Chapter 17: Broken;(

21 1 0
                                    

Joyce POV

Kinaumagahan, nagising ako na namamaga ang mata ko syempre dahil sa sobrang pag iyak ko kahapon at kagabi.. Pumunta 'ko sa cr para maghilamos at pagkatapos ay naligo na ako.. Hindi ako pwedeng umabsent sa school. Nagmadali na 'ko at pumasok na ng eskwelahan.. Nakakalungkot dahil kung nung una, andito agad si jay sa tabi ko, ngayon.. Wala sya.. Ang sakit sakit pa rin pero namimis ko sya,.

Natapps ang araw kong to na walang Jay sa tabi.. Bakit kaya hindi ko sya nakita sa school ngayong araw.?

Lumipas pa ang ilang araw ngunit walang Jay na nagparamdam sa akin.. Sobrang namimis ko na sya:( gusto ko na syang makita, makausap at patawarin.. Handa na 'kong makinig sa mga paliwanag nya.

Natigil ako sa pagkatulala ko nang biglang bumuhos ang ulan.. Pero wala akong pakialam nakaupo pa rin ako sa isang bench habang iniisip sya.. Wala na kong pakialam kung mabasa pa ako..

Natigilan ako nang may lalaking lumapit sa akin at pinasilong ako sa kanyang payong..

"Hindi ka dapat nagpapabasa sa ulan. Baka magkasakit ka."
Sabi nung lalaki, nung tiningnan ko sya sa ay laking tuwa ko nang makita ko si Jay.

Nung tipong yayakapin ko na sana sya ay biglang dumating si Dianne


"Honey, nandito ka lang pala, umuwi na tayo, umuulan na ee"
Sambit nito sabay kapit sa braso ni Jay..

Tiningnan ko si Jay pero umiwas sya ng tingin sa akin at umalis na sila...

Wala akong nagawa kundi ang tingnan ang lalaking pinakamamahal ko na naglalakad papalayo sakin kasama ang ibang babae,. Ang sakit.. Sobrang sakit. Akala ko ba ako lang? Bakit ngayon.. May iba na syang mahal? pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko hanggang sa dumilim na ang paningin ko at unti unti na akong nanghihina at nawawalan ng lakas.. Hindi ko na alam ang nangyari sakin..

Guys, gusto nyo pa bang ipagpatuloy ko ang story na to? O buburahin ko nalang?

A Promise to Forever (may forever^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon