chapter 21

364 15 0
                                    

---

Krystal's POV

letcheng buhay to! Ang dami nanamang gawain. May paparating na school festival at ilang days nalang magaganap na ang battle of the bands. Letche kasi akala ko hindi dito gaganapin yung battle of the bands. Dati kasi ginanap yun sa ibang school. Nagulat nalang ako ng malaman kong pinapaayos sakin yung pagkalaki laking Music Studio dito sa school namin.

Dapat inexpect ko na mangyayare to

Maganda naman talaga ang Music Studio dito sa school namin. Malaki at malawak ito at fully airconditioned. Malawak ang back stage at yung mga upuan yung parang sa loob ng sinehan . Yung stage naman sobrang lawak.

Minsan lang ginagamit ang Music Studio kaya di ko talaga inaasahang dito magaganap yung battle of the bands.

hay buhay

Andito ako sa Student Council Room kasama ang iba pang members ng student council. Abalang abala kami sa pagpaplano tungkol sa darating na battle of the bands dito sa school.

"okay guys listen! Kailangan matapos nyo agad ang mga gawain na inassign ko sa inyo. Dapat bago matapos ang week nato tapos na yan" seryosong sabi ko sa kanila.

"patay"
"hala ka"
"pano yan"

ayan ang reaksyon nila sa sinabi ko
Yung iba napa face palm nalang at napa buntong hininga.

Di ko sila masisisi. Miski ako di ko alam kung pano ko matatapos yung iba pang gawain bago matapos ang week na to.

after ng meeting nagsi-alisan na sila

naiwan naman akong magisa dito sa SC Room (Student council room)

napayuko nalang ako sa lamesa

Sana kayanin namin na matapos lahat ng to agad

napaangat ako ng ulo ko ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko

nginitian nya ko

Yang ngiting yan. Nawawala lahat ng problema ko kapag nginingitian nya ko ng ganyan. Bakit napaka gwapo ng isang to ^0^

Di ko namalayan na ang tagal ko na palang nakatitig sa labi nya.

"enjoying yourself" sabi nya sakin ng nakangisi.

agad naman akong napaiwas ng tingin

Namumula ata ang mukha ko >0<

"b-bat ka andito" sabi ko sa kanya habang nakatingin parin ako sa lamesa at nagkukunyaring nagbabasa.

bat nagkakaganito ako ngayon!!
di naman ako nahihiya ng ganito kapag kaharap ko sya ah! pero letche lang kinakabahan ako

naalala ko nanaman kasi yung paghalik nya sakin nung gabing yun eh

*^0^* pulang pula na ata ang mukha ko

"sinusundo ka" sabi nya

bakit kahit di sya nakatingin sakin naiimagine ko parin yung pag ngiti nya -.- Shet ka krystal nababaliw kana

sinusundo?? teka uwian naba?

tiningnan ko yung relo ko at oo uwian na nga

inayos ko yung bag ko at tumingin sa kanya "tara?"

nakangiti lang sya habang nakatingin sa labi ko

Shit shit shit shit!!! Bat kaba ganyan Jake nasusunog na ang mukha ko sa sobrang pula

"u-uy! ano ba tara na" sabi ko sa kanya.

bigla naman syang tumingin sa mga mata ko at ngumiti

"I Love You" nakangiti nyang sabi sakin.

"b-bat mo naman sinasabi yan ngayon" tanong ko sa kanya.

bigla bigla nalang nag I-I Love you ang isang to -.- Walang pasabi

lumapit naman sya sakin yung sobrang lapit kaya napasandal ako sa pader

Palapit ng palapit ang mukha nya sa mukha ko. Di ko na kinaya kaya napapikit nalang ako.

.......

naramdaman kong pinitik nya ng mahina ang noo ko kaya napadilat ako. Tumatawa sya ngayon -.-

"wag mo ng uulitin yun ! tinatakot mo ko" sigaw ko sa kanya.

"ang cute mo" nakangiti nyang sabi sakin.

"tss" tas inirapan ko sya

hinawakan nya bigla yung wrist ko at tumakbo

"u-uy ano ba! bat ka nagmamadali" sigaw ko sa kanya habang tumatakbo

"wag muna tayo umuwi" tapos nginitian nya ko.

Saan naman kami pupunta??
tsaka konting oras nalang mag gagabi na.

Habang tumatakbo di ko maiwasang mapangiti. Masaya ako kasi kasama ko sya palagi. Napaka saya ko.

medyo sumakit naman ang dibdib ko pero di ko pinahalata sa kanya

Please naman puso makisama ka naman. Kasama ko ang lalaking mahal na mahal ko kaya please! wag ka munang sumakit.

at maya maya nawala ang kirot sa puso ko

Nagulat ako ng makarating kami sa isang open field. Isang malawak na lugar na puro grass ang maaapakan mo at may mga konting puno. May mga ilaw din na kumikislap kislap na nakasabit sa mga puno.

isa lang ang masasabi ko

Ang Ganda.

Humiga si Jake kaya napahiga nalang din ako. Ang ganda ng mga bituin.

"thank you" sabi ko sa kanya pero nakatingin parin ako sa langit.

naramdaman kong humarap sya sakin

"beautiful" sabi nya

"oo ang ganda. Ang ganda ganda dito" nakangiti kong sabi habang nakatingin parin sa langit.

"No" sabi nya

tumagilid ako para matingnan ko sya at halos tumalon yung puso ko kasi sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa

"ikaw yung sinasabi kong beautiful" nakangiti nyang sabi sakin

Di ko magawang makapag react sa sinabi nya. Di ko rin maalis yung mga mata ko sa kanya

sumakit nanaman yung puso ko

This time sobrang sakit na. Pumikit nalang ako para di nya mahalatang nahihirapan ako.

Lord bakit po ako . Bakit sa dinami dami ng taong pwedeng magkasakit sa puso ako pa . Bakit ako ??!

Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko.

"krystal are you okay?! may mali ba kong nasabi" nagaalala nyang tanong sakin habang pinupunasan ang luha ko.

idinilat ko ang mga mata ko at tinitigan sya

Deserve nya ba ang tulad ko?

Mahal na mahal nya ko
Kakayanin nya kaya kapag nawala ako?

"masaya lang ako" sabi ko sa kanya tapos pinilit kong ngumiti.

bigla nya kong niyakap ng mahigpit

napapikit nalang ako

halo halo na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko lumalala na ang sakit ko. Akala ko nawala na ng tuluyan ang sakit ko pero eto nanaman sya. Kung kelan naging masaya ako tsaka naman nangyayare to.

Lalakasan ko ba ulit ang loob ko o susuko na ko?

---

Vote?

Mr.Perfectionist (HyukStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon