Nico:
Ako: Chuck, punta ako sa inyu, mag ready ka, may pupuntahan tayo. :DD
Hindi ko alam kung bakit si Chuck ang una kong itext. Sa sobrang kaligayahan siguro.
Chuck: Sa'n ba tayo? parang happy tayo ngayon ah.
Pumasok na ako sa car ko. Wow naninibago ako dun ah. May car na talaga ato. Parang panaginip lang
Ako: Basta, wag na maraming tanong mag ready ka na lang jan malapit na ako :)
Reply ko kay chuck. Excited na akong makita siya, ba't ba ganito?
Inabot ko ang subdivision nila for just 30 mins galing city, milagro walang traffic.
'Guard san ba bahay ni Chuck De Guzman?' tanong ko sa isang guard na nasa entrance gate ng subdivision nila.
'A De Guzman? Oriele St. Block 10 po sir. Straight lang po kayo.' sagot ng guard.
'Ah okay, salamat' maikling sagot ko. Excited akong makita si Chuck at excited akong ipakita ang new car ko. Dapat lang noh Hahahaha
Nung umabot na ako sa bahay nila, nabighani ako sa ganda ng bahay, grabe ang laki ng bahay nila, mansion na ata ito, minimalist lang ang design at ang dami pang sasakyan na naka park. Ano ba tong bahay na to? ano kaya trabaho ng daddy ni chuck, walang binatbat ang bahay namin hahaha
Ako: Chuck, nasa labas na ako ng house nyo.
Maya maya nakita ko lumabas si chuck, my gosh, naka boxers lang siya paranga bagong ligo at teka, ang gago hindi pa nag ready, tama na muna yang pantasya mo Nico.
Tumawag siya sa akin gamit ang phone niya habang hinahanap niya ako sa labas ng gate nila.
Riiiiing...
'Bro, san ka? akala ko nasa bahay ka na?' tanong niya phone. 'Andito na nga ako' sagot ko. 'E san ka nga?' nalilitong tanong nya. 'Bakit hindi ka pa bihis? sabi ko mag ready ka na!' tanong ko sa kanya. 'San ka nga? para kang stalker ah'
Binaba ko window ng sasakyan ko, at nakita ko sa mukha ni Chuck na parang hindi siya makapaniwala na naka ngisi.
'Wooooow! ang gara ng bagong sasakyan natin ah' sabi niya sa phone habang papunta sa akin. ' Baba mo na phone mo para tsyong baliw nagtatawagan kahit magkalapit lang tayo. Hahahaha' natatawa kong sabi sa kanya.
Binaba nya phone niya. 'Ang ganda ng Car mo pare, latest model ng BMW to ah.' sabi ni chuck. 'Hehehe, binili to ni Papa, kaya pala sabi niya may lakad kami ngayon ito pala pakay namin.' sagot ko sa kanya.
'Teka lang bro, magbibihis muna ako mamaya na tayo mag kwentuhan.' sabi niya habang pumasok siya sa bahay nila. Naghintay nalang ako sa loob ng sasakyan.
Ang ganda ng katawan ni Chuck, ang kinis niya, ang presko, ang ganda ng abs niya, oh my God, kaya kong halikan buo katawan niya magdamag at kitang kita pa ang bulge niya.
Nico stop! mag hunosdili ka, pareho kayong lalaki. Ano ba nangyari sakin? Stop na stop! Sabi ko sa sarili ko.
After 5 mins, lumabas ni so Chuck, ang gwapo talaga, naka grey sweater siya, black shorts at Vans. Ang pogi niya effortless ang porma. Haaaay naku!!!
Ngumiti siya at pumasok na sa front seat, aba ang loko pumasok agad hahaha.
'O pare, san ba tayo pupunta, san mo ipagmamayabang ang 'NEW CAR' mo?' panunuksong tanong ni Chuck sa akin.
'Loko, anong pagmamayabang, hindi ko to ipagmamayabanag noh, gusto ko lang e practice to at naisipan kong itext para naman makabawi kagabi.' seryoso kong sagot.
'Yeeee, ang sweet naman.' natatwang sagot nya. 'Loko! tay na nga.' nahihiyang sagot ko, kinilig ako dun ha, sana hindi obvious.
'San nga ba talaga tayo?' seryosong tanong niya. 'San mo gusto mag dinner? Ako bahala.' tanong ko kay chuck.
'Kahit saan lang bro' maikling sagot ni Chuck. 'Ikaw pumili, cge na wag mo sabihing kahit saan' sabi ko sa kanya.
'Sure ka? ako talaga pipili?' tanong niya. 'Oo nga, ang kulit.' sabi ko.
'Okay, Bigby's tayo' nakangiti niyang sagot. Aba magaling mamili ah. 'Bigby's it is!' maikli kong sagot, napangiti si Chuck na tila parang bata na atat na atat kumain ng McDonalds. Ang cute hehehe
Ang dami namin pinag usapan na kung ano anong bagay, nag iba ang hangin ngayon, walang tahimik na moment, napaka daldal pala ni Chuck, hindi klaro sa mukha nya.
'Nico, gwapo ba ako?' nagtanong si Chuck out of the blue. Na bigla ako sa tanong niya, ba't niya ba natanong? anong isasagot ko sa kanya. Sh*t!
Natahimik ako saglit pero kailangan wag ako magpadala. 'Ahmm, oo naman tatawagin ka bang campus heartthrob kng hindi ka gwapo?' sagot ko sa kanya na may pa joke na tono.
'Alam ko yun, pero para sayo, kng ikaw lang mag judge, gwapo ba ako?' tanong niya. Puta na, kinabahan na ako, na hot seat ako sa sarili kong sasakyan. 'Ah... uh... Oo, gwapo ka Chuck' nauutal kong sagot sa kanya.
Wala siyang sinabi, pero kitang kita ko sa mukha niya na nakangiti siya, parang sira lang, ba't ba niya natanong yun? Gago, na hotseat pa ako. Nakakahiya.
Hindi ako nagpatalo, tinanong ko din siya, dapat siya din e hotseat ko. 'Eh ako, sa tingin mo gwapo ba ako Chuck?' seryoso kong tanong.
Natahimik si chuck ng saglit. 'Ahmmm... uh... ano yun?' sabi niya. Hahaha nakapaghiganti din ako. 'Sabi ko gwapo ba ako?' ulit kong tanong sa kanya.
'Oo Nico, gwapo ka inside and out!' seryoso niyang sagot.
Na bigla ako sa sagot niya, na feel ko namumula ang pisngi ko kasi uminit pakiramdam ko, ano ba to, sana hindi napansin ni Chuck ang pamumula ko, na baliw ako sa sagot niya, Loko siya, siya lang ang gumanito sa akin. Hindi ko na maiintindihan sarili ko.
Buti na lang umabot na kami sa Parking lot ng SM mall, haaay savior! Awkward silence talaga nangyari.
Kinilig ako sa sagot ni Chuck, grabe, siya lang talaga ang unang tao na nagpa feel sa akin ng ganung init at kilig, bakit ba ganito? Naglagusto na ba ako sa kanya? nagkagusto na ako sa lalaki? Nalilito na talaga ako. Lord tulong!
Natapos na ako magparking sa basement parking lot, nanatili kaming tahimik sa isa't isa, walang kibuan, nahihiya na ako, at parang nahihiya din siya, ang awkward.
BINABASA MO ANG
TADHANA (BoyXBoy)
RomanceSi Nico isang gwapong dancer na isang university heartthrob. Nasa kanya na lahat na hinahanap ng mga babae pero hindi pa siya ready magmahal ulit dahil sa past niya sa ex-gf nya na niloko siya. Si Chuck naman na isang campus badboy at kagaya din ni...