'Oh, anak ba't bihis na bihis tayo ngayon?' tanong ni papa habang kumakain kami ng hapunan
'May lakad lag po pa' maikli kong sagot kay papa. 'Ahh okay, basta wag kalimutan lakad natin bukas, 1:30 tayo lalakad okay?' sabi ni papa
'Okay pa' sagot ko naman sa kanya.
Dingdong...
May nag dorbell bigla. Tumayo ako para buksan ang gate. 'Nico, umupo ka na jan ako na mag bukas ng gate' biglang sabi ni manang na dali daling limabas ng bahay.
'Baka kaibigan mo na yan nico' sabi ni nanay sa akin.
'Ewan ko po, sabi nya kasi itext nya ako pag papunta na siya' sagot ko kay mama
'Ah, nico ikaw hinahanap kaibigan mo daw' sabi ni manang na papasok na ng bahay kasama si Chuck sa likod nya.
Si chuck nga, ba't ang aga nya wala pang 9:00pm eh at sabi nya itetext nya ako pag papunta na siya.
'Uy hijo, tuloy ka, kain tayo saktong sakto pagdating mo.' sabi ni mama. Wow ang welcoming ni mama ngayon ah.
'Upo ka dito hijo, sumabay ka nang kumain samin.' sabat naman ni papa.
'Ay okay lang po tito, tita, tapos na po ako kumain. Good Evening pala sa inyong lahat.'
Tumayo si kuya para iligpit nya pingan nya pero hindi nya pinalampas ang umepal.
'Good Evening bro, san ba kayo pupunta ng kapatid ko?' striktong tanong ni kuya habang palapit kay chuck.
'Kuya! Ano ka ba, wag mo takutin kaibigan ko.' sigaw ko sa kanya na tumatawa
'Nag tatanong lang naman ah.' sagot ni kuya
'Pabayaan mo siya Chuck, wag mo pansinin yan, dun ka muna sa living room, patapos na din naman ako.
Ngumisi nalang si Chuck halatang nahihiya na, kasi tong pamilya ko napaka daming sat sat.
Natapos na ako kumain at nag toothbrush na ako para aalis na kami bago pa nila e hot seat si Chuck.
Pumunta na ako sa sala kung saan si Chuck nag stay.
'Oh Pare tayo na?' tanong ko kay chuck.
'Okay ka na ba? wala ka nang nakalimutan? tanong ni Chuck.
'Okay na ready na ako, tayo na' sabi ko sa kanya. Salamat naman hindi nila ginulo si Chuck nakakahiya sa kanya.
'Ma alis na kami!' sigaw ko kay mama ma hindi ko alam kung nasan silang lahat.
Lumabas si mama galing sa room nila. 'Okay Nico, mag ingat kayo ha.' maikling sagot ni mama.
Lumabas na kami ng bahay para umalis na. Nakita kong naka park ang sasakyan ni Chuck sa labas ng gate namin.
Ang sweet namin parang magkarelasyon lang. Hahaha Pumasok na kami sa sasakyan para naman Go na agad para mataas pa oras ng paglalakwatsa.
Pinaandar na ni chuck ang sasakyan nya at pinatakbo na nya, tahimik lang kami habang papunta sa kung saan kami pupunta hindi ko nga pala alam.
'Nakakatuwa pamilya mo Nico, ang bibo nila. Swerte mo sa pamilya mo' sabi ni Chuck na nakabasag sa katahimikan namin.'Ahmm... Oo nga eh, pero ang kulit nila lalo na pag may bisita hindi nila tatantanan daming tanong.' sagot ko kay Chuck. Nakakahiya talaga sa kanya ang ginawa ng pamilya ko kanina.
'Okay nga eh, ang kwela nila. Kuya mo ba yung kumausap sa akin? Strikto ng mukha nya ah.' tanong ni Chuck
'Ah oo kuya ko yun, OA lang yun, umandar lang pagka over protective nun. Hayaan mo yun hehehe' natatawa kong sagot sa kanya
Habang kinausap ko si Chuck, pinag masdan ko mukha nya habang naliliwanagan ng mga ilaw sa kalsada, ang gwapo nya, ang kinis, ang tangos ng ilong nya, para siyang badboy na anghel.
Ano ba tong iniisip ko, lalaki si Chuck ba't parang nahuhumaling ako sa kanya anong na nangyari sa akin? Binura ko sa isipan ko ang pagpapantasya kay chuck baka siguro ngayun lang ako nakakita ng ganito ka gwapong lalaki. Admiration lang ito.
'Nga pala Chuck, san nga ba tayo pupunta?' pagtataka kong tanong sa kanya.
'Basta, maghintay ka lang, kung inaantok ka pwede kang matulog malayo pa byahe natin.' sagot na Chuck na halatang nakangiti, Sh*t ang gwapo nya talaga.
'Bakit ayaw mo pang sabihin e aabot naman tayo sa pupuntahan natin?' tanong ko sa kanya
'Eh bakit hindi ka makahintay e aabot naman tayo dun?.' pilosong tanong niya sakin.
Aba pilosopo pa tong batang ito. 'Bahala ka nga. Basta wag mo akong patayin ha.' natatawa kong sabi.
'Grabe ka naman, mamatay tao ba tong mukhang to?' tanong nya habang tumingin siya sa akin na may kasamang ngita.
My gosh, ang gandang tanawin ng mukha nya, anghel talaga nakikita ko. Badboy ba talaga tong taong to?
'Nga pala Chuck, san ba sa lapu-lapu bahay nyo?' tanong ko sa kanya. Hindi na ako tumingin sa mukha nya nagvfocus nalang ako sa kalsada para hindi na ako panay tutok sq mukha nya. Nakaka distract eh.
'Sa Holy Name Subdivision kami sa may Mactan.' maikling sagot nya. ' Ahh okay, malapit lang pala sa amin' sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa harapan ng sasakyan ayoko na siyang tignan.
'Malayo pa ba tayo? San na ba tng lugar na to? tanong ko kay chuck, parang rural area na ito ah wala na ako masyadong nakitang bahay, puro kahoy nalang at ang dilim pa. San ba kami pupunta nito?'Maghintay ka lang, Malapit na tayo, promise maganda ang pupuntahan natin.' sagot ni Chuck na parang na excite na siya.
'Naku, nakakatakot naman ng lugar na to, nasa bukid na tayo ah. Ano ba tripping mo Chuck?' Natataka kong tanong sa kanya.
Hindi na siya sumagot, bumitaw lang siya ng ngiti at lumiko pa kanan sa isang madilim na kanto.
'Ayan, andito na tayo sa wakas!' Sabi ni chad.
BINABASA MO ANG
TADHANA (BoyXBoy)
RomanceSi Nico isang gwapong dancer na isang university heartthrob. Nasa kanya na lahat na hinahanap ng mga babae pero hindi pa siya ready magmahal ulit dahil sa past niya sa ex-gf nya na niloko siya. Si Chuck naman na isang campus badboy at kagaya din ni...