---
Jake's POV"good night" nakangiti kong sabi kay krystal.
"good night din" -krystal
pagkapasok nya sa bahay nya umuwi narin ako agad
Ang saya ng araw na to. Nakakapagod man pero masaya kasi nakasama ko si krystal ng matagal.
Mahal na mahal ko yung babaeng yun. Sa kanya lang ako naging seryoso ng ganito. Nung una nga natatawa ako sa sarili ko kasi hindi naman ako ganito dati. Dati kasi napaka babaero ko pero nung dumating sa buhay ko si krystal nabago bigla yung pananaw ko.
pagkapasok ko sa condo ko humiga ako agad sa kama ko
"siguro naman masosolo na kita ngayon" -chelsea
nagulat ako sa nagsalita kaya napaupo ako
"bakit ba bigla bigla ka nalang pumapasok sa condo ko" tanong ko sa kanya.
"simple lang, gusto ko this time masosolo kita. Napapansin ko kasi lagi mo nalang kasama yung babae mo eh. Krystal ba pangalan nun?" -chelsea
"Oo krystal. At di ko sya babae . She's my girlfriend" seryosong sabi ko sa kanya.
bigla syang lumapit sakin tapos tinulak nya ko kaya napa higa ako sa kama at nasa ibabaw ko na sya ngayon
bigla nya kong hinalikan kaya tinulak ko sya agad para tumigil
"stop chelsea! Can't you just accept the fact na hindi na kita gusto" sigaw ko sa kanya.
"Pano ako maniniwala kung ikaw mismo sinabi mo sakin noon na mahal mo ko!" -chelsea
"diba sinabi ko naman sayo! Noon yun! At ngayon hindi na dahil may mahal nakong iba"
"lumipat ka lang ng school pinagpalit mo nako agad! pwes hindi ka magiging masaya. Ipaparamdam ko sa krystal na yun yung sakit na pinaramdam mo sakin" galit na galit nyang sabi sakin.
pagkatapos nun umalis na sya
Kasalanan ko to eh!
Kung hindi ko lang sana niloko si chelsea noon edi sana maayos ang lahat.^^^
Krystal's POV"lunes na lunes mukha kang zombie" natatawang sabi sakin ni Geo
inirapan ko naman sya
Hindi kasi ako makatulog simula nung hinalikan ako ni Jake eh.
Di maalis sa isip ko yung pakiramdam nung oras na yun.
Yung parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan mo.Basta ang hirap iexplain
"ano bang nangyare at ganyan itsura mo" tanong sakin ni Bryan.
di ko sya sinagot at nanatiling nakatulala sa kawalan
"oy bat mukha kang zombie?"
tanong naman ni MJ.di parin ako sumagot
(-_-) -- mukha nilang tatlo
bigla namang naramdaman kong may pumasok sa studio pero di ko parin pinansin
"krystal? okay ka lang?" tanong sakin ni Jake.
Si JAKE ???!!!
"ha? ahh.. hahahaha oo okay lang ako" masiglang sabi ko sa kanya.
"wow !" sabay sabay na sabi nila Geo, Bryan at MJ.
"tara na malapit na mag next subject" aya samin ni Jake.
nung palabas na nung studio binulungan ako ni Geo
"pag kay Jake sumasagot ka . Humanda ka sakin mamaya" -Geo
O_O hala ka
magsosorry na sana ako kaya lang hinarangan ako bigla nila Bryan at MJ
"humanda ka mamaya" pagbabanta nilang dalawa
>.< Waaaaaaah !!!!! patay ako
Dapat pala kinausap ko na sila kanina.
Kinakabahan tuloy ako
kapag ganyan kasi sila magsalita its either magpapalibre sila sobra hanggang sa maubos baon ko o kaya naman uutos utusan nila ako for a week.
PATAY ako!
Sorry na nga ehhhhh!!
---
Vote?