa akin.

Huminga ulit ako ng malalim, at nag ipon ng lakas para masabi ko sa kanya kung sino.

'Si, ah.. si.. Ch.. Chuck' mahina kong sagot at nauutal pa.

Nakita kong lumaki ang mga mata ni Kim, nagulat siya sa sinabi ko, pero alam kong sa mukha niya, hindi siya galit, gulat lang talaga siya.

Tumayo si kim, at naglalakad pa ikot ikot sa rooftop habang lumalanghap ng hangin. Tinignan ko lang siya, naintindiha  ko siya hindi madali e sink in ang mga sinabi ko.

'O. M. G!!!' sigaw ni kim, salamat naman at nag salita siya pero patuloy pa rin ang pag iikot niya. 'Ba't di ko naisip yon. OMG! bakit ba ang mga gwapo ngayon gwapo na din  ang hinahanap. Kaloka!!!' sabi ni kim.

Napatingin lang ako sa ulab habang nakahiga sa bench na inuupuan ko kanina pa lang.

Lumapit si kim sa akin at niyakap ako. Hindi mo inexpect na gagawin niya yun, hindi ganun ka seryoso si kim.

Umiyak nalang ako sa yakap niya. Tahimik lang kami sa posisyon na yun.

Binitiwan ni kim ang yakap niya sa akin at hinarap niya ako. 'Alam mo Nicolo' alam kong seryoso na si Kim pag nag Nicolo na ang niya sa akin. 'First of all, to be honest na gulat talaga ako sa sinabi mo, sorry sa reaksyon ko, but trust wala akong problema sa mga same sex relationship na yan, na gulat lang talaga ako na may kaibigan na akong ganun pero trust me. Tanggap na tanggap kita Nicolo, wag kang mag alala andito lang ako at tayo lang makakaalam nito.' pag explain ni kim.

Nakinig lang ako sa kanya. Buti naman naintindihan ako ng kaibigan ko.

'At Nicolo, ba't mo ba nasabi na mali ang magmahal ng isang lalaki?' tanong ni kim.

'Kim, alam kong alam mo na qng sagot sa tanong mo' sabi ko sa kanya at sana nakuha niya ang punto ko.

Napakamot siya sa noo niya. 'Alam mo Nicolo, sa 19 na taon kong pamamalagi sa mundong ito may na realize ako, bakit ba ang daming bawal sa mundo? sino ba ang gumagawa nito? Especially ngayon, sa panahon ngayon ang dami na talagang bawal.Naisip ko. Tao lang naman gumagawa ng bawal eh, bakit mo nasabing mali nicolo? Bawal bang umibig? sa pagka alam ko Nic, binigyan tayo ng puso para umibig. Kahit anong form ng pag-ibig, pag-ibig pa rin yun. Natatakot ka bang magkasala dahil nagmahal ka ng kapwa lalaki? Wake up nicolo, kung ayaw ng diyos sa mga kagaya mo, ba't niya ba nilagyan ng bakla ang mundo? Tao lang ang ayaw sa mga bakla Nic, hindi ang diyos, Take a leap of faith, kung mahal mo siya ipaglaban mo, minsan lang dumating sa buhay natin ang mga taong magpapasaya sa atin, wag mong sayangin ng dahil lang sa kinalakihan mong belief.' Sermon ni Kim sa akin.

Natihim ako sa sinabi ni Kim. Alam kong may point siya, pero paano kung papasok ako sa gusot na ito? anong iisipin at sasabihin ng pamilya ko? at hindi ko ng alam mahal din ako ni Chuck eh.

Hindi ko na talaga alam. Naguguluhan na ang isip ko, ba't pa kasi umabot ako sa ganito. Ang sarap tumalon dito. Hay!

TADHANA (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon