Butterflies

616 18 34
                                    


Yung para akong tangang titili sa harap ng pc? Napansin na kaya ng tatay kong may saltik yung anak niya?

Okay.. SORRY PO NG MARAMI KASI SUPER TAGAL NG UPDATE!!

Ang hirap po kasi i-construct yung mga ideas and feelings. Nakaka-pressure haha! I just really hope na nai-deliver ko po ng maayos.. and one thing more.. Mahaba 'tu ha? (Though talagang mahahaba naman na yung mga updates ko this past few parts.) Basta mahaba tu haha! pero hindi yun ang one thing..

Mas matatagalan pa po ako makakapag-update ngayun dahil peak month na namin.. OJT and lots of stuffs so please understand po kung medyo mabagal na 'ko sa usual bagal ko. But trust me na sinasabay ko sina JuShien sa mga ginagawa ko.. I just need you to understand salamat po sa walang sawang patience na ibinibigay nyo I really appreciate you guys!! I love you so much po!

Dedicated po pala kay Ate @Vianesa! Ate thank you for supporting and encouraging me to write! Salamat po sa paghihintay and sa convos natin lovelots po ate!

Any ideas why this chapter named Butterflies? Hope you can tell.. hala sana talaga!!! To know that I really did my job well

*^*^*

Almost 2 hours nang nagbabantay si Julian kay Oshien. Almost 2 hours na ring nakaalis sina Ally sa ospital. Feeling niya ngayon lang siya nakapahinga pagkatapos ng nangyari ngayon. Kanina pa siya nakaupo sa gilid ni Oshien pero pakiramdam niya ngayon lang niya naramdamang nakaupo siya. Unti-unting nagpa-flash back sa kanya yung nangyari kanina. Sobrang bilis. Bakit ba parang nagsusunod-sunod yung mga problema ngayon? Last week, salpukan ng grupo ni Kris at Centau.. Pati pala disclosure ng sikreto nila sa harap ni Kris nangyari rin. Kahapon, revelation ng punishment nila, his worst punishment ever. Muntik pa silang mag-away kagabi. Ngayon naman, second attack ng sakit Shien? For Goodness Sake.


Kahit hindi pa man kasi lumalabas ang result ng diagnosis kanina, malakas na ang hinala niya sa cause ng pain nito. He just kept quiet that time, especially habang naghihintay sila sa ibabalita ng Doctor nito. Mahirap na. Marami pa naman sila. Na-confirm lang ang hula niya nang kausapin na sila sa totoong condition ni Oshien.


It was peptic ulcer. No doubt. The symptoms were there. And stuffs that may trigger her illness were also given. It's been 4 years since she was diagnose with that ailment. Four years. Four years na rin siyang hindi inaatake ng ganito. Tapos ngayon, nalingat lang siya, umatake na naman? Perfect.


Hindi na maisip ni Julian kung anong pwede niyang sabihin ever since they got there. Hindi na rin ata nakawala sa pagkakakuyom ang kamay niya. It's a good thing that his arms were crossed to hide his hands. Hindi nakahalata yung mga kasama niya. Buti na lang mag-isa na siyang nagbabantay ngayon. There's no point of hiding anything.


Sabi na iba yung pakiramdam niya habang nasa klase kanina eh. It's very unusual thing for him to have a sudden thread of pain that'll hit his head. And the very moment he felt that, one thing that pops up in his head, was her name. Simula nun hindi na siya mapakali. Siguro kung loko-loko lang yung utak niya kanina baka isipin niyang sa long test nila siya sinakitan ng ulo eh. Kaso hindi. Alam niyang may iba talaga. Professor nga nila napansing natulala siya habang nagsasagot. Inasar pa siyang babae yung iniisip. Which is totoong totoo naman. He keeps on thinking Oshien with no reason. Hanap siya ng hanap ng rason kung bakit kaso wala talaga. Natapos na nga lang yung test niya nang ganun siya eh.

Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon