Chapter Twenty-Three

19 1 1
                                    

"People change, but memories don't"

Yomi

*sighs*

Sabi nila kapag nagbubuntong-hininga ay lalong mawawala sayo ang mga mabubuting bagay pero hindi ko napigilan eh. Sus.

Nasa gubat ako ngayon. Teka, napalayo na ba ako!? O_O Nasaan na ako?!

Sinubukan kong tumawag kay dad kaso walang signal. Hala nasaan na ako? Napalayo ata ako masyado sa sobrang inis ko sa kanila. Well, minsan gusto ko rin mapagisa sa gantong lugar. Tahimik. Pero hindi yung ganto! Maggagabi na!

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa may makita akong maliit na parang kubo. Kung bakit ba kasi nakalimutan ko pa yung cellphone ko at ang lakas ng hangin dito! Uulan pa ata huhuhu.

Zach

Sh*t! Wala namang pagtutuunan yung away namin nung gunggong na yun eh! Makalayo na nga lang dun. Teka, asan na ba si Yomi!? Don't tell me she got lost...

Hays maggagabi na. Anong oras na ba. Titignan ko sana sa cellphone ko kung anong oras na pero...wtf! Naiwanan ko pala sa tent! And now, I'm lost too! Damn! Argh! Mukhang uulan pa ata nang malakas, and dilim dilim na, ang lakas pa ng hangin! Nasaan na ba kasi yun?

"YOMI" sigaw ko nang malakas.

Yomi

Nakarinig ako ng isang malakas na sigaw. Pangalan ko ata. Si Zach ata yun. Waaaa sana hinahanap niya ko >.< baka dala lang ng gutom to huhuhu.

"Zach! Zach! Ikaw ba yan!? Andito ako sa kubo!" sigaw ko.

Tapos nakita ko na siya malapit sakin.

"Okay ka lang ba? Ilang oras ka na nandito!? San ka ba dapat pupunta at niligaw mo yung sarili mo!?"

Nagulat nalang ako sa pinagsasasabi niya. Masyado ata siyang nagalala haha. Naalala ko yung sinabi ko kanina. "He will never be my hero, right Zach?" Pero ano to? Bakit andito siya? Bakit siya nanaman?

"A-ah okay lang naman ako. Kani-kanina lang....ako nandito." sagot ko. Waaaa! 'Di ako makasagot nang maayos dahil sa mga pinagsasasabi ko kanina. Nakakahiya!

Nagulat pa ko nung hinawakan niya ko sa ulo. My heart skipped a beat. "Ang init mo. May lagnat ka ata eh."

Mahina nga pala resistensya ko lalo na kapag malamig ang simoy ng hangin at malakas. Sakitin kasi ako simula pa ng bata ako. Nahihilo na pala ako ng sobra hindi ko namamalayan dahil kay...

"Zach, nahihilo ako...."

Zach

Patumba na si Yomi pero mabuti nalang nasalo ko siya. Hiniga ko nalang muna siya. Nagsimula na ring umulan kaya hindi kami makaalis dito sa kubo, lalo na hindi ko siya kayang buhatin pabalik dahil lalong tataas lagnat niya.

Tumabi ako sakanya. Nagaalala pa rin ako. Kung hindi naman dahil sa gunggong na yun, hindi siya aalis eh. Tsk.

Naalala ko nalang yung mga oras na bigla ko siyang iniwan. Sana nasabi ko nalang sakaniya kung bakit bigla akong nawala edi sana hindi nalang ganto. Kung pwede lang na maniwala pa siya sakin, gagawin ko.

Napatitig nalang ako sakanya. Ngayon ko lang nalaman na mahaba pala ang pilik-mata niya, huh. Bagay na bagay sakaniya.

Nakakita ako ng mga kahoy at mangkok. Naisipan ko na initin yung dala kong tubig para gumaan pakiramdam ni Yomi.

"Yomi, inumin mo muna tong mainit na tubig para mainitan ka hm?"
 
Hindi siya nagsalita at ininom lang niya yung tubig. May sakit na nga to, galit pa rin sa akin. Pambihira.

Yomi

Kung bakit ba kasi si Zach pa ang naghanap sakin. Edi tuloy nastuck pa kami! Sumabay pa yung ulan. Galing naman ng timing oh!

I wanted to be independent. Ayoko na dumepende sa mga tao kasi palagi naman nila akong iniiwan except my two bffs. Pero ano magagawa ko? May weakness pa rin ako eh.

Nanginginig pa rin ako sa lamig at napansin ata ni Zach 'yon nang bigla niyang hinubad yung jacket niya. O_O" Waaa! Bakit nakasando lang siya!?

"I-ibalik mo yan sayo!"

"Bakit? Tignan mo nga sarili mo! Nanginginig ka na sa lamig! Suotin mo to kundi lalo kang lalagnatin!" -Zach

"Edi ikaw naman giginawin! Ti-tignan mo nga oh...naka..nakasando ka lang!"

"Kesa naman sayo na giniginaw! Suotin mo nga to!" -Zach

Ayoko sana tumingin kasi nahihiya na ako pero di ko alam na malapit na pala siya sakin at sinuot yung jacket niya sakin. Eh putspa lalo pa atang tataas temperature ko neto eh!

"Matulog ka na ulit. Dito lang ako." and he's back to his normal voice.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"Zach, a-anong ginagawa mo?"

Zach

Sh*t hindi ko rin alam! Basta bigla nalang gumalaw kamay ko at niyakap siya.

"Hah? Ah eh...di ka ba giniginaw?"

"Kahit pa giniginaw ako, ano sa tingin mo ginagawa mo" ang cold niya na naman.

Ah ewan ko ba. Hindi ko na rin namalayan. Namiss ko na siguro siyang yakapin. Kahit andami niyang pinagbago, alam ko na ito pa rin yung Yomi na kilala ko. Eto pa rin ung amoy niya, yung ngiti niya, kung paano siya magsalita. Nagbago lang talaga pakikitungo niya sakin, pati pagtiwala sa ibang tao.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Getting Back Together #JustWriteItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon