Joyce POV
Andito na pala ko ngayon sa school. Masaya ko at ayos na kami ni jay.. Yung hindi na nya ko pag ti-tripan..
pupunta muna kong cr..
Habang naglalakad ako"Aray.. Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo pwede?"
May bumangga kasi sakin.."Aba miss? Anong problema mo? Papalag ka ha? Ikaw yung tumingin sa dinadaanan mo.. Tatanga tanga ka kasi!"
Sigaw nung lalaking nakabangga sakin sabay walk out nya.. Luh? Angkapal ng mukha nuh?"Joyce"
Mukhang pamilyar yung boses ah"Ah.. Jay ikaw pala"
"Anong nangyari dun? Bakit ka nya sinisigawan?"
Yung bumangga sakin ang tinutukoy nya
"Ha? Ah.. Wala yun.. Ok lang ako.. Sige ah.. cr muna ko bye"
"Ok sige.. Alis na rin ako.
Jay POV
Haay! Masarap pala sa pakiramdam na hindi na kami nag aaway ni Joyce.. Yung masaya na kami lagi pag magkasama.. Nagpapasalamat ako sa nangyari nung isang gabi.. Dahil dun nagkabati na kami, Sana tuloy tuloy na to..
Habang naglalakad ako.. Nakita ko si joyce, papunta ata sya sa cr.
Kaya lang may bumangga sa kanya.. Walang hiya! At sya pa talaga ang sinabihang tanga
Hmm.. Alam ko ang nakita ko kanina.. Walang hiya yung lalaking yun.. Hindi man lang nya nirespeto si Joyce? Ayaw ko lang kasi inaapi sya.. Humanda ka saking lalaki ka..
Nang matapos kaming mag usap ni joyce ay umalis na ako at may inihanda ako.. Nagpatulong ako kay Marvin sa plano kong to.. Nang tapos na naming e set ang lahat.. Nagtago na kami ni Marvin sa isang sulok.. Andito pala kami sa isang lumang stock room.. Inaabangan namin yung walangyang lalaking nambastos kay Joyce kanina. Alam ko kasing papasok yun sa loob ng lumang stock room may ipinahahatid kasi yung guro nila sa loob eh .. Narinig ko kanina.. Imbestigador na pala ko ngayon.. Sa oras na buksan nya yung pinto ng room.. Mahihila yung lubid sa itaas na may lamang isang balde ng tubig na nilagyan namin ng water color at bubuhos yun sa kanya.. Wahaha.. Lagot ka ngayon..Joyce POV
Tapos na rin akong mag cr.. Antagal ko nuh? Inayos ko na rin kasi yung tali ng buhok ko. Ngayon lalabas na ko.. Babalik na sana ko sa classroom ko nang biglang tinawag ako ng isang teacher..
"Iha, pwede bang ikaw nalang ang maghatid nito sa lumang stock room? May inutusan na ko neto kanina tapos sabi nya mag si-cr lang daw sya, pero hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik.. Haay naku! Napakatamad na bata!"
"Ahm.. Ma'am.. Ok po.. Ako napong bahala dyan.. Ako na pong maghahatid sa stockroom"
"Salamat iha ah?"
"Walang anuman po"
Lumakad na ko papuntang stockroom..Jay POV
"Antagal naman nung lokong yun"--ako
"Baka papunta na.. Ayan oh may naglalakad papunta dito"--Marvin
"Oo nga.. Teka, si joyce yan ah.. Naku!! Bubuksan na nya yung pinto!"
"Joyce! Waaaag!"
Sigaw ko kay joyce. Pero huli na nabuksan na nya ang pinto at bumuhos sa kanya yung isang balde.. Naku! Andumi dumi na nya.. Kawawa naman sya.. Kasalanan ko to.. Sigurado galit na naman yun sakin lalo nat nakita nya ko..Joyce POV
Nung binuksan ko na ang pinto ng room.. Nagulat ako nang biglang bumuhos sakin yung isang balde ng tubig na parang may nakahalong water color.. Shitt!! Ano to?
"Joyce! Waaag!"
May sumigaw kanina.. Nung tiningnan ko.."Jay? Ikaw bang may gawa nito?"
"Ah-kasi.... Joyce.. Magpapaliwanag ako!"
"Akala ko ba ok na tayo? Nakakainis ka!"
"Joyce! Sandali"
Tumakbo na ko papalayo.. Kahit narinig kong tinatawag nya ko. Kainis! Akala ko nagbago na sya.. Hindi pa rin pala.. Pinuntahan ko nalang si jane at nagpasama ako sakanyang magbihis sa cr.
"Haay! Hindi pa rin pala nagbago yang si jay. Ang sama nya best"--jane
"Oo nga. Sobrang sama nya"--ako
Jay POV
Haay naku! Nakakainis! Nasaktan ko nanaman si Joyce.. Nasaktan ko nanaman yung babaeng mahal ko! Oo tama mahal ko na sya.. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makapag sorry sa kanya.. At hindi ko na patatagalin pa tong nararamdaman ko sa kanya.. Sasabihin ko na.. Na mahal ko sya.. Bukas na bukas may gagawin ako para magkaayos kami ulit..
Vote guys.. And comment para may gana naman akong mag update ng next chapter.. Salamat^^
BINABASA MO ANG
A Promise to Forever (may forever^^)
أدب المراهقين"Mahal kita, mahal na mahal. Lahat ng bagay na gagawin ko ay may matinding rason kaya magtiwala ka lang sakin, at papatunayan ko sa'yong may Forever"