Chapter 10: So Sweet<3

23 3 1
                                    


Joyce POV

Grabe! Hindi ako makapaniwala sa nangyari kahapon.. Hindi ako makapaniwalang kami na ni Jay.. Yung dating kinaiinisan ko, ay ang taong minamahal ko ngayon.. Hindi ko talaga lubos maisip na ang isang pangit na katulad ko ay may boyfriend na ngayon.. At eto pa, sya kaya yung first boyfriend ko kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.. Wala pa kasi akong mga karanasan sa pag bo-boyfriend eh.. Pero, ok lang din, alam ko namang mahal nya ko at nararamdaman ko yun..

Hindi ko alam nakangise na pala ko habang nakatingin sa bintana nang biglang pumasok si mama..


"Hoy anak?! Ano pang ngini-ngise-ngise mo dyan? Male-late kana!!! Ang aga aga eh.. Nag e-imagine ka nanaman dyan!!"

Saka ko palang naisip na may pasok pa pala ko.. Oh no!

Dali dali akong naligo tapos nagbihis, hindi na ko kumain kasi nga late na ko..

Pagdating ko sa school.



"Hi Love?" Bigla nalang sumulpot tong si Jay sa harapan ko..

"Ano ba jay? Aatakihin ako sayo sa puso eh"


"Sorry naman love kung naggulat kita"
At bigla nya kong niyakap mula sa likod


"Huy ano ba jay? Baka may makakita satin.. Baka anong isipin nila"


"Bakit? Girlfriend naman kita diba? Kaya walang problema dun"

Oo nga pala, boyfriend ko na sya, nakalimutan ko.. Haay naku joyce..


"Ah-eh.. Hindi namn ibig sabihin nun pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo nuh,"

Bigla nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa beywang ko at bumulong


"Bakit hindi pwede love? Girlfriend na kita ngayon kaya gagawin ko kung anong gusto ko"

Sabay smirk nya sakin.. Yung pagsasalita nya nun parang may ibig sabihin, yung parang kakainin nya ko.. My god!! Grabe! Mamamatay na ko sa kilig.. Pero may pagka manyak din tong lokong to ah..



"Hoy, anong pinagsasabi mo dyan? Ang manyak mo talaga.. Loko,!"

bumitiw na ko sa pagkakayakap nya at tumalikod para hindi nya mahalatang kinikilig ako, pero pinigilan nya ko.. Hinawakan nya ang kanang kamay ko at hinila papalapit sa kanya kaya bigla akong napahawak sa chest nya at magkalapit na yung mukha namin.. Papalapit ng papalapit, hahalikan nya ba ko? Oh wag naman sana.. Hanggang sa magkadikit na yung mga ilong namin nang biglang..

Booorrrkk,!!

Natigilan sya at tumawa ng pagkalakas lakas.. Bwesit na tyan to.. Ipapahiya nya pa talaga ko kay jay.. Nagugutom na ko, kasi naman hindi ako kumain kanina ng breakfast sa pagmamadali kong pumasok, pero ang ending.. Wala pala yung teacher sa 1st subject namin kasi nagkasit kaya umabsent.. Lintik naman oh..


"Ano ba jay? Hindi ka titigil sa kakatawa? Sapakin kita dyan eh"

Tumigil na sya sa pagtawa sa wakas


"Sorry na love.. Halika"

At ayun, hinila nya ko papuntang canteen..


"Alam ko kasing hindi kapa kumakain ng breakfast at hindi pwede yun sakin"


Hinatid nya ko sa table at pinaupo..

"Antayin mo ko dyan ah? O-order lang ako"

Timango lang ako sa kanya at hinintay sya

Ganito pala sya ka sweet at Maalaga,. Siguro swerte na ko sa kanya.

Naputol yung pagmumuni muni ko dahil andito na pala sya, magkatabi kami sa upuan

Haay naku! Lagi nalang akong natutulala..


"Oh ano pang tinitingin mo dyan? Kumain kana.. O gusto mong subuan pa kita? Ok lang naman sakin"

Haluh? Tignan mo to? Wag kang sobrang sweet sakin ah? Baka langgamin na ko..!


"Sira! Hindi na kailangan.. Kaya ko naman kumain mag isa eh"

Napangiti nalang sya sa sinabi ko.. Yung ngiting yun.. Hindi ako magsasawang tingnan yun eh.. Hihi.. Ang gwapo nya pala pag nakangiti.. I mean mas gwapo, .

Yun ngang pinagtataka ko eh.. Kung bakit nagkagusto ang isang gwapong to sa panget na katulad ko? Haha himala ba?

Parang Beauty and the Beast.. Pero baliktad lang.. Ako yung beast sya yung beauty.. Haha..

A Promise to Forever (may forever^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon