chapter 17

359 13 0
                                    

---

Krystal's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school. Pagkapasok ko sa gate nahalata kong ang daming studyanteng nagkakagulo dun sa room namin.

pagpasok ko sa room parang nagulat yung mga studyante sa pagdating ko

hindi ko alam kung bakit sila nakatingin sakin na para bang may maling nangyayare. Tumahimik yung buong room na para bang walang tao.

habang tinitingnan ko yung mga studyante na nakatitig sakin nahagip sa mata ko yung blackboard na puro pictures

habang papalapit ako sa blackboard parang unti unting nakikita ko na yung mga larawan

bawat hakbang ko papalapit sa blackboard pabigat ng pabigat pakiramdam ko

halos mabagsak ko yung bag ko sa nakita ko

ano to??! Bakit may ganito?! anong nangyayare?? totoo ba to?!

gulong gulo na utak ko. Ang sakit na ng dibdib ko

tumakbo ako palabas ng room

takbo lang ako ng takbo di ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang gusto kong lumayo sa mga imaheng nakita ko

gusto kong umiyak ng umiyak pero bakit ganito parang na blanko utak ko sa mga nakita ko

lalabas na sana ako ng gate ng school kaya lang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.

^^^
Geo's POV

pagkapasok ko sa Gate ng school halos mabagsak ko yung bag ko sa nakita ko

si... si krystal nasa sahig sya at mukhang nawalan ng malay

agad agad ko syang binuhat at dinala sa clinic

nakakapagtaka nga kasi nung papunta akong clinic habang buhat si krystal halos lahat ng studyante natingin samin

ano bang nangyayare?
bumalik na ba ang sakit ni krystal?

pagpunta naming clinic wala paring malay si krystal. Sabi nung nurse ihiga ko nalang daw muna si krystal sa higaan tapos tatawagan daw nila yung mismong doctor ni krystal.

Nagaalala nako,Bakit sya hinimatay? Di naman sya hinihimatay dati eh. Oo hindi maganda ang kundisyon ng puso nya pero di pa sya hinimatay dati dahil sa sakit nya.

mga ilang minuto dumating yung doctor ni krystal at tiningnan ang kundisyon nya

"doc ano pong nangyare kay krystal?" nag aalala kong tanong dun sa doctor.

"Kailangan na muna syang i-confine sa hospital para mas matingnan ang kundisyon nya. Sabi ko naman sa kanya last week wag nyang bibiglain ang puso nya dahil marami pang pwedeng mangyare sa kanya" -doctor

"lastweek?! nagpacheck up sya lastweek?" gulat kong tanong dun sa doctor.

Sa pagkaka alam ko last year pa sya huling nagpacheck up dahil ang alam ko magaling na sya.

"This past weeks kasi pumupunta si krystal sa clinic ko dahil may mga nararamdaman daw syang kakaiba Hindi nya ba nasasabi sayo?" tanong sakin ng doctor.

So nililihim pala samin ni krystal na may nararamdaman nanaman syang kakaiba. Shit! I never thought na babalik ang sakit nya. Sana pala mas naging maingat ako sa kanya.

feeling ko kasalanan ko kung bakit bumalik ang sakit nya

I hate myself.

Maya maya dumating sila Bryan at MJ. Hingal na hingal sila. Siguro galing pa silang studio, malayo kasi yung studio dito sa clinic eh.

"anong nangyare?!" sigaw sakin ni Bryan.

Di ko sila masagot. Naguiguilty ako nangyayare. Kung inalagaan ko sana si krystal ng maayos edi sana di na babalik ang sakit nya.

"Dude sumagot ka! what happened?!!" sigaw naman sakin ni MJ.

alam kong aawayin nila ko kapag di ko sinabi kaya inexplain ko sa kanila yung nangyare at pati narin yung kondisyon ni krystal

nakaupo lang kaming tatlo dito sa isang higaan malapit kay krystal. Ni walang umiimik saming tatlo.

ng biglang mag salita si krystal kaya napatayo kaming tatlo agad

"asan ako" tanong nya.

maya maya nagulat kami ng dumating si Jake at may hawak hawak itong pictures

"krystal I'll expla-" naputol ang pagsasalita ni Jake ng magsalita si krystal

"I don't wanna hear it" cold na sabi ni krystal .

Di sya nakatingin kay Jake at nanatiling blanko ang expression ng mukha nya.

nabaling yung tingin ko dun sa hawak hawak ni Jake kaya naisip kong kunin iyon

nagulat naman si Jake sa ginawa ko

Kinuha ko kasi yung pictures na hawak nya at pagkatingin ko nagulat ako kasabay ng pagkulo ng dugo ko.

fuck!

anong nasa pictures? Si Jake lang naman na nakatopless at may kasamang babae sa kama, yung ibang pictures nasa bar ata si Jake at nakikipagsayaw dun sa babaeng kasama nya sa kama. Meron pa kahalikan nya yung babae.

di nako umimik at sinuntok ko agad si Jake

"hey I'll expla-" -Jake

di na sya natapos sa pagsasalita kasi sinuntok ko ulit sya

dumugo naman yung labi nya

"Geo stop! Baka mapunta tayo sa guidance sa ginagawa mo. Jake umalis kana!" sigaw ni MJ.

"krystal Just let me explain for once....please" pagmamakaawa ni Jake kay krystal.

pero di parin sya tinignan nito

"leave me alone" mahinang sabi ni krystal pero sigurado akong narinig yun ni Jake.

wala ng nagawa si Jake kundi umalis

Ako naman sinamahan ko si krystal sa clinic. Sabi ko sa kanya sabi ng doctor nya kailangan nyang magpaconfine pero ayaw nya. Pinipilit ko sya para naman magamot sya ng maayos pero ayaw nya talaga.

Nakakapanibago kasi hindi umiimik si krystal. Kaya kami ni MJ nakaupo lang sa tabi nya at binabantayan sya.

those eyes... na laging masaya at masigla.

Pero ngayon di ko na alam ang nararamdaman nya. Ang hirap hirap basahin.

---

Vote?

Mr.Perfectionist (HyukStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon