chapter 13

402 12 0
                                    

---
Jake's POV

Nagkita nanaman kami ni Chelsea.
Nakaramdam nanaman ako ng kaba
Ano nanaman kaya ang balak ng babaeng yun. Nakita nya kaming magkaholding hands ni Krystal kanina sa school.

Sigurado ako ipapa alala nya nanaman sakin ang mga nangyare dati para hiwalayan ko si krystal.

Ewan.
Bahala na.

Krystal's POV

"so kayo na nga" tanong sakin ni Geo.

nandito kami sa studio ngayon nila Geo, Bryan at MJ. Si Jake naman wala pa.

"oo" nakangiti kong sabi sa kanila.

(O_o?) ---- mukha nilang tatlo

"may sakit kaba?!" -MJ
"tara sa ospital" -Bryan
"nagkaboyfriend din sa wakas"
-Geo

tingan mo nga naman tong mga mokong nato. Imbis na maging supportive aba! pinagkamalan pakong may sakit.

Siguro nagulat lang sila kasi nagkaboyfriend nako. Remember di pa ko nagkakaboyfriend?? kaya wag na kayong magtataka kung bakit ganito mga reaction ng mga baliw nato.

"naks naman krystal !! May himala nga talaga" sabi ni MJ habang pumapalakpak.

"ewan ko sayo" tapos inirapan ko sya.

"nagdadalaga na talaga sya . Anyway may tiwala naman kami kay Jake pero .... " -Geo

"pero?"

"magiingat ka parin" -Geo

"magiingat? para san?"

"ingat ka kasi pwede kang masaktan" -Geo

napaisip naman ako bigla sa sinabi ni Geo. Saktan? ang alam ko kapag nagmamahal ka "Saya" lang ang mararamdaman mo kasi kasama mo yung taong mahal mo.

kaya imposible sigurong masaktan ako kasi mahal ko si Jake at ganun din sya sakin.

"hindi mangyayare yun" nakangiti kong sabi kay Geo.

"di mo masasabi . Basta kapag kailangan mo ng tulong andito lang kami" sabi ni Geo ng nakangiti.

after namin magusap bumalik na kami sa klase namin.

Habang nagkaklase lumulutang utak ko. Di ko maintindihan. Siguro hindi naman ako masasaktan.

tiningnan ko yung upuan ni Jake

wala parin sya.

pangalawang subject na pero bakit hindi pa sya pumapasok? Ni hindi sya nagtext sakin kagabi.

nagaalala nako :(

maya maya may pumasok sa room namin.

"sorry sir I'm Late" -Jake

Pumasok sya :)
Akala ko nagkasakit na sya eh

pagkaupo nya nginitian nya ko.

SHET. bakit napaka gwapo ng lalakeng to.

Kalat na pala na kami na ni Jake.
Sinabi ko narin kay mommy and daddy.

Pagkalunch break nilapitan ko sya agad at niyakap.

"akala ko di ka papasok"

"pasensya na sumama kasi pakiramdam ko eh" -Jake

bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya

"bat kapa pumasok?! masama pala pakiramdam mo dapat nagpahinga ka nalang at uminom ng gamot"

"Okay nako :) nasa harapan ko na yung gamot ko eh" tapos niyakap nya ko ulit.

Oo corny pero bakit kinikilig parin ako ^.^

"corny mo pre" sigaw ni Bryan sa kanya.

nagtawanan nalang kami

habang kumakain kami ng lunch biglang sumakit yung dibdib ko

ang sakit! parang malalaglag yung puso ko sa sobrang sakit.

"krystal okay ka lang?" nagaalalang tanong sakin ni Geo na nasa harapan ko.

"o-okay lang ako"

shit ang sakit sakit.
di nako makahinga.

"sigurado kabang okay ka lang?" tanong naman sakin ni Jake.

maya maya nawala na yung sakit na nararamdaman ko at nakahinga narin ako ng maayos.

"oo okay lang ako" nakangiti kong sabi sa kanya.

nahalata ko namang nagtinginan sina Geo, Bryan at MJ sa isa't isa.

baka akala nila bumabalik nanaman yung sakit ko

after class hindi ako sumabay kay Jake or kay Geo. Pupunta kasi ako sa doctor ko para magpacheck up. Ayoko namang malaman nila na nagpapacheck up ako dahil mag aalala lang yung mga yun.

Hinayaan ko nalang silang mag practice para sa battle of the bands.

"doc sumakit po yung puso ko kanina tsaka parang hindi ako makahinga"

"krystal napapadalas na yata yang mga nararamdaman mo. Siguro mas mabuting iwasan mo ulit yung mga bagay nakakasama dyan sa puso mo tulad nang-"
-Doc

"dati" malungkot na sabi ko.

"it's for your own. Simula ngayon iwasan mo munang madala sa mga emosyon mo" -Doc

eto nanaman ako. Balik nanaman sa dati. Akala ko pa naman magiging masaya nako ng sobra pero hindi pala.

Naalala ko dati. Bawal ako maging masaya ng sobra kasi mabibigla nanaman yung puso ko. Bawal din ako maging malungkot ng sobra.

Lahat nalang halos bawal. Nakakainis! ilang taon ko ng tinitiis tong letcheng sakit na to di ko alam kung bakit di mawala wala.

maya maya nagtext sakin si Jake

from:Jake

ingat ka sa paguwi ha? Love you

napangiti naman ako bigla.
Dahil kay Jake lumakas nanaman yung loob ko na malalampasan ko tong problema ko.

---

Vote?

author's note : About sa sakit ni Krystal di ko po alam kung meron ba talagang ganung sakit . Kaya kung magtaka man kayo sabihin nalang nating gawa gawa ko lang yung sakit na yun ^.^

Mr.Perfectionist (HyukStal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon