Manong Kind

479 10 0
                                    

5:30 pm...

Kinuha agad ni Oshien ang phone niya sa bag para tawagan si Julian. Tapos na kasi ang klase nila at nakahiwalay na siya kina Ally. Iba daan niya eh.

Nakalimang ring na nang sagutin ni Julian ang phone.

=Yes hello?=

"Tagal sumagot."

=Sorry naman. Alam mong marami pa 'kong orasyon para makatakas eh.=

"Baguhin mo na kasi yung ringtone mo diba?"

=Tinatamad ako. Gulat lang yung mga yun kasi iba ringtone kapag ikaw tumatawag. Free days ka lang kasi dati tumatawag. Walang pasok kaya taka-taka rin sila.=

"Hindi kaya maghinala sila?"

=Never mind them. Oh bakit?=

"Tapos na klase mo?"

=Oo. Parehas kaya tayo ng time schedule.=

"May gala ka? Gimik? Kasama mo pa sila?"

=Hmm.. yup. Nakakatitig sa malayo. Binabantayan ako. Bakit nga? Pabitin rin 'to. Sasabihin lang na I miss you na 'di pa madiretso.=

"Sapakin kaya kita? Ah.. sabay sana ako sayo eh."

=Tara.=

"Lang ya, bilis sumagot ah. May kasama ka nga diba?"

=Eh bakit ka nga pala sasabay? Kotse mo?=

"Iniwan ko sa bahay. Tinamad ako magdrive."

=Loko! Nagcommute ka lang kanina? Yaman mo ah! Kaya kinukutuban ako nung pinauna mo 'ko sa garage eh.=

"Eh..kasi.."

=Walang makapang dahilan. Kung sinumpong ka ng katamaran di sana sinabi mo na lang!=

"Plue wag ka nga sumigaw. May nagmamanman sayo tapos ganyan ka? Sorry na."

=Hay buhay..ganda ng timing ni Plue. Motor lang dala ko ngayon.=

"Ta'mo! Kaw nga rin tinamad dalhin yung kotse!"

=At least may sasakyan pa ring dinala. Eh ikaw? Nasan ka?=

"Di wag na lang. Mahuli ka pa."

=Wala 'kong pake.=

"Plue, eh kasasabi mo pa lang na motor lang dala mo diba?"

=So? Lame lahat ng excuses mo my dear. Kayang kaya mong umangkas sa motor ko wag ka nang magdahilan. Hapon na. Nasaan ka?=

"Galit Plue?"

=Ang tigas mo pa kasi dyan. Sagwanin kita. Nasan ka sabi?=

"Opo. Dito sa may bakery ni Manong Kind. Yung pinaghintayan ko dati?" Nginitian pa niya yung Manong na tinutukoy niya sa may cashier. Nakaupo kasi siya sa mesa katapat iyon. Kumaway rin sa kanya si Manong.

=Okay papunta na 'ko. Say hi to Manong Kind.=

"Teka pano sila.."

=Takas-takas

din.= Narinig ni Oshien ang ingay ng motor ni Julian. Loko talaga, handa na palang umalis.

=Hoy hoy MJ! San ka pupunta?=

=Oy ang daya hoy! Wag kang tumakas!= rinig rin niya yung sigaw nung mga barkada nito. Mukhang hinahabol siya.

=Ibang ruta dadaanan ko ah. Baka matagalan ako. Liligaw ko lang sila. Gotta go. WAG KANG AALIS.=

Saka siya nag-hang-up. Ngingiti-ngiti na lang siyang napailing..

"Tskk.. bakit pag kausap ko yun, nalilimutan ko yung problema? Sabagay, siya pa nga lang hirap nang i-solve. Di ko alam takbo ng utak. Pshh.." pinaikot-ikot na lang niya yung cellphone niya sa mesa.

Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon