Dedicate to Miss @shakirazhaira !!! One of my super love supporter!! Bhe thanks a lot sa pag help ha..it really means á lot to me!!!
Thanks for sharing bhebhe lllove lots!!!
Later ko na ifoformalize ung pagdededicate ko sayu ha. App lang kasi gamit ko eh. but dont worry!!!! I promised you right? matic na yan!
Nagpasama si Julian sa may parking lot after nilang kausapin si Oshien. Aayusin kasi niya yung motor niya doon. Tinamad na namang magdala ng kotse. Ang laki kasi.
"Hoy MJ ano bang gagawin mo sa motor mo? Nananahimik na isang tabi pakikialaman mo na naman." Sabi ni Kelven habang naglalakad sila. Pero ang mata sa cellphone nakatutok.
"Ewan ko sayo. Pakikialaman ko ba kung maayos kalagayan nun? Naitabi ko nga lang sa isang sulok kanina eh. si Ma'am Floy kasi bigla na lang akong hinila sa faculty. Pinamadali pa 'ko. 'Di ko tuloy naayos. Baka mamaya umiiyak na yun."
"Siraulo. Ayusin mo na nga. Mamaya ma-late pa kami sayo."
"Heh! Pakialaman mo yang cellphone mo. Patirin kaya kita para malaman mo ang value niyang hawak mo? Tapos sabihin ko kay Monic may babae kang kasama kaya hindi ka makareply sa kanya? Sisiraan kita!"
"Ano na naman bang natirang mong lalake ka ha? Kanina si Jesrell inasar mo, ngayon bumalik ka na naman kay Kelven?" napalingon si Julian kay Brent saka ngumiti ng nakakaloko.
"Ben Ten? Gusto mo ikaw naman?"
"Wag mo kong ngitinian ng ganyan baka gusto mong madagukan."
"Pshh mas KJ ka pa kesa kay Lolo."
"J, sayo ba yung motor na 'yon? Yung kulay red yung tinutukoy ko." Turo ni Brent sa motor na napansin niya sa bandang dulo ng parking lot. Katabi ng kotseng pink. To be specific, kotse ni Oshien. Lagi na nga pala siyang nagdadala ng kotse. Hindi na siya nagcommute simula nung napagalitan siya ni Julian.
Napatingin rin sina Julian sa tinuro ni Brent.
"oo, yan yung akin. Bakit hindi niyo pa ba yan nakikita eh halos lagi ko yang kasama?"
"Hindi, ngayon ko lang napansin, ang astig pala niyan?" nauna nang lumapit si Brent sa motor niya. Na-curious rin sina Kelven at Jesrell kaya sumunod agad sila. Nagpahuli na lang si Julian sa kanila.
"Whoa, oo nga Brent noh? Ganda nga, pansin ko lang, ba't huli na natin napapansin yung mga gamit ni MJ? San mo nabili 'to J?"
"Pasubok J hah ako na magpapark dun sa mga motor." Paalam ni Brent saka sumakay agad doon.
Si Julian naman nabigla.
"Huy huy wag! Kay Oshien yan!"
Teka, may mali ba ata siyang nasabi? Natigilan rin siya after sumigaw. Anong nasabi niya? Kay Oshien yan?
Ay nalintikan na. Nadulas nga siya!
Napaiwas siya ng tingin ng lumingon sa kanya yung tatlo. Para hindi halata, nginitian na lang niya. PA'no naman kasi 'tong mga kasama niya pabigla-biglang nangingialam eh. hindi kasi pwedeng may ibang sumakay dun sa motor. actually pwede naman talaga kaso yung nagbigay takot lang magasgasan ng iba yung motor. Maarte si Oshien eh. dasal na dasal tuloy si Julian na sana mapalusutan niya yung nasigaw niya. Ume-effective sana. Papatay malisya siya.
"Bakit?"
"Anong sabi mo kanina J?" yun na nga, si Brent pa naunang magtanong. Eh utak hinala pa man din yan. Ang hirap paikutin. Pati yung tingin nina Jesrell at Kelven nakakahinala na rin.
BINABASA MO ANG
Let's Play! Husband and Wife!
Любовные романыI'm Bored "Let's play" "No idea." "Let's Sing" "Not interested" "Let's talk" "No topic" "Let's make" "No Thoughts" "I have" "Spill it" "You're bored?" "I am" "Go to church" "Then pray? " "And Marry Me Later."