Joyce POV
Sabado ngayon.. Yess!! Ansaya ko walang pasok ee.. Haha
Tiiittt! Tiiittt!
Isturbo namn oh.. Sino kaya yung nagtext? Tiningnan ko yung message.
From: unknown number
Hi miss sungit.. Si jay to.. Pinapaalala ko lang yung usapan natin.. Mamaya sa park 7pm..
Bwesit!>.< oo nga pala yung tungkol sa deal.. Susmaryosep..! Anong gagawin ko? tumayo ako at inihanda yung susuotin ko.. Dress na kulay yellow at hinanda ko na rin yung flat dollshoes ko na kulay black.. Ok na siguro to.. Nakakainis naman oh hindi ko lubos maisip na makikipagkita ako sa gagong yun.. Haay! Ayoko munang isipin ang tungkol dun kaya natulog muna ako.. Nang gumising ako.. 6:30 na kaya naghanda na ko at pumunta na rin sa park.. Pagdating ko dun wala pa sya bakit parang kinakabahan ata ko?.. umupo muna ko sa isang bench habang hinihintay sya at ti-next ko na rin...
Jay POV
Heto at on the way na ko papuntang park..
Tiitt! Tiitt!
From:joyce
"Hoy loko ka! Bilisan mo dyan nang matapos nato! Humanda ka talaga sakin ngayon!"
Haha.. Andun na pala sya.. Well sawakas dumating na rin ako.. Bumaba ko sa kotse at ayun nakita ko syang nakaupo sa isang bench.. Grabe! Namamalik mata ba ko? Bakit ba ang ganda ganda nya ngayon? Shit! Bakit ba ko nagaga dahan sa kanya? .. Pero totoo namn kasi kahit simpleng dress lang suot nya, ang ganda nya talaga.. Ayy! Erase! Erase! Ano ba yan! Lumapit na ko sa kanya..
"Miss sungit"
Lumingon sya sakin"Oh.. Mabuti naman at dumating ka na rin?"
"Bakit ba atat ka? Gusto mo lang ata kong makita noh?"
Pang iinis ko sa kanya"At bakit naman aber?"
"Kasi baka nagkakagusto ka na sakin"
Hahaha"Tahaha.. Nagpapatawa ka ba? Ako? Magkakagusto sayo? Umayos ka nga! Kahit panget ako.. Hindi ako papatol sayo!"
Grabe naman tung babaeng to.. Kala mo.. Hmm...
Joyce POV
salamat naman at dumating na sya.. Grabe antagal! Tapos sabihin ba namang may gusto ako sa kanya.. Grabe.. Ang yabang ah? Sayang.. Cute pa naman sana sya sa black coat nya with necktie tapos ang bango pa nya... Ayy! Eraassee! Ano bang pinag iisip mo joyce?... Grrr..
Tumingin sya sakin at nagula nalang ako nang bigla nya kong hinila at isinakay sa kotse nya.. Hmm.. Mayaman ee.. May sariling kotse.. Habang nagda-drive sya.."Hoy! Asungot saan tayo pupunta?"
Ngumiti lang sya sakin at nung nakarating na kami bumaba kami sa SM mall"Anong gagawin natin dito?"
Tanong ko sa kanya
Pero hindi nya ko kinikibo at ayun patuloy ang panghihila nya sakin.."Oh etong ice cream.. Kumain ka muna.."
Sabay bigay nya sakin ng ice cream.. Ano to? Kaya nya ba ko pinapunta para kumain ng ice cream?"Ah.. S-Salamat"
"Bilisan mo kumain manonood pa tayo ng sine"
"Ha?"
"Basta bilisan mo nalang dyan"
Pagkatapos naming kumain ng icecream ay nanood na kami ng sine.. Nagulat ako ng bigla nyang isinuot ang kamay ko sa kamay nya,.
"Wag kang magtaka.. Girlfriend kita diba?"
Bwesit! Kung di lang dahil sa deal na yun! Hmm! Kaasar.! Nagpatuloy kaming manood ng sine.. Nung tapos na ang palabas..."Anong ginagawa mo?"
Bakit parang papalapit sya sa mukha ko? Hahalikan nya ba ko? Oh noh!"May dumi ka sa mukha nakakahiya"
Sabi nya habang pinupunasan yung kaliwang pisngi ko.. Dahil ata yun sa ice cream kanina.. Nakakahiya! Pero kinabahan ako dun ah.."Ayan wala na"--sya
"Ahm.. Hi-hindi pa ba tayo uuwi? Giniginaw na ko!"
"Hindi pa"
Haay kainis.. Inirapan ko nang sya at tumalikod ako.. Grabe! Giniginaw na ko.. Nagulat nalang ako nang bigla nyang isinuot sakin ang coat nya.. Wow ah? Gentlemen rin pala sya? Hindi ko alam na may ganito pala syang nalalaman.. Sa totoo lang.. Sweet naman sya at cute rin.. Teka? Naiinlove na ba ko sa kanya? Hindi! Erase erase! .....
Bigla ko nalang napagtanto na umakbay sya sakin."Tara na.. May pupuntahan pa tayo.. Baka nandun na sya"--sya
"Ha? Sino?"
"Wag ng maraming tanong halika na"
Jay POV
Ngayon ay nagda-drive na ko.. Grabe! Nag enjoy ako kanina.. Masaya rin pala syang kasama eh.. Nakaka inlove.. Lalo na nung kumakain kami ng ice cream.. Ang kyot nyang pagmasdan..
Tiitt tiitt!
May nagtext"Hi jay.. I'm already here.. I'll wait for you sweetie"
Andun na pala sya.. Hmm! Humanda ka ngayon..

BINABASA MO ANG
A Promise to Forever (may forever^^)
Teen Fiction"Mahal kita, mahal na mahal. Lahat ng bagay na gagawin ko ay may matinding rason kaya magtiwala ka lang sakin, at papatunayan ko sa'yong may Forever"