JOyce POV
Hapon na pala ngayon.. Oras na ng uwian.. Asan na kaya yung isang yun? .. Si jay ang tinutukoy ko.. Sabi nya kasi, samahan ko daw sya.. May pupuntahan daw kami.. Ayw naman nyang sabihin kung asan.... Ayy ayan na pala sya..
"Love tara na?"
"Ok. Saan ba kasi tayo pupunta?"
Ngumiti lang sya sakin at hinila ko papalabas ng gate.. As in yung magka holding hands kami.. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante , pero itong si jay? Parang wala lang syang pakialam kahit buong mundo pa yung nakatingin samin..
Nasa labas na pala kami ng gate.. At nandun na yung kotse nya sa gilid naka park..
"Halika na, sumakay ka na love"
Pinagbuksan nya ko ng pinto at pagkatapos ay sumakay na rin sya..
Tumingin sya sakin at lumapit ng dahan dahan.. Ano na naman kayang binabalak nito? Bumibilis yung tibok ng puso ko kasabay nito ang patuloy nyang paglapit sakin...
"Oh? Bakit ka ganyan makatingin sakin love? .. Wag mo kasing kalimutan mag seatbelt"
Sabay ngiti nya sakin.. Oo nga pala nakalimutan kong magseatbelt kaya sya na ang nagkabit neto sakin..
Matapos nyang ikabit ito ay nagmaneho na sya..
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami.. Pinagbuksan nya ko ng pinto at bumaba na ko.. Tiningnan ko ang paligid.. May isang malaking bahay na kulay white.. Ang ganda-ganda at ang laki-laki talaga..
"Jay? Kaninong bahay to? Anong ginagawa natin dito?"
Tanong ko sa kanya
"Bahay namin to.."
O.O eto ako.. Dahil sa pagkagulat ko sa sinabi nya..
"Talaga? Bahay nyo to? Ang laki jay.. Tapos ang ganda ganda"
Ngumiti lang sya sa sinabi ko sabay hila sakin papasok sa loob..
"Sandali jay.. Ano nga bang ginagawa natin dito? Bakit mo ko dinala dito?"
"Ipapakilala kita kay mama at papa"
"Hah? Ano? T-teka lang.. Seryoso ka? Ipapakilala mo ko sa kanila ng ganito ang suot ko?"
Kasi naman galing pa kami sa school kaya naka uniform pa ko.. Tsaka nakakahiya kaya, ang yaman nila tapos haharap ako ng naka ganito..
"Bakit? Ano bang problema sa suot mo? Maganda ka naman ah.. At wala kong pakialam kahit ano pang suotin mo"
Nganga ako sa sinabi nya.. So kahit wala akong suot ok lang sa kanya? Ayy de joke lang .. Haha..
Patuloy sya sa panghihila hanggang sa makarating kami sa dinning area nila.. At dahil gabi na, naabutan namin silang naghahapunan.. Kasama ang mama, papa, at dalawa nyang kapatid na babae..
"Ma, Pa, andito na po ako.. Magandang gabi po kasama ko po pala si Joyce.. Girlfriend ko"
Habang sinasambit nya ng mga salitang yun ay lalong kumakaba ang dibdib ko.. At nanginginig na yung tuhod ko sa kaba.. Tumingin sya sakin at siguro, napansin nyang kinakabahan ako kaya hinawakan nya mahigpit ang kamay ko.. Sinusubukan nyang palakasin ang loob ko..
"Ahm.. M-magandang g-gabi po sa inyo.. Ako po pala si Joyce"
Pautal utal kong sabi
"Kamusta ka iha? Ikinatutuwa naming makilala ka. Halika sabayan mo na kaming kumain'
Sabi ng mama nya.. Ang bait pala ng mama nya.. Pati yung mga kapatid nya ganon din.. Akala ko kasi, hindi nila ko magugustuhan dahil mahirap lang kami at sila mayaman.. Tapos ang panget ko pa.. Pero, hindi pala sila ganon kasi mabubuting tao sila, maliban sa tatay nya, hindi kasi sya masyadong nagsasalita at ang tingin nya sakin kakaiba..
Habang kumakain kami ay tinawag ng papa nya si jay at nag usap sila sa labas.. Ano kayang pag uusapan nila?
Nang matapos na kaming kumain ay nagpasya na kong umuwi. Gabi na rin kasi.. Baka mag alala si mama sakin..
Nagpaalam na ko sa pamilya nya at inihatid naman ako ni jay papauwi..
Jay POV
Ngayon ay nagmamaneho ako ng kotse para ihatid si joyce sa kanila pagkatapos ko syang ipakilala sa mga magulang ko..
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya yung sinabi sakin ni papa kanina..
*FLASHBACK*
"Jay, mag usap muna tayo"--papa
"Ok po.. Ano po bang pag uusapan natin?"
"Dederetsuhin na kita"
Kinabahan ako nung sinabi nya yun
"Ano po yun pa?"
"Ayoko sa sya para sayo anak. Hindi sya karapat dapat."
"Pero pa, mahal ko sya"
"Wala kong pakialam. Basta hiwalayan mo na sya"
Tapos tumalikod na ko. Hindi ko sinabi kay joyce kasi ayokong masaktan sya.. Hinding hindi ko sya hihiwalayan..
*end of flashback*
"Jay? Ok ka lang? Andito na tayo sa bahay namin. Salamat sa paghatid ah?"
Sabay ngiti nya sakin.. Naco-consencia ako sa kanya. Pero ayoko syang masaktan kaya mas mabuting hindi na nya malaman to..
BINABASA MO ANG
A Promise to Forever (may forever^^)
Novela Juvenil"Mahal kita, mahal na mahal. Lahat ng bagay na gagawin ko ay may matinding rason kaya magtiwala ka lang sakin, at papatunayan ko sa'yong may Forever"