Ang bilis ng oras, dismissal na, napag pasyahan ko na wag muna umattend sa dance practice ngayon kasi gusto ko maaga umuwi kasi may lakad kami ni papa bukas, i've already texted kuya ace para ipaalam sa kanya na hindi ako magpapractice ngayon.
'Vince, una na ako ha, pakisabi nalang kina kuya ace bro.' tugon ko sa kanya
'No problem bro, so meaning mag cocummute ka pauwi?' natatawang tanong ni vince.
'Unfortunately, yes. Ganun na nga, rush hour pa naman ngayon. Haaaay' sagot ko sa kanya na may kasamang sad face.
'O cge na bro, ingat ka at.... good luck, hahahaha' panunukso ni vince sa akin.
'Che, walang hiya' patawa kong sagot.
Bumaba na ako galing 3rd floor kasi dun yung last class ko, i've decided na sa ramp dumaan kasi nakaka tamad mag stairs, i'm exhausted sa mga class ko kanina buti na lang friday ngayon walang pasok bukas, hay buhay nga naman.
Lumabas na ako ng building at lumalakad na papunta sa gate ng school.
Ang ganda ng paligid ng school namin, dahil pagabi na, dumidilim na ng konti maginaw na ang paligid kasi malayo sa city ang school namin, punong puno ng kahoy ang mga gilid ng streets nakaka gaan ng loob, para bang you're one with nature, inenjoy ko ang paglalakad ko hanggang sa umabot ako sa exit gate ng school.
Madami nang naglabasan na students at agawan na ng masaaakyang jeep. Napakamot ulo nalang ako kasi wala na ako magagawa. Traffic traffic traffic. Good luck nicolo.
Napag isipan kong mag taxi, kaso nga lang sure ako malaki mababayaran ko at ayoko gumastos tapos para sa taxi pa. Okay na to commute nalang last option ko.
Nakalabas na ako ng school namin at naghihintay na ako ng masasakyan at swerte naman ako may humintong jeep at may isang bumaba na ale. Hay salamat ate hulog ka ng langit, pumasok na ako sa jeep at pumwesto na.
Lumingon lahat ng nakasakay sa jeep, bakit sila nakatingin lahat sa akin? May kasalanan ba ako o baka akala nila hold-uper ako. Mukha ba akong kriminal?
'Uy friend si Nico yan oh sa dance club, gwapo niya' bulong ng isang babae sa corner ng jeep kasama ang friend nyang babae. Aba kilala pa ako, gwapo daw ako? Salamat naman.
'Oo nga siya nga, sumasakay pala siya ng jeep, diba mayaman sila? Ang cute naman' pabulong na sagot ng isang babae. Aba insulto ba yun? Bakit wala akong right mag commute? At hindi kami mayaman sakto lang tong mga babaeng to chismis ng chismis.
Bahala na nga sila matutulog na lang ako bago pa ako ma bwisit sa mga babaeng to.
Riiiiing...
Nagising ako sa ring ng phone ko, may nag text kay dali dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa
Chuck: Pare san ka? Wala ka sa practice nyo, party tayo mamaya. :D
Wow parang ang close na namin ha at alam pa niyang wala ako sa practice. Stalker ba tong taong to?
Ako: Sorry pare, umiwi ako ng maaga eh at hindi ako pwede ngayon may lakad kami ng papa ko bukas. Sorry next time nalang :)
Reply ko kay chuck.
Chuck: Ah okay pare, sayang naman. Cge next time pare promise yan ha :)
BINABASA MO ANG
TADHANA (BoyXBoy)
RomanceSi Nico isang gwapong dancer na isang university heartthrob. Nasa kanya na lahat na hinahanap ng mga babae pero hindi pa siya ready magmahal ulit dahil sa past niya sa ex-gf nya na niloko siya. Si Chuck naman na isang campus badboy at kagaya din ni...