Arranged Marriage Precision..

705 14 1
                                    

Mabilis naasikaso ang kasal nina Julian at Oshien. Palibhasa kasi, pati sila minamadali ang pangyayari. Tsaka isang buwan na lang rin pasukan na. Maganda nang habang bakasyon, magawa na nila ang plano. KALOKOHAN!!!

                Sa bahay nina Julian ginanap ang kasal. Civil wedding lang ang kasal nila. Meaning, Judge ang gumawa ng seremonya since madalian nga lang ang preparation. As usual yung dalawa na naman ang may pakana. Ayaw rin naman nilang ipaalam pa sa lahat iyon kaya mas pinili nilang 2 pairs nalang ng Ninong at Ninang ang kunin. At ang abnormal na kinasal, yung pinaka-close na guardians lang naman ang kinuha.

                Si Oshien, yung dalawa sa mga close friend ng mama niya yung pinakiusapan niya. Yung madalas na pumupunta sa kanila at nakikipag-chikahan. Close rin kasi siya sa kanila kaya hindi sila nahirapang i-please ang mga ito.

                Si Julian naman,

ano pa bang aasahang matino sa kanya?? Yung pinaka-close lang naman niyang teacher sa college ang ginawa niyang Ninang and their highschool guidance counsilor na lagi siyang sinasaway ang Ninong.

"Mom.." Tumabi si Oshien sa Mommy niya. Katatapos lang ng ceremony noon kaya kumakain na sila. "Mom, I'm sorry." Lumingon si Mrs. Lea nang sabihin iyon ni Oshien.

"Hay  Oshien, honestly disappointed pa rin ako sa nangyari sayo eh. I just can't believe magagawa mo agad yan. Maybe I should blame myself as well." Mahinahong sabi niya habang inaayos ang buhok ni Oshien na humaharang sa mukha nito.

"Mom.."

"No don't be sorry. After all ginusto niyo yan.ang mahalaga nagsalita agad kayo habang maaga pa. Yung wala pang unexpected na nangyayari. Sa totoo lang ayoko pa rin sanang ikasal kayo eh. Ang babata niyo pa kaso kung ako tatanungin, nak hindi na kasi imposibleng maulit uli yun kapag nangyari na eh. Kahit pa sabihing hindi niyo na uulitin o nagtanda na kayo? Kaya mabuti nang ganito at least kahit papano safe."

Ang bait talaga ng Mommy ni Oshien. Kaya lalo iyang nakokonsensya sa ginagawa nila eh. Sasama talaga loob nila kapag nalamang nagsinungaling lang sila.

"Mom, salamat ha.. thanks for supporting us. For supporting me."sabi niya sabay yakap dito.

"Hay, ang baby ko.. ang bilis ng pangayayari. Wife na kayong dalawa ng ate mo. Sayang lang di makakapunta si  Chistine Anne saka yung asawa niya."

"Di talaga paborito ni Mama ang Anne na pangalan.."Naibulong na lang ni Oshien sa isip niya. Halata naman kasi sa pangalan nilang magkapatid. "Naku Ma panigurado mang-aasar lang yon."

 "Well hindi niya makukutya asawa mo ngayon noh! Lakas ata ng laban niyan!"

Natawa na parang ewan si Oshien sa nasabi ng mama niya. Pano naman kasi,  nangungutya talaga yung ate niya. Palibhasa maganda na, gwapo pa ng naging asawa. Pero di siya inggit. Alam niya rin level niya! Lalo pa ngayon?

"This time ako panalo Ma!" Proud pa niyang sabi saka sila nagtawanan. Maya-maya may bigla siyang naalala kaya napatigil sila sa pagtawa..

"Anyway pala Ma, can I ask you something?"

"Hmm bakit? Anything wrong?"

"Mom tell me, binalak nyo ba 'ko ilagay sa arrange marriage bago nangyari 'to?"

Halatang nagulat ang mama ni Oshien sa tanong niya.

"Hey what are you saying?"

"Eh kasi, Julian said that Tita Milly told him na yun.. nga, ipapakasal daw ako through Arrange Marriage?"

"What? Really? Haha.. nak ayaw ka ata talagang bitawan ni Julian!"

"Ayaw bitawan kasi ako hilig pagtripan! We..wait nga ma? Ba't ka tumatawa?" naguguluhang tanong ni Oshien. Pati itsura niya hindi na maintindihan eh.

"That's nothing ija ano ka ba. Actually kasi,nakakaramdam na kami noon na parang, you know, may something sa inyo ni Julian. So nag-try  kami i-test kayo. Sabi ni Milly subukan daw niyang kausapin si Julian about you and something that deals with Marriage thingy. Manghuhuli lang. Tapos ngayon, malaman-laman lang namin.."

"Lokong  Juliano yun ah.. batok ka mamaya."

"Hah?" Tanong ng mama niya. Nagtaka kasi sa kanya dahil biglang dumilim ang aura.

"O..oh nothing Ma. Salamat ha, nalinaw niyo sa'kin. Sira ulo kasing yun.Hindi marunong mag-observe!!"

"Hay.. Oshien dear.. Buti nalang at hindi unknown character ang ipinakilala mo sa'min. Still, were lucky that you loved someone whom we really know." Natawa na lang si Oshien sa mama niya.

"Yeah.. love..." Tumayo na siya para magpaalam sa mommy niya. Nakuha na rin kasi niya ang dapat makuhang info. "Mom I have to go. Sandali lang hah?"

"San ka pupunta?"

"Hanap lang ng masasakal."

Talagang napaharap si Mrs. Lea sa anak niya nang marinig iyon. Pero mabilis na bumawi ng ngiti si Oshien.

"Puntahan lang si "Asawa". Sabi niya sabay talikod.

"Patay kang tsimositong unggoy na kurimaw ka. 'Di ka marunong kumalap ng totoong impormasyon ah.."


Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon