Chapter 21

492 8 0
                                    

Nico

Nico

If i could change the world over night, there'll be no such thing as goodbye, you'll be standing right where you were, we've got the chance we deserve, oh oooo

try to deny it as much as we want, but in time our feelings will show,

Nico & Kim

'cause sooner or later, we wonder why we gave up, truth is everyone know

Almost, almost is never enough, so close to being in love, if i would have known that you wanted me, the way i wanted you-

'Okay guys, tama na muna yang jam niyo, mag ready na kayo malapit na mag 8pm mag stastart na tayo ng activity natin in no time' nakangiting sabi ni Ms. Molina

Naputol ang kantahan namin ng team namin, pina duet kami ng teammates namin ni Kim at si Joam ang nag play ng guitar.

Mayamaya nakita kong parating na si Chuck, blanko ang emosyon ng mukha niya.

Hindi ko nalang siya pinansin, nakokonsensya pa rin ako.

Nag ready na kami para sa activity namin na hindi naman namin alam, sinabi lang ni Ms. Molina na mag gather kami at mag circle na naka indian squat.

'Okay, siguro ready na kayo lahat, alam niyo na siguro ang activity natin ngayon, truth or dare ang activity natin ngayon, bago tayo mag start explain ko muna kung ano ang rules ng game.'

Kinabahan na ako sa activity na ito, alam kong may mangyayari na hindi maganda, nagtilian ang mga teammates namin dahil siguro excited sila sa activity, tumahimik lang ako habang si Kim sa tabi ko ay na eexcite na, para nang baliw sa ka titili.

'Chill guys, wag masyadong excited, okay, rules!' sigaw ni Ms. Molina na nakangiti.

Tumahimik ang lahat at tumingin sa kanya para makinig.
'Simple lang ang rules ko, dalawa lang. First, Walang KJ (Kill Joy), Second, Enjoy lang tayo. Ang purpose ng activity na ito ay para mag enjoy lang kayo sa Camp na ito, relax lang tayo at mag saya. Okay let's start. Ako ang una na mag spin ng Bottle.' sabi ni Ms. Molina

Kinuha ni miss ang isang botelya ng coke sakto at nag spin na siya. Kinakabahan na ako habang tinignan ang botelya na umikot sa gitna ng circle namin. Huminto ang tip ng botelya sa teammate namin na si Joan.

Nakahinga ako ng malalim dahil hindi ako ang una. 'Okay, Joan, truth or dare?' tanong ni Ms. Molina kay Joan. 'Dare Ms.' nakangiting sabi ni Joan.

'Maghubad ka ng kahit ano na naka attach sa katawan mo' sabi ni Ms. Molina, hinubad ni Joan ang dalawang hikaw niya.

Ilang tao na ang nahintuan ng bottle, at salamat sa diyos, hindi pa huminto sa akin. Nag spin si Drake na teammate namin sa bottle at sa kasawiang palad huminto sa akin. Nanigas ako habang ang mga kasama ko ay nagsigawan.

'Nico, Truth or dare?' tanong ni Drake. ' Dare' bilis na sagot ko. Siguro naman walang gago na pumili ng truth lalo na hindi pa kami gaano magkakilala lahat.

'Okay, alam kong dancer ka sa university pero ngayon ang dare ko sa'yo ay kumanta ka' sabi ni Drake. Pumalakpak na naman lahat except ni Chuck na nasa harapan ko katabi si Ms. Molina at si Chelsy.

'Anong kanta gusto mo?' tanong ko na nahihiya na sa lahat. 'kahit ano, ikaw bahala, Joem mag guitar ka pare para mas maganda' sabi ni Drake.

Kinuha naman ni Joem ang gitara ko sa likuran niya, 'Nico, anong kakantahin mo?' tanong ni Joem na nasa tabi ko.

Nag isip ako ng kantahin, 'I'm scared to death ang kakantahin niya Joem' biglang sabi ni Kim. Loko tong babaeng to, 'Ikaw nalang kaya kumanta' nakangiti kong sabi sa kanya.

'Wag kang KJ, sige na kanta na go Nicolo! Wohoooo!' sigaw na Kim, habang ang mga teammates namin nagtilian na.

Sinimulan na ni Joem mag play ng gitara. Wala na akong magawa kaya sinimulang ko na kumanta.

You can, leave me, take away all that i have, you can want me, love me for who i am,

Tumahimik lahat, tumingin sila lahat sa akin, nakangiti lang sila habang pinakinggan akong kumanta

choices, romance, taking me high in the air, flying so scared, afraud not to see you again...

Tinignan ko si Chuck, nakatingin lang siya sa ground

I'm scared to death, now that i'm losing you, i'm scared to death, knowing that i can't get through, i'm scared to death, living this so lonely life without you...

Tinigna ko ulit si Chuck, at nagkatinginan kami, nakita ko sa mga mata niya ang lungkot pero wala nang galit.

Baby, i'm scared to death...

Nagpalakpakan lahat, nagsigawan sila. 'Wow, dancer na singer pa!' sigaw ni Joan sa akin. Ngumiti si Ms. Molina sa akin 'Talented ng batang to oh' panunukso ni Ms. Molina.

Ngumiti lang ako sa kanila dahil nahihiya ako, 'Okay na yun, move on na tayo sa game.' nahihiyang sabi ko. Nagpatuloy kami sa game namin.

Nag stop ang bottle kay Joem at nagsigawan lahat. Tanong ko 'truth or dare?'. 'Dare' sagot naman ni Joem. Nag isip ako ng dare sa kanya ng biglang suminhit si Chuck.

'Halikan mo ang katabi mo!' sigaw ni Chuck, habang tumawa. Loko siya katabi ko si Joem at si Dean ang isang katabi niya. 'Ba't ikaw ang nag dare hindi naman ikaw ang nag ikot ng bottle eh' naiinis na sabi ni Joem. 'Okay lang yan, wag kang KJ, okay lang naman diba Nico?' tanong ni Chuck sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya, pinansin niya ako, pero wala akong magawa, 'yeah, okay lang' sagot ko.

'Ah okay, pero parang hindi okay kay Ms. Molina' sabi ni Joem habang nakatingin kay Ms. Molina

'Sinabi ko bang hindi okay? Walang KJ diba?' nakangiting sabi ni Ms. Molina. Nagtilian lahat ng teammates namin. Tumawa ako dahil wala ng kawala si Joem, pero sana si Deam ang hahalikan niya at hindi ako.

'Basta wag ako halikan mo Joem, si Dean na lang.' natatawa kong sabi. Lumaki ang mga mata ni Dean sa sinabi ko. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Sasagot na sana si Dean pero huli na ang lahat, agad na hinalikan ni Joem si Dean, tumahimik lahat sa nakita nila, kahit ako na shock ako sa nakita ko, ang bilis ng pangyayari.

Matapos humalik si Joeam kay Dean, sumigaw lahat at tinukso silang dalawa, nakita ko si Dean na nahihiya na talaga, kitang kita ko sa mukha niya at si Joem parang wala lang.

Inikot na ni Joem ang botelya at ng huminto ito, nakatutok ito kay Chuck. 'Sh*t'' sigaw ni Chuck, habang si Joem ay ngumiti ng napaka evil.

'Hahaha, humanda ka bro! lintik lang ang walang ganti' nakangiting sabi ni Joem.

'Halikan mo si Stacey!' tumawa si Joem. 'Hindi ba dapat magtanong ka pa kung truth or dare ba?' naiinis na tanong ni Chuck. 'Wala ng tanong tanong, halikan mo si Stacey 10 seconds' nakangiting sabi ni Joem.

Napakamot si Chuck sa ulo niya, at ako naman ay nanigas, sana wag niyang gawin ito please, ako lang ang pwedeng humalik kay Chuck.

Tinignan ako ni Chuck na parang nanghihingi ng pahintulot, yumuko lang ako at hindi ko siya tinignan. 'Nicolo, pigilan mo na habang hindi pa ginawa ni Chuck' Pabulong na sabi ni Kim sa akin.

Hindi ko pinansin si Kim, ayokong gumawa ng eksena, wala akong karapatan dito. Tinignan ko ulit si Chuck, pero ang nakita ko ay naghalikan na sila ni Stacey at nagbilang ang mga team mates ko.

10, 9, 8,

'Excuse Ms. mag CR muna ako' sabi ko kay Ms. Molina at bilis akong tumayo at tumakbo palayo camp at pumunta sa kagubatan. Hndi ko alam kung bakit ako pumunta dito pero dito ako dinala ng mga paa ko.

Tumulo ang luha ko sa nakita ko, nagawa talaga ni Chuck ang dare, guni-guni ko lang pala talaga ang lahat na naniniwala ako na mahal din niya ako, mali pala ako.

Ba't ba pinasok ko ang gulong ito? Pero puso ko na ang nagsabi na mahal ko si Chuck. Pero sa nakita ko, hindi niya ako mahal.

TADHANA (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon