(play the music above before reading)
---
Jake's POVIsang linggo nakong nandito sa ospital para bantayan si Chelsea.
Sabi ng doctor kailangan nya munang maconfine para magamot sugat nya sa braso at para makapag pahinga rin sya. Nung una ayaw pumayag ni Chelsea na ma confine pero nung sinabi kong babantayan ko sya pumayag na sya.Buti nalang at na re-sched yung battle of the bands kaya okay lang na di muna ako pumasok para bantayan si Chelsea.
Di ko pa nakakausap si Krysal. Di sya sumasagot sa mga text ko eh
Di ko pa sinasabi sa kanya na si Chelsea ang dahilan kung bakit di ako pumapasok, baka kasi magselos yun eh. Di ko naman maiwanan si Chelsea kasi alam kong kailangan nya ko at ako ang dahilan kung bakit sya nagkakaganito.Sina Geo, bryan at MJ di ko rin macontact. Ano na ba nangyare sa mga yun??
tiningnan ko yung orasan ko at nakita kong mag gagabi na
Tulog si chelsea kaya naisipan kong lumabas para bumili ng pagkain.
Bago lumabas nagpaalam ako sa mama nya na bibili lang ako ng pagkain, at pumayag naman sya.Pagdating ko sa 7/11 kumuha ako ng pagkain at inumin. Magbabayad na sana ako ng makita ko si Geo na bumibili din ng mga pagkain.
"bro!" tawag ko sa kanya
nilingon nya ko saglit pero di nya ko pinansin
galit ba sya? dahil ba hindi ako nakakapag practice?
"ay dude pasensya na kung di ako nakakapag practice, medyo busy kasi eh" sabi ko sa kanya.
di parin nya ko pinansin -.-
"si krystal? alam mo ba kung bakit di nya sinasagot mga text ko?" pagkatanong ko nun nilingon nya ko agad.
"si krystal ba?? bakit hindi mo ba alam?" medyo pagalit na tanong sakin ni Geo.
anong hindi ko alam?
"ang a-alin?"
"teka bakit mo nga pala malalaman eh nung mga oras na humingi sya ng tulong sayo hindi mo sya tinulungan! Napaka walang kwenta mo Jake! Akala ko pa naman aalagaan mo sya, pero mas inaatupag mo yung babae mo!" pasigaw na sabi sakin ni Geo
"H-ha? hindi ko maintindihan"
sabi ko sa kanya.Naguguluhan nako. Anong tulong?
biglang nagflashback sakin yung huling paguusap namin ni krystal
flashback
calling krystal ....
"hello"
"Jake... p-puntahan mo ko dito.. please" mahinang sabi sakin ni krystal.
"I'm sorry krystal, may importante akong inaasikaso ngayon"
call ended
binaba ko na kagad kasi kailangan na namin idala si chelsea sa ospital
end of flashback
"nakita kitang kasama mo yung babae mo! pero si krystal ni hindi mo nagawang tulungan, Hindi mo ba alam na hirap na hirap na sya ngayon?! May sakit sya Jake!! Nasa ospital sya ngayon at nag aagaw buhay! pero ano? niloko mo pa sya?! ... ayoko ng makitang lumalapit ka kay krystal ah, baka kung ano pa magawa ko sayo"
pagkatapos nyang sabihin sakin yun umalis na sya.naiwan ako sa loob ng 7/11 na nakatulala
Gusto kong ihampas yung ulo ko sa pader sa sobrang inis ko sa sarili ko
Nasa ospital ngayon at nag aagaw buhay ang babaeng pinaka mamahal ko pero ibang babae ang inaalagaan ko.Isang linggo! Isang linggo syang nahihirapan ng wala ako sa tabi nya
naiinis ako sa sarili ko! bakit nung tumawag sya sakin hindi ko sya nagawang puntahan!
^^^
Geo's POVNandito nako sa ospital. Kanina nung nakita ko si Jake sa 7/11 nag init yung dugo ko sa sobrang galit!
Gusto ko syang suntukin ng suntukin
Bakit hindi nya nagawang tulungan si Krystal!
flashback
papunta ako sa bahay ni krystal para manghiram ng notes. Gabi na kaya sabi ko sa sarili ko bibilisan ko lang kasi may gagawin pakong project
pagpasok ko sa bahay nagulat ako kasi nakita ko si krystal na nahiga sa sahig at walang malay
"shit! Krystal?! Krystal wake up" sigaw ko sa kanya
pero di parin sya gumigising
dali dali ko syang binuhat para idala sa ospital
tatawag na sana ako ng taxi pero nahagip sa mata ko si Jake na nakasakay sa taxi at may kayakap na babae
t*ng*na!! Nagawa nya pang lokohin si krystal!
end of flasback
"ano nagising naba si krystal?" tanong ko kina Bryan at MJ
umiling silang dalawa
nasa labas sila ng kwarto ni krystal
pagpasok ko sa kwarto kung nasaan si krystal halos maiyak ako kasi parang wala na syang dugo sa sobrang putla at hindi parin sya gumigising
---
Vote ?