Chuck:
'Okay, eto lang gagawin nyo. maghanap kayo ng mga sanga nga kahoy dun sa may gubat, mag ingat kayo dun baka may mga ahas.' explain sa amin ni Ms. Molina.
Sinimulan na namin ang paghahanap ng mga sanga ng kahoy para sa camp fire.
Natapos na kami maghanap at tinipon namin ang mga sanga sa gitna ng area namin.
Umupo ako sa isang, sulok para magpahinga, napagod ako sa paghahanap, at pumasok sa isip ko ulit ang nangyari kanina sa amin ni Nico.
Napasimangot ako sa naisip ko, hindi ko talaga nakayanan ang nangyari kanina, pinaiyak na naman ako ni Nico.
'Aheem... uhm Chuck okay ka lang?' tanong ni Ms. Molina.
'Ah, opo miss okay lang po, napagod lang ako.' sagot ko kay Ms. Molina habang nakangiting pilit.
'Asus, wag ka na magsinungaling, alam ko may problema ka Chuck, kanina pa kita napapansin sa mga games, masya ka pero kita sa mga mata mo na may problema ka, facilitator ako alam ko at nafefeel ko pag may problema kayo. Sabihin mo lang, tutulungan kita' sabi ni ms. Molina na tumabi sa akin.
'Nahihiya ako Ms. eh' nahihiya kong sagot.
'Anong nahihiya?, asus para ko na kayong mga anal dito, qt diba sabi ko kaibigan niyo ako dito, hindi niyo ako teacher, trabaho ko ang gabayan kayo sa kahit na ano. Sige na, sabihin mo na. Ano ba yang problema mo, pamilya, barkada o pag-ibig.' nagpumilit si Ms. Molina.
Wala namang mawawala kng sasabihin ko sa kanya diba, at baka matulungan pa niya ako, hindi din naman siguro niya ipagkalat sa buong school ang sasabihin ko.
'eh, ah... kasi miss, uhmmm' nauutal kong sagot kay Ms. Molina. 'Ano? wag ka na mahiya, tayo lang makaka alam nito, promise' sabi niya sa akin
'Kasi miss, may nagustuhan kasi ako, tapos nagka close kami at pagkatapos, sabi pa niya dapat ko raw e open ang puso ko sa mga taong karapatdapat, ginawa ko naman, hindi niya alam na siya ang gusto ko, natatakot din ako na malaman niya kasi lalake din siya, pagkatapos bigla nalang siyang nalawa, umiwas, di na nag tetext at ngayon dito sa camp, bigla siyang nagparamdam sa akin at humingi ng patawad, pero hindi ko siya pinansin, natatakot na ako na kung patatawarin ko siya baka iiwan na naman niya ako, hindi ko na kaya' explain ko kay Ms. Molina
Nag expect na ako na magagalit siya o mandidiri sa sinabi ko kasi Reed teacher siya. Pero wala lang reaksyon si Ms. Molina. Nakatingin lang siya sa akin ng tahimik.
'Ganito Chuck' biglang sabi ni Ms. Molina habang hinawakan niya tuhod ko.
'Makinig ka, hindi mo ba naisip na baka naguguluhan lang siya sa sarili niya o sa nararamdaman niya kaya siya lumayo? Baka gusto ka rin niya pero pilit niyang pinigilan ang sarili niya, at kaya siguro bumalik siya para humingi ng tawad baka kasi ready na siya or baka gusto ka rin niya kaya nag effort siya, believe me, mahirap talaga ang magpatawad pero mas mahirap ang mag ipon ng lakas ng loob para manghingi ng patawad, nag effort siya para mapatawad mo siya pero binalewala mo lang, don't get me wrong alam kong masakit ang ginawa niya, pero the guy is so brave na humingi ng tawad sayo, why not give him a chance, take the risk. wala namang mawawala kng e try mo. Life's so short to worry Chuck, wag mo sayangin ang pagkakataon.' mataas ma sermon ni Ms. Molina
Tama nga naman si Ms. Molina pero hindi ganun ka dali eh, masakit pa rin ang ginawa niya, ang hirap at wala pang kasiguradohan na mahal din niya ako. Natatakot ako. Ang gusto ko lang malaman kng mahal din ba niya ako.
'Teka sino nga ba si mystery guy?' biglang tanong ni Ms. Molina
nag dalawang isip akong sabihin sa kanya, sinabi ko na ang problema ko kaya sasabihin ko na rin kung sino.
'Si Nico po Ms.' bulong ko sa kanya. 'Ahhh... kaya pala, ramdam ko kanina pa lang na may gap sa inyung dalawa, diba, akalain mo ka team pa kayo, sign na yan Chuck, tadhana na ang nagpalapit sa inyu, may rason lahat ang nangyari, wag mong sayangin.' sabi sa akin ni Ms. Molina.
Ngumiti lang ako sa kanya, nakakahiya naman to.
'o sha, tayo na kumain ka na dun, wag kang magpadala sa kalungkutan, enjoy lang tayo. Matatapos din yang problema mo. Just have faith.' nakangiting sagot ni Ms. Molina
'Opo Ms. una na kayo, susunod lang ako' sabi ko sa kanya. 'Okay ikaw bahala, basta kumain ka ha, we'll have a long night activity dapat kumain. Okay?' sabi niya sa akin.
'Opo, no worries po' sagot ko kay ms. 'Sige punta na muna ako sa Cafeteria, gutom na rin ako eh. hehehe' pabirong sabi ni ms. molina.
Tumawa lang ako at kinawayan siya. Umalis na siya at naiwan ako sa kinauupuan ko. Madilim na ang paligid, tanging ang repleksyon ng buwan sa ilog lang nagliwanag sa paligid.
Rinig ko ang ingay ng mga tao sa cafeteria, pero isa itong payapang ingay.
Naisip ko ang sinabi ni Ms. Molina, alam ko tama siya, pero pano kung masasaktan ako uli?
Mahal ko si Nico, pero mahal niya ba ako? Gulong gulo na ang isipan ko, pero mamatay ako araw-araw pag mawala ng tuloyan sa akin si Nico. Hindi ko talaga kaya na mawala siya.
Kahit kaibigan lang kami, okay na sa akin yun basta wag lang siya mawawala. Kailangan ko na siyang kausapin siguro. Pero paano?
Kaya ko ba? Natatakot ako baka ayaw na niyang kausapin ako, paano ba to? Ang hirap talaga.
'Chuck, what are you still doing there? halika na kain na tayo, akala ko date kita bat ayaw mo sumama sa akin?' biglang sabi ni Stacey.
Nagulat ako ng marinig ko tinig niya, pucha, basag trip talaga tong babaeng ito. Swerte ka babae ka baka sinapak na kita.
'Ah, saglit lang kain ka na dun, busog pa ako susunod na ako mayamaya' naiinis kong sabi kay Stacey.
'No, i insist. Dapat magkasama tayo, dapat makita nila na magkasama tayo.' sigaw niya at binitad niya kamay ko at pinilit na dalhin ako papunta sa cafeteria.
Hindi nalang ako umangal kasi may katigasan ang ulo ng babaeng ito. Stress lang aabutin ko pag pinatulan ko pa. Hinayaan ko na lang siya.
BINABASA MO ANG
TADHANA (BoyXBoy)
RomanceSi Nico isang gwapong dancer na isang university heartthrob. Nasa kanya na lahat na hinahanap ng mga babae pero hindi pa siya ready magmahal ulit dahil sa past niya sa ex-gf nya na niloko siya. Si Chuck naman na isang campus badboy at kagaya din ni...