"Just because you can't find a way, doesn't mean there's no way".
Para sa akin, yan ang bio ko. Bakit? Kasi totoo naman. Kung baga hindi mo makukuha yung gusto mo kung hindi mo paghihirapan.
Minsan sa buhay, nararanasan mo yung mga bagay na hindi mo pa nararanasan dati nung bata ka. Kadalasan, yung nahuhulog ka yun nga lang hindi nasasalo. Kadalasan, dahil hindi minsan, maraming mga taong pa "fall" lang. Yung tipong liligawan ka, susuyuin ka, pangingitiin ka at papatawanin o yung nagbibigay ng motibo kahit hindi "kayo". Ang kaso, nahulog ka pagkatapos iiwan ka kasi may nahanap ng iba. Akala mo meant to be no? Nagkakamali ka.
Lahat naman tayo nagkakamali. Lahat tayo gusto lang ng pagmamahal kaso lahat nga ba? Minsan nga kung sino pa yung seryoso siya pa ung naloloko. Relate ka no? Huwag ka magalala maraming ganyan.
Tandaan, maraming tanga sa tinatawag na love. Nagagawa nitong magpatanga ng taong matalino. Hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan kaya huwag kang magalala.
Para sa akin, mas okay na maging mahid kesa sa mahulog ka hindi ka naman sasaluhin. At kesa sa magpakatanga ka ulit. Lahat ng iyan ay nararanasan hanggang sa ngayon ng bida nating si Yomi. Isang babae na hangad lamang ang tunay na pagmamahal. Palagi nalang siyang nahuhulog kaso hindi nga lang nasasalo.
Now, let's just say na, Welcome to the new world, new life, and new beginning(?) of Ms. Yomi Isabel Garcia. Dito na pakikiligin, paiiyakin, at higit sa lahat matutuhan mo na rin kung paano nga ba makipaglaro sa love.
Note: Simula pa lang po ito pero sana magustuhan niyo! Please support me <3 #JustWriteIt
BINABASA MO ANG
Getting Back Together #JustWriteIt
Teen Fiction"Bakit ba ang daming pa-fall sa mundo!?" yan nalamang ang palaging tanong sa sarili ni Yomi. Ilang beses na siya nahulog at ilang beses na rin siyang hindi nasalo. Buti na nga lang hindi pa daw siya patay. Nagsimula ang lahat sa simpleng lokohan...