Chapter 19

475 7 0
                                    

Tapos na ako mag kape at tapos na rin kumain si Joem at si Stacey naman walang ibang ginawa kundi ang mag cellphone lang.

'Bro tayo na, baka maunahan tayo ng magandang room' suggest ko kay Joem.

Umalis na kami sa Cafeteria at lumakad na papunta sa Cabin, sunod lang ng sunod si Stacey sa amin, walang kausap, buti nga sa kanya sumama kasi siya sa amin.
Naabot na namin ang isang cabin. 'Hi, ito pala ang assigned cabin ng yellow team, dalawang cabin ang assigned sa inyo at 10 person each cabin, 1 cabin for the girls and isang cabin for boys.' sabi ng isang studyante.

Mga students org lang ang committee ng event kasi sila nag organize nito.

'Miss punta ka lang sa cabin sa right dun ang girls at you boys punta lang kayo dun sa cabin sa left may committee na naghihintay sa inyu dun.' explain ng lalaking committee.

Pumasok na kami sa Cabin, hindi kalakihan ang cabin, sakto lang, puro kahoy ang structure nito, cabin nga diba, pagpasok namin may mga lalaking kagagaling lang sa pagligo. May lumapit sa amin na isang lalakeng committee kita ko sa suot niyang tshirt kagaya ng ibang committee.

'Excuse me, san pa yung unoccupied na room para sa aming dalawa?' tanong ko sa lalaki.

'Ah, sorry wala nang room for two, pero may dalawa pang room na isa lang laman pumili nalang kayo sa room 3, at room 1.' explain ng lalaki

'hindi ba pwede kami lang magkatabi ng kaibigan ko?' tanong ko sa lalaki.

'Ay sorry pare, first come first serve kasi eh. kayo na bahala pumili wala na ako magagawa eh, sorry talaga' explain ng lalaki.
Bumukas ang pinto ng room 1 at may lumabas na lalaki na naka tanktop na printed at short parang bagong ligo lang, gwapo siya at maganda din ang katawan pero alam kong straight siya.

'Uy Bro, ikaw pala yan.' sigaw ni Joem at nilapitan niya ang lalaki at nag apir sila. Hala ang swerte ng mokong magkakilala sila. 'Chuck, dito na lang ako sa Room 1, buti na lang andito si Dean kaibigan ko.' sabi ni Joem

'Okay lang ba tayo roomate bro?' tanong ni joem kay dean. 'Walang problema pare.' nakangiting sagot ni Dean.

Ang swerte ng mokong. Wala akong magawa sa room 3 nalang talaga tanging option ko, kaysa naman matulog ako sa labas diba?

'Ah okay, ikaw bahala bro, walang hiya ka swerte mo' natatawa kong sabi kay Joem. Tumawa lang siya sa akin at pumasok na siya sa room.

Napakamot na lang ako sa ulo ko, wala na akong magagawa. Ngumiti lang sa akin ang lalakeng committee sa akin.

Lumakad na ako papunta sa room 3 at kumatok, pero walang nag bukas, pumasok na lang ako kasi baka walang tao.

Pagpasok ko wala ngang tao, pero may mga gamit na nakalagay sa sa isang higaan, maliit lang ang room, sakto lang ang dalawang bed na para sa isang tao, may lamp table sa  gitna ng dalawang bed, may isang malaking salamin sa may wall sa isang corner at mabuti naman may aircon sa room.

Nagtaka ako kung saan ang taong may ari ng mga gamit na nasa bed sa unahan ng room. Baka naligo siya o ewan ko.

Nilagay ko na ang traveling bag ko sa bed at humiga agad, nakakapagod tong araw na to, gusto ko sana matulog pero hindi pwede, may call time kami mamaya.

Inayos ko na lang ang mga gamit ko linabas ko ang dapat ilabas, mga sabon, shampoo at iba, nilagay ko sa cabinet at inayos lahat. May laman na ang Cabinet at sure ako sa kasamahan ko yun.
Napag pasyahan kong maligo na rin kasi mainit na sa labas, baka mangamoy araw ako.

Naghubad na ako ng tshirt ko at ng shorts ko, boxers nalang ang suot ko at kinuha ang towel ko sa bag ko, palabas na sana ako ng may nag bukas ng pintuan.

'Ch... Chuck?' nanlaki ang mata niya, napanganga siya ng nakita niya ako.

Napahinto ako sa nakita ko, naka tuwalya lang siya at basa ang buhok dahil galing ligo siya, ang gwapo niya, ang ganda ng katawan, maputi. ang ganda ng mukha kahit parang nagulat siya, ang gwapo pa rin niya.

'Nico' bulong kong sabi, gusto ko nang maiyak pero pinigilan ko, ayokong makita niya akong umiyak, at puyat na ang puso ko sa kaiiyak, yumuko nalang ako. Ayoko makita niya sa mata ko na nasasaktan ako.

Tahimik lang kaming dalawa, walang kumibo ni kahit isa sa amin, sa sobrang katahimikan maririnig mo siguro ang karayum na mahuhulog sa sahig.
Bilis na lumapit si Nico sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit, hindi ako kumibo, walang kahit na anong galaw sa katawan ko.

'Chuck, sorry sa lahat' lengwa niya na bumulong habang nakayakap sa akin. Chuck wag kang Umiyak, wag kang magpadala, be strong Chuck be strong.

'Chuck, patawarin mo ako, sorry talaga sa ginawa ko, I Can explain' sabi niya sa akin, ramdam ko ang hinagpis at pagsisisi sa kanyang boses.

Pero hindi ako nagpadala, hindi ko na kayang masaktan pa ulit kung papatawarin ko siya.

Kinuha ko ang kamay niya na nakayakap sa akin. Malakas ang pagkayakap niya pero hindi ako nagpatalo, pinilit kong kunin at kamay niya at binitiwan din ya ako.

Tumakbo ako palabas ng room at pumunta sa CR. Buti nalang wala ibang tao sa CR. Mabigat ang damdamin ko, pina andar ko ang shower sa CR, at hindi ko na mapigilan, umiyak na ako, sinuntom ko ang tiles na dingding nga CR, linabas ko lahat ng galit ko, hindi ako nakapag handa sa nangyari kanina.

Gusto ko nang pagpatalo sa naramdaman ko, muntik na akong madala sa mga yakap ni Nico, alam kong mahal niya na nga ako, pero bakit bigla siyang nawala, gumising na lang ako ng nawala siya, tapos ganun ganun na lang siya na bumalik, hindi ko na kayang magpahulog sa kanya, ang sakit ng ginawa niya.

Umiyak ako mg umiyak, bumalim lahat ng pinagdaanan ko nung biglang nawala si Nico, sabi na nga ba eh, binuksan ko puso ko para sa kanya pero iniwan lang niya ako, ang kapal ng mukha niya, mahal ko siya pero mahal ko din sarili ko.

Sinaktan niya ako, bakit ganito ang buhay? lahat ng taong mahal ko iniiwan ako? si mommy, si Nico, bakit ganon? ganito na ba talaga ang tadhana ko?

TADHANA (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon