'What?, uy ayoko, nakakahiya!' sigaw ko kay Chuck. 'Ano magagawa niyan sa kalungkutan ko?' natataka kong tanong sa kanya.
Ngumiti si Chuck, 'Eto nga, ako mag gigitara tapos ikaw kumanta, ibuhos mo lahat ng emosyon mo, kung gusto mo umiyak ikaw bahala, gawin mo lahat, ibuhos mo lahat ng sakit para mawala lahat, truste this will be worth it.' explain ni Chuck sa akin.
'Bakit kailangan pa mag video? pwede namang walang video eh' sabi ko lay Chuck. 'Okay cge wala munang video, mamaya nalang pag magaan na puso mo.' nangiting sabi ni Chuck.
'Ewan ko sa'yo, lakas ng trip mo.' sabi ko sa kanya.
Tumahimik kaming dalawa saglit tapos nag simula na siyang tumugtog.
'Uy, kanta na. Nqkatunganga ka lang naman eh' biglang sabi ni Chuck sa akin. 'Ay, start na ba? sorry' paumanhin ko.
Tinugtog niya ulit ang intro at ako naman nag ready, ayoko na umiyak last na ito, kakalimutan ko na si Bethany.
Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nitoNagsimula ko nang na feel ang kanta, bumalik na naman lahat ng mapapait na memories, Nakatingin lang sa akin si Chuck, kita ko sa kanyang mga mata na concern siya.
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sintaSumali ni si Chuck sa pag kanta, sinabayan niya ang pagkanta ko na may halong voicing, na bighani ako sa tinig niya, nagpatuloy kami sa pagkanta.
Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýoSi Chuck ang kumanta ng second part. Pinakinggan ko lang ang bawat bitaw niya ng tono, Imbes na malungkot ako sa kinanta namin nawala lahat yun, hindi ko alam pero bigla akong sumaya, gumaan ang loob ko, ano ba tong nafifeel ko. nagugulahan na ako.
Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig moSumabay ulit ako sa pakanta pero sa puntong ito, sure ako, masaya na ulit ang puso ko. Nawala talaga lahat ngsakit, huminto ang mun kasabay ng pag hinto ng pag agos ng mga luha ko.
Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin
huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig saýo
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...Natapos namin ang kanta na may galak sa puso ko. Alam ko sa pagkakataong ito wala nang sakit sa puso ko, dahil lang sa isang boses ng isang taong hindi ko inakala na magugustuhan ko.
Napaisip ako, tama ba tong nardaman ko? baka, siguro, ewan ko wala na akong maisip. Ang alam ko lang parang gusto ko na tapaga si Chuck.
'Kumusta na? Effective ba?' biglang tanong ni Chuck.
Ngumiti lang ako sa kanya, yung tipong ngiti na may kasamang pagkahumaling at pagsasalamat.
'Thank you' maikli kong sabi kay Chuck. Nakayuko lang ako, ayokong makita niya ang mga mata ko baka malaman pa niya lahat ng nasa kalooblooban nito.
'Salamat saan?' tanong niya. 'salamat sa lahat,' eheem, napalunok ako 'salamat dahil pinagaan mo loob ko, hindi ko lubos maisip kung paano mo ginawa yun, basta salamat Chuck' sinsero kong sabi sa kanya.
Tumabi siya sa akin at inakbayan niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya, para akong ma kuryente.
'Alam mo Nico, wag mong sayangin ang oras mo sa mga taong hindi deserving, masasayang lahat yan at sa huli ikaw ang kawawa dahil wala nang matitira sa iyo, focus more sa mga taong nagmamahal sayo. Maraming nagmamahal sayo hindi mo lang nakikita' sabi ni Chuck.
Tama sa Chuck, ang tanga ko pala, kahapon lang ako ang nag advice kay Chuck pero hindi ko naapply sa sarili ko ang mga sinabi ko sa kanya. Ganyan naman siguro tayo magaling tayo mag advice pero kng tayo na ang nasa posisyon hindi natin magagawa.
Tahimik lang kaming dalawa, matagal tagal din ang katahimikang iyon hanggang sa may sinabi siya na ikinigugulat ko.
'Oo nga pala, mag video pala ako' sabi niya na humahalakhak.
'Ano? Loko ka!!!' sigaw ko sa kanya.
'Nag set- up ako nung bumaba ka para kumuha ng ice cream, tinago ko phone ko sa dito' sabi niya habang kinuha niya phone niya sa likod ng lamp shade na katabi ng kama ko.
'Walang hiya ka Chuck, e delete mo yan please!' sabi ko sa kanya habang inaagaw ko phone niya.
'no no no, sayang ang effort ko. hahaha, sure ako madami maglike nito sa FB' natatawa niy ang sabi.
Pilit kong agawin ang phone niya hangang sa aking makakaya, perp malakas si Chuck, hindi ko maagaw ang phone niya. Sumuko nalang ako.
'Okay lang yan, ang ganda kaya ng boses mo wag mo ikahiya.' seryoso niyang sabi.
nag evil look nalang ako sa kanya habang siya ang nakangisi pa rin na parang batang nanunukso. Ang bully pala ng taong to, Cute na bully.
'bahala ka, lakas ng tama mo' sabi ko sa kanya na nag aacting na galit pero sa totoo lang kinilig talaga ako sa mga pinagagawa ni Chuck.
'uuuy, galit siya, wag na galit baby' panunukso ni Chuck, in fairness ha kinikilig na talaga ako pero hindi ko pinahalata sa kanya.
'pero seryoso Chuck. salamat sa araw na to ha' seryoso kong sabi sa kanya.
'No problem Nico, basta pag kailangan mo ng kausap i'm always here' seryosong sagot niya. Nag ngitian kaming dalawa.
'Sige na, parang malalim na ang gabi, uuwi na ako' sabi niya. Oo nga pala hindi ko na namalayan lng anong oras na pero alam kong late na talaga.
'oo nga, sige hatid na kita sa bahay ninyo.' sabi ko sa kanya.
'no need na Nico, gabi na don't mind me.' sagot niya sa akin.
'I insist, ihahatid kita, period. Wag ka nang umangal, tayo na' sabi ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita, bumaba na kami para pumunta sa sasakyan para ihatid siya pauwi. Wala nang tao sa sala, tulog na sila lahat.
Hinatid ko si Chuck sa bahay nila at salamat naman malapit lang bahay nila sa bahay namin dahil inaantok na talaga ako.
Nakahiga na ako sa kama ko at nagiisip sa lahat ng nangyari ngayong araw, ang daming nangyari ngayon at ang saya ng puso ko nawalan ng bigat. Pumikit na mga mata ko hanggang sa nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
TADHANA (BoyXBoy)
RomanceSi Nico isang gwapong dancer na isang university heartthrob. Nasa kanya na lahat na hinahanap ng mga babae pero hindi pa siya ready magmahal ulit dahil sa past niya sa ex-gf nya na niloko siya. Si Chuck naman na isang campus badboy at kagaya din ni...