Chapter 17

474 8 0
                                    

Gumising ako na mabigat ang ulo at damdamin ko, sabado ngayon at sa ganitong oras tulog pa sana ako pero kailangan gumising ng maaga.

Alas tres ng madaling araw gising na ako, maaga ang call time sa sem ender camp kasi malayo ang venue.

Bumangon kahit labag sa kalooban ko, kung hindi pa lang to requirement sa class tulog pa sana ako ngayon.

Pumunta na ako sa banyo at naligo, tinignan ko ang mukha sa salamin, namamaga pa rin mukha ko sa ka iiyak kagabi. Nasira tuloy ang maganda kong mukha. Natawa ako sa naisip ko.

Matapos na akong maligo at nag bihis, kumuha ako ng boxers sa cabinet at sinuot ito, nag white v-neck shirt at sweat pants ako, maginaw sa byahe kaya kinuha ko ang Nike na grey hood ko. Hindi na ako nag abalang mag suklay kasi hindi ako sanay, gusto ko free lang ang buhok ko.

kinuha ko ang naka pack up na na traveling bag ko at bumba na sa sala. Gising na si manang at si mama, maaga sila nagluto dahil alam nilang may lakad ako.

'Good Morning ma, good morning manang' sabi ko sa kanilang dalawa, 'O anak, halika na kain ka muna,  mahaba pa byahe niyo mamaya.' tugon ni mama.

Naghukad si manang, at habang hinihintay siya tinitignan ko mukha ko sa salamin, minsan vain talaga ako lalo na pag ganito na may school event. Dapat lang noh. 'Manang, paki timpla naman ng kape please.' panunuyo ko kay manang at sumangayon naman siya.

Bumukas ang pintuan sa room nila mama at lumabas si papa, ba't ang aga ni papa gumising? 'Good Morning pa' sambit ko kay papa. habang nakatingin lang sa salamin at kumakanta.

'Ba't ang aga mo Nico, san ba lakad?' tanong niya, pumunta siya sa kusina at nagtimpla ng kape niya.

'May sem ender camp po kasi kami at maaga ang calltime tapos malayo pa ang biyahe' sagot ko kay papa. 'Ah okay, san ba venue niyo?' tanong ni papa. 'Sa Camp Marina po dun sa barangay busay po' sagot ko kay papa.

'Nico tantanan mo na yang salamin baka mabasag yan, halika na kumain ka na' pangangalaska ni mama. 'Ma naman ang aga aga suportahan mo nalang ako.' naiinis kong sabi sa kanya.

Umupo na kami ni papa sa dining area at nagsimula na mumain at mag kape. 'Nga pala Nico, mag ingat ka sa pagmamaneho ha, masyadong dilekado yung lugar na pupuntahan niyo.' advice ni papa sa akin.

'Opo pa' maikli kong sagot habang sinusubo ang tocino na nasa kutsara ko. 'Pa ba't ang aga mo ngayon?' natataka kong tanong sa kanya.

Uminom muna siya ng kape bago magsalita. 'May kailangan lang akong tapusin sa office anak deadline ng client ngayon.' sabi ni papa. 'Ah okay, kaya pala' sagot ko.

Nag ring bigla ang phone ko. Siguro si kim o si vince na to, tinignan ko phone ko at nakita ko ang name ni Kim na nakatatak sa phone ko.

'Hello?' sabi ko. 'Nicolo san ka na? andito na ako sa 7/11 bilisan mo baka ma rape ako dito.' natawa ako sa sinabi ni Kim. iba talaga takbo ng isip ng babaeng to.

'opo maam saglit lang kumakain pa driver ninyo, wala pa ba si Vince? ba't ba kasi ang aga mo? 3:30am pa lang.' tanong ko sa kanya. 'excited ako eh, wala pa si Vince papunta pa lang siya, bilisan mo na, dala ka foods.' sagot niya.

Aba ang kapal talga nitong babaeng to, natawa nalang ako. 'o sha sige na i'll be there in 20 mins. maghintay ka jan magkape ka muna kng gusto mo.' sabi ko sa kanya at pinutol na niya ang tawag.

Natapos na ako kumain at nag tooth brush at nag ready, nag check ako kung may nakalimutan ba, wala na ready na ako.

Kinuha ko susi sa lalagyan namin sa may divider. Pinuntahan ko si mama sa kitchen. 'Ma, alis na ako, sunday night na ako uuwi' sabi ko kay mama at nag mano na. 'Okay anak. mag ingat ka.' tugon ni mama.

'Pa, alis na ako' at nagmano na ako kay papa. Lumabas na ako at ready na lahat at pumasok sasakyan at pinuntahan na si Kim.

Nag park ako sa The Outlets at pinuntahan si Kim na naghihintay sa 7/11.

'Good Morning sunshine!' sigaw ko sa nakatulala na Kim, hindi ko alam kng bakit sumigla ako bigla, siguro dahil lang sa malamig na simoy ng hangin sa labas.

'ang tagal mo ha, namumuti na ang mga mata ko sa kahihintay sa inyo,' naiinis na sabi ni kim.

'sorry naman, chill lang, andito na ako madam. San na ba si Vince? nauna pa ako ah' tanong ko kay Kim.

'Ewan ko ba, mas grabe pa kayo sa babae, ang tagal ninyo' sabi ni Kim. 'excuse me, sadyang maaga ka lang talaga, ba't ba excited ka?' pangangalaska ko sa kanya.

Sumigla bigla ang mokong, at ngumiti 'wala lang baka kasi may makikita akong lovelife laturs!' tili niya. 'Landi mo' tumawa ako.

'Maganda lang talaga ako' ang confident talaga hahahaha.

Ilang minuto dumating na si Vince nag halatang galing sa pagtakbo dahil humihingal. 'hooo, sorry guys, late na ako na gising sorry talaga' sabi ni vince.

Nag snob lang si kim. 'Okay lang bro maag pa naman.' sabi ko kay Vince. Naki hitch si Vince sa akin dahil hindi siya pinayagan ng daddy niya na mag dala ng sasakyan.

'Tayo na nga, excited na talaga ako eh,' excited na sabi ni Kim. 'Teka muna bili muna tayo ng chichirya para may makain tayo sa biyahe.' suggest ko.

'Vince! it's your time to shine, dahil late ka sagot mo ang foods, gusto ko clover chips, piattos, at yung strawberry ma moggu moggu, thank youuuu' tili ni Kim. Ewan ko sa babaeng to hindi ba siya napupuyat sa kakatili.

Napakamot nalang ng ulo si Vince at pumili ng mga pagkain at drinks at pumila sa counter at nagbayad.

Ready na ang lahat ng kakailanganin at lumabas na kami sa 7/11 at pumunta sa sasakyan ko. Para kaming mga traveler sa posrtura namin. Natawa ako sa aming tatlo. Maybe maganda ang result ng Camp na to. Parang early outing lang.

TADHANA (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon