Madilim na ng umabot kami sa mall, sakto kasi dinner ang pakay namin dun, pero wala pa rin kaming kibuan.
Hindi ko na kaya to, kailangan
may magsasalita sa amin bago pa mauwi sa walang kibuan itong gabi na to.'Ahmm... Kain na agad tayo or may bubilhin ka pa?' tanong ko kay Chuck na nakabigla sa kanya.
'Ah, ikaw bahala Nico, ikaw masusunod' sagot niya na ngumingiti pa. Bumalik ang sigla ng loko ah.'Kain nalang muna tayo, nalakagutom pala mag drive' rason ko sa kanya, pero nagutom talaga ako dahil sa sinabi niya kanina. Kainis!
'Ah cge, gutom na rin ako at kinakalabit na ako ng bigby's' biro ni Chuck na bumalik na ang sigla.
Pumanta kami sa new wing ng mall kasi nandun ang bigby's at ma swerte kami walang masyadong tao sa loob.
'Table for two sir or may kasama pa kayong iba?' tanong ng waitress sa labas ng restaurant. Aba, ngumingiti pa kay Chuck, excuse me miss, akin lang siya.
Ano ba tong iniisip ko, nakakadiru ka Nico. Landi mo!
'Just for two miss thank you.' bilis kong sabi para lubayan na niya ang Chuck ko.
'Okay po sir, just follow me po' sabi ng waitress na dinala kami sa corner ng rastaurant, buti nalang wala masyadong tao para walang medyo makakakita sa amin. Baka isipin nila magdyowa kami.
'So, what's your order sir?' tanong ng waitress na nakangiti at nagpapa cute pa rin kay Chuck. Sabi nang layuan mo siya eh. Hay naku!
'Ahh balik ka na lang later miss, magdedecide muna kami ng kaibigan ko.' sabi ko sa babae para umalis na siya.
'ok sir, just call me if ready na ang orders niyo.' nakangiting sabi ng waitress. Ang landi! Buti nalang umalis na.
'Ang sungit naman naton Pare' sabi ni Chuck sa akin.
'Eh naman kasi panay sunod sa atin, parang buntot lang pwede naman cguro bumalik siya pag ready na order natin.' sabi ko kay Chuck.
Ngumiti siya na parang tinukso niya ako. 'Ba't nakatingin ka ng ganyan?' masungit kog tanong.
'Wala lang, gwapo mo kasi' nangiting sagot ni Chuck.
Pucha, ano daw sqbi niya? Totoo ba narinig ko? Ano ba tong si Chuck, kinikilig na ako sq kaloob looban ko, nakakahiya na to.
'Gago! Mamili ka na ng ng order mo.' sagot ko sa kanya na feeling ko parang carrots na sa pula ang mukha ko.
Ngumiti lang siya sa akin habang nag hahanap ng ma order. Nakakainis tong taong to, pinapakilig niya ako. Ano ba trip niya. Nakakahiya talaga.
'Baby Back Ribs, Seafood Platter, Calamares at Onion rings at tatlong rice.' bigla niyang sabi sa akin.
Ang takaw naman ng taong to, pero sabagay nagugutom na talaga siguro siya, ako din naman gutom na.
'Gutom much?' panunukso ko sa kanya. Ngumiti siya na parang nahihiya 'Sorry, parang malako mababayaran mo ngayon gutom talaga ako eh.' nahihiyang sagot ni Chuck.
'Don't Worry, ako din naman eh hahaha' natatawa kong sagot.
'Ahh miss excuse me' sigaw ko sa waitress na sinenyasan ko na pumunta sa table namin.
'Yes sir, may i take your order' sabi ng waitress ma malandi.
'Dalawang Calamares, Seafood platter, Dalawang back ribs, onin rings, fries, steak, 6 na rice at dalawang bottomless iced tea please' order ko sa waitress.
'okay sir, wait lang tayo ng 10 mins for serving sir. Babikan ko kayo later' sabi ng waitress na MALANDI.
'Ehem! Akala ko ako lang ang gutom' pangangalaska ni Chuck.
'Hehehe, tao lang po nagugutom din' sagot ko sa kanya. Natawa siya sa sinabi ko. Ang babaw ng kaligayahan ng taong to pero ang cute niya.
'Nga pala Nico, ba't binilhan ka ng Car ng papa mo?' tanong ni Chuck sa akin habang hinihintay namin ang order namin.
'Ah kasi nga daw it's time na bilhan na daw ako ng Car sakto na daw sa edad ko, at early birthday gift niya daw sa akin.' explain ko kay Chuck.
'Ahhh kaya pala, how old are you na nga pala? at kailan ba birthday mo?' tanong niya sa akin.
'19 na ako at running 20 next next week, October 30 bday ko.' sagot ko kay Chuck.
'Ahhh okay, malapit na pala bday mo, matanda ka na.' pabiro niyang sagot.
'Kapal mo, e ikaw? how old qre you na?' tanong ko sa kanya.
'kaka 20 ko lang last August 12' sagot niyq sa akin. E di hamak na mas matanda pa pala siya sa akin eh.
'Ikaw pala mas matanda eh, Hi kuya!' pangangalaska ko kay Chuck.
'Buwan lang ang tanda natin wag kang feeler.' sabi niya sa akin.
'Mas matanda ka pa rin kahit buwan lang ang agwat natin, tanggapin mo na kuya.' panunukso ko sa kanya.
'Ah okay' maikling sagot niya, parang nagtatampo ang loko.
'Uy, nagtatampo siya, Sorry na. Joke lang naman yun.' explain ko sa kanya.
Hindi kumibo si Chuck, parang nagtatampo talaga siya, 'Uy Chuck sorry na.' sabi ko sa kanya.
Dumating na order namin, pero hindi pa rin kumibo si Chuck, nagtatampo na talaga siya.
'Chuck, sorry na, halika na kain na muna tayo' sabi ko sa kanya baka mawala ang tampo niya pagkatapos kumain. Nalungkot ako.
Bigla siyang tumawa ng malakas, para siyang baliw.
'Joke lang!' sabi niya sa akin na tumatawa pa rin.
'Ba't ka tumatawa?' natataka kong tanong sa kanya. Para siyang baliw talaga tumawa lang bigla.
'Hahahaha, joke lang yun, hindi talaga ako nagtatampo sayo. Sorry, love you pare' sabi niya sa akin na natatawa pa rin.
Maiinis na sana ako pero may sinabi siya na nakaka pasaya sa akin. Love you daw? Ngumiti ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata.
'Loko! kinabahan ako dun ha, akala ko nagtatampo ka na talaga.' Niinis kong sagot sa kanya.
Pero ang inis ko akting lang talaga pero sa ka loob looban ko kinikilig na talaga ako. Akalain mo nag Love you siya sa akin.
'Kain na nga tayo, nagugutom na talaga ako.' sabi ko sa kanya, para naman makalimutan ko ang kilig at baka ma pansin pa niya na kinikilig ako.
Tahimik kaming kumain, halatang nagugutom na talaga kami, ang sarap pa ng pagkain, food haven talaga ang bigby's.
BINABASA MO ANG
TADHANA (BoyXBoy)
RomanceSi Nico isang gwapong dancer na isang university heartthrob. Nasa kanya na lahat na hinahanap ng mga babae pero hindi pa siya ready magmahal ulit dahil sa past niya sa ex-gf nya na niloko siya. Si Chuck naman na isang campus badboy at kagaya din ni...