---
Krystal's POV
Nakakapagod tong araw na to .
Ang daming program kasi ng school this month.May Mini concert, ako pa mag paparegister ng banda nila Geo dun sa Battle of the bands, tapos aasikasuhin ko pa mga funds ng student council.
walangya to.
(bell ring)
"tara krystal canteen gutom nako, Bryan, MJ, Jake sa canteen tayo"
sigaw samin ni Geo na mukhang gutom na gutom na.nakakawalang gana kumain -.-
sa dami ng iniisip ko di ako nakakaramdam ng gutom.nung kumuha na kami ng pagkain umupo na kami agad. Daming tao eh baka mawalan kami ng mauupuan.
"lapit na mini concert tsaka battle of the bands" -MJ
"Oo nga eh nakaka excite" -Bryan
ako di naeexcite -.-
kasi marami akong aasikasuhin.habang kumakain kami biglang may nagtext sakin.
from : 09*********
hey! it's me Jinjin :) musta na?
--
hala si JinJin :D Pano nya nalaman number ko??
Si Jinjin nga pala childhood friend ko ilang years din kaming naging magbestfriend neto.
hala gusto ko syang makita ulit :)
ano na kaya itsura nya?
last na pagkikita kasi namin 7 years old palang ako. Eh lumipat kami ng bahay kaya ayun di na kami nagkita-reply
Uy! Okay lang naman ako. Kita naman tayo minsan :) miss na kita
...... Sent
sana magkita kami ulit :)
maya maya biglang nagreply sya
from: 09*********
sige ba :) miss narin kita. Kita tayo bukas sa *** mga 2 pm.
---
napangiti ako bigla :)
magkikita na kami ulit!!
Nakakaexcite!!"Makangiti. Sino ba yan?" sabay silip ni Jake sa cellphone ko.
"Si Jinjin :) Childhood friend ko"
"tss. Kanina nakamangot ka tapos nagtext lang sya ngumiti kana. Mas pogi pako dyan eh"
-Jake"Ha? anong sabi mo? ingay kasi ni Geo eh -.-"
"ako nanaman :(" -Geo
"wala! Sabi ko bilisan mo kumain" -Jake
ano daw?
hay ewan basta ako masaya kasi magkikita kami bukas ni JinJin
"guys wala ako bukas sa practice nyo ah. May lakad ako eh"
sabi ko sa kanila ng nakangiti."di pwede" -Jake
"bakit?"
"importante na bawat practice namin, at bilang president ng music club at manager namin kailangan nandun ka, San kaba pupunta?" -Jake
"sa kaibigan ko lang" malungkot na sabi ko sa kanya.
"sige na, hayaan mo na sya basta sa next practice di kana mawawala ah" -Geo
"yess naman! salamat bestie"
"basta text mo ko pagnakauwi kana" -Geo
"oo magtext ka ha" -Bryan
"wag ka papagabi" -MJ
"okie ^.^"
buti pa sila napaka bait. Di tulad ng Jake na yan. Minsan lang ako lumabas eh.
nga pala kung nagtataka kayo kung bakit napaka caring sakin ni Geo at nila Bryan at MJ may dahilan yun. Kasi dati nagkasakit ako sa puso. Dati bawal ako mapagod, maging malungkot, mabigla at maging masaya ng sobra kasi sabi ng doctor baka bumigay puso ko. Kaya ayun, napaka caring nila MJ at Bryan sakin Lalo na si Geo
nung mga nakaraang araw di ako nakakasabay kay Geo tuwing uwian kasi dumadaan ako sa doctor ko . may times na sumasakit nanaman kasi puso ko. Ang sabi ng doctor magaling na naman ako, kaya lang dahil nga sa mga gawain na iniisip ko tsaka sa pagod ko dito sa school medyo makakaramdam daw ako ng sakit sa puso tsaka pagkahilo. Kaya payo sakin magpahinga naman daw ako minsan.
eh pano ko magagawa yun ang dami ko pang dapat gawin -.-
di ko muna sinabi kina Geo , Bryan at MJ kasi magaalala lang mga yun.
di naman ganun kalala nararamdaman ko eh kaya di na nila kailangan malaman
hay bahala na.
---
Vote?