chapter 20

362 13 0
                                    

---
Krystal's POV

Ang aga kong nagising ngayong lunes di ko alam kung bakit. Siguro feel ko lang magising ng maaga kasi okay na kami ni Jake ^.^

Habang inaalala ko yung gabing yun parang nasa isang koreanovela ako.

Hahahaha! buset nababaliw na ata ako. Hinawakan ko ulit yung labi ko

"kyaaaaaaaaaaa!!!!!!!!" sigaw ko habang nagbibihis.

Bat hanggang ngayon kinikilig parin ako *^.^*

Nagayos ako ng itsura ko. Naglagay ako ng konting lipstick at nagpowder which is di ko naman ginagawa.

after ko mag ayos umalis nako at pumasok na sa school

pagpasok ko sa gate napangiti ako

Bumungad sakin si Jake na nakasandal sa pader at mukhang hinihintay ako.

pagkakita nya sakin ngumiti sya at lumapit sakin

"goodmorning" nakangiti nyang bati sakin sabay kurot ng pisngi ko

"goodmorning din" nginitian ko sya

"tara sa studio" sabi nya sabay akbay sakin.

Naglakad kaming sabay papuntang studio. Maraming napapatingin samin habang naglalakad kami. Siguro dahil sa away na nangyare samin dati.

Pagpasok namin sa studio nandun na sila Geo, Bryan at MJ. Yung mukha nila gulat na gulat :D

"bat ganyan kayo makatingin" tanong ko sa kanila.

"bati na kayo?" tanong ni Geo

"Oo" nakangiti kong sabi

"ahh.. p-pano nangyare yun?" tanong naman ni MJ sabay kamot sa ulo nya.

"Nagpaliwanag na sakin si Jake. Dati pa yung picture na yun kaya wala nakong dapat ikagalit. Kaya okay na kami ulit" nakangiti kong sabi sa kanila.

nagulat ako ng tumayo si Geo at kwelyuhan si Jake kaya napabitaw sa pagkaka akbay sakin si Jake

"Hoy! Totoo ba lahat ng sinasabi mo kay krystal ah?!" sigaw ni Geo kay Jake.

"Oo totoo yun. Alam kong galit kayo sakin dahil nasaktan ko si Krystal pero maniwala kayo hindi totoo yun. At pangako di ko na ulit sasaktan si Krystal" seryosong sabi ni Jake kay Geo.

natahimik saglit yung buong studio

"Siguraduhin mo lang. Tandaan mo yang pangako mo" sabi ni Geo kay Jake.

tapos umupo na ulit si Geo dun sa sofa

nilapitan ko naman si Jake at tinanong kung okay lang sya

Tumango lang sya sakin tapos ngumiti. Nginitian ko rin sya.

"ahhh guys tara na . Malapit na mag first period" aya ko sa kanila.

"tara tara" sabi ni Bryan.

Sabay sabay naman kaming pumasok sa room.

Tutok na tutok ako sa bawat subject kasi ang dami kong namiss kasi nga diba absent ako ng 1 week.

Kaya ayun nanghiram ako ng notes sa iba kong kaklase. Tapos yung iba sabi ni Jake tuturuan nya nalang daw ako :) sweet diba.

*bell ring*

Sa wakas lunch narin . Pagkalunch sabi ko kina Jake , Geo, Bryan at MJ
na mauna na sila kasi dadaan pako sa Cr.

Pagpasok ko sa cr binuksan ko yung gripo sa lababo tapos biglang bumuhos sa mukha ko yung tubig galing dun sa gripo. Tinry kong isara yung gripo pero di masara.

Dahil sa basang basa na yung mukha at katawan ko lumayo nalang ako dun sa gripo.

maya maya may humawak sa balikat ko tapos tinulak ako papunta sa sahig
"awww!" sigaw ko

nasa sahig ako at basang basa
tinignan ko kung sino yung tumulak sakin

Nagulat ako kasi si Faye yung tumulak sakin. Yung nakita kong kahalikan ni Jake dati sa lumang library.

tumayo ako tapos tinignan sya
"ano bang problema mo!" sigaw ko sa kanya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko" sigaw nya sakin.

"Lahat nalang ikaw. Ikaw ang pinaka maganda ikaw ang pinaka matalino ikaw ikaw ikaw!! naririndi nako!" galit na galit na sabi sakin ni Faye.

"pwede ba Faye, kung maiinggit ka nalang habang buhay walang mangyayare sayo. Kaya dapat matuto kang makuntento sa kung anong meron k-" natigil yung pagsasalita ko ng sampalin nya ko.

Napayuko ako sa sakit. Pakiramdam ko bumaon yung kamay nya sa mukha ko

Di ko napansin na umalis na pala si Faye at naiwan nalang akong magisa sa Cr.

maya maya naramdaman kong sumasakit nanaman yung puso ko

Parang nahihilo ako sa sobrang sakit
Hinawakan ko yung dibdib ko
Naiiyak nako.

Medyo lumalabo na yung paningin ko

"Krystal!!"

nakita ko si Jake na biglang pumasok sa loob ng Cr tapos hinila ako palabas
"are you okay ?" nagaalala nyang tanong sakin

"o-okay nako" mahinang sabi ko sa kanya

hinubad nya yung coat ng uniform nya tapos isinuot nya sakin

inalalayan nya kong maglakad papuntang clinic

pagpunta sa clinic may binigay sakin yung nurse na new uniform kaya isinuot ko na yun agad kasi basang basa yung uniform ko

after nun humiga ako sa higaan tapos si Jake naman nanatiling nakaupo sa tabi ko

"ano bang nangyare?" tanong sakin ni Jake.

"sira kasi yung gripo kaya nabasa ako" sabi ko sa kanya.

"di kaba nadulas o kung ano man" tanong nya ulit sakin

"hindi" nakangiti kong sabi sa kanya.

"teka tatawagan ko sila Geo" tapos kinuha ni Jake yung phone nya.

"wag na! mag aalala lang yung mga yun. Wala namang nangyare saking masama eh kaya wag na nating sabihin sa kanila" sabi ko sa kanya.

"ahh... ganun ba, sige pahinga kana muna. Dito lang ako" tapos nginitian nya ko.

Nakakainis si Faye! Sigurado akong sya nagsira nung gripo para mabasa ako. Ganun ba kalaki galit nya sakin para gawin yun?

---

Vote?

Mr.Perfectionist (HyukStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon