---
Krystal's POVpagdilat ko bumungad sakin sina Geo, Bryan at MJ na nakatingin sakin
"shit! Bryan tawagin mo yung doctor" sigaw ni Geo.
asan naba ko?
maya maya may dumating na doctor
"doc okay napo ba si krystal?" tanong ni MJ
"hindi pa natin nasisigurado, di pa kasi nagagawa yung ibang test eh pero for now kailangan nya munang magpahinga" sabi nung doctor tapos umalis na.
"anong nangyayare?" tanong ko sa kanila
"nakita kita sa inyo na nasa sahig at walang malay tapos dinala kita dito" seryosong sabi ni Geo.
"eh si Jake? asan sya? ilang araw na ba kong nandito?" tanong ko ulit
"1 week kanang nandito , tapos si Jake naman..." naputol yung pagsasalita ni MJ kasi pinigilan sya ni Geo.
"anong meron kay Jake?" tanong ko
"gusto mo ba talagang malaman?" seryosong tanong sakin ni Geo.
"oo"
"Nakita ko sya na may kayakap na ibang babae. Habang ikaw nasa ospital, sya nandun lang sa babae nya. Kaya pwede ba krystal ayoko ng makikipag kita ka pa sa Jake na yun dahil niloko ka nya" galit na sabi sakin ni Geo.
bigla nalang may tumulong luha sa pisngi ko
agad naman itong pinunasan ni Bryan gamit yung kamay nya
Mahal na mahal ko si Jake
Diba mahal nya rin naman ako ?
Pero bakit lagi nya nalang akong sinasaktan? Lagi nalang akong umiiyakAkala ko sya na yung taong aalalay sakin sa lahat ng bagay
"Krystal tahan na, may sakit ka kaya dapat mas ingatan mo ang sarili mo" nagaalalang sabi sakin ni MJ
"pwede bang iwan nyo muna ako dito magisa, k-kahit saglit lang" sabi ko sa kanila.
tapos sinunod naman nila kaya sabay sabay silang lumabas kwarto
tiningnan ko yung karayom na nakatusok sa balat ko
Sabi ko na eh.
Hindi na matatapos tong sakit na to
Noon palang alam ko ng hindi na maaalis ang sakit na to sa katawan ko, pero bakit parang mas masakit ngayon?Noon sakit ko lang sa puso ang masakit pero ngayon mas nadagdagan, pakiramdam ko hanggang sa kaloob looban ng puso ko sumasakit na
Akala ko magiging okay na kami ni Jake, pero bakit ganun?
May mali ba sakin? May kulang ba sakin? Ano pa ba ang dapat kong gawin para ako lang ang mahalin nya?
Di ko na alam, naiinis ako sa sarili ko
Bakit kasi napakadali kong maloko eh. Ayan tuloy, niloko nako bumalik pa ang sakit konatatawa ako sa kalagayan ko ngayon
^^^
Jake's POVandito ako sa ospital kung nasaan naka confine si Krystal
Nagtanong ako kung nasaan yung room ni krystal kaya agad agad kong pinuntahan.
pagpunta ko nakita ko si Geo, Bryan at MJ na nasa labas lang ng kwarto ni Krystal
"anong nangyare kay krystal?"
tanong ko sa kanilaNagulat naman si MJ at Bryan ng makita ako, si Geo naman sumama ang tingin sakin.
"bakit ka nandito?! Diba sabi ko naman sayo wag ka ng magpapakita samin at lalong lalo na kay krystal!" pasigaw na sabi sakin ni Geo.
"please.. hayaan nyo naman akong kamustahin si krystal.. nagaalala nako" pagmamakaawa ko sa kanila.
"nagaalala? G*go ka pala eh! naisip mo ba yan nung nandun ka sa babae mo?!" sigaw ulit sakin ni Geo.
"wala akong babae, hindi ko magagawa yun kay krystal kaya please kahit saglit lang kakausapin ko lang si krystal" sabi ko sa kanila.
"pre hayaan mo na! kailangan nilang magusap" mahinang sabi ni MJ.
"sige na Jake pumasok kana sa loob" sabi naman ni Bryan.
dali dali naman akong pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob bumungad sakin si Krystal na nakahiga lang at nanghihina
tumingin sya sakin kasabay ng pagtulo ng luha nya
---
Vote ?