Chapter 15: Happy 1st Monthsary

38 3 2
                                    


Joyce POV

Ngayon na nga pala yung quizbee namin.. Busy ang lahat sa paghahanda para sa gaganaping program mamaya. 1 pm pa kasi mag s-start.. In short, wala kaming klase ngayon pero andito kaming lahat para sa program.

Hinahanap ko si Jay pero hindi ko sya makita.. Ibibigay ko kasi sana sa kanya tung regalo ko kasi 1st monthsary namin ngayon..

Asan kaya yun? Kanina ko pa tinetext pero hindi naman nagrereply.. Siguro, nakalimutan nya na monthsary namin ngayon.. Nakakainis naman! Nagugutom na ko.. Gusto ko sana kasabay ko syang kumain ngayon.. Di bale na nga.. Kakain nalang muna 'ko sa canteen..

Papunta na 'ko sa canteen nang may nakita akong grupo ng mga estudyante na parang nagkakagulo.. Nandun din pala si jane..Pinuntahan ko ang mga ito.. Walang teacher kaya ako na ang umawat sa kanila..


"Guys tama na! Anong nangyayari?"

Mga kaklase ko lang pala ang mga ito.. Bigla 'kong natigilan nang may kumanta sa likod ko..


woooh.. Woooh..
Naniniwala na ako sa forever, magmula nang makilala kita
Eh kaya nga di ako sumurender, ano man ang sinasabi nila.. Ahhh

Si Jay pala, may dala syang bulaklak tapos nasa likod nya yung tumutugtog habang kinakanta nya yung theme song namin.. Tama.. Favorite ko ang kantang to.. Lagi namin tong kinakanta pag magkasama kami..

Nagpatuloy sya sa pagkanta at sinabayan ko na sya sa pagkakataong ito

Na na na na na na na na
Wala na kong paki basta bahala na. Na na na na na na na . alam ko lang kasi minamahal kita at kahit na sabihin pang sakin di ka itinadhana.. Na na na na na na na.. Mahal kita kasi kaya bahala na..

Natapos na rin kaming kumanta


"Joyce, happy 1st monthsary! I Love you!"--jay

Sabay bigay nung bulaklak sakin tapos niyakap nya ko..


"Happy 1st monthsary din Jay.. I love u too"

Nagtilian yung mga estudyanteng kasama namin sa canteen.. Ngayon ko lang napansin na may hawak-hawak pala silang banner na may nakasulat na.. 'HAPPY FIRST MONTHSARY LOVE'

Grabe! Talagang nag effort sila para dito?


"Maraming salamat sa inyo mga kaklase sa pag effort dito ah?"--ako


"Walang anuman best.. Pinakiusapan kasi kami ni Jay. Sya ang nakaisip nito"--jane

Muli kong tiningnan si jay sa mata.. Nginitian ko sya at niyakap.. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya.. Naririnig ko ang tibok ng puso nya.. Ikinulong nya ko sa mga braso nya at nagsalita..


"Naririnig mo ba ang tibok ng puso ko? Tanging pangalan mo lang ang sinisigaw nyan.. Ikaw lang wala ng iba.."

Ngayon ay pakiramdam ko nasa akin na ang lahat.. Mas malakas na ang loob ko ngayon.. Alam kong matatalo ko si Dianne mamaya sa quizbee..

Pagkatapos nun ay kumain na kami.. Umupo kami sa isang table.. Binigay ko sa kanya yung regalo ko, isang jacket na may combination ng kulay blue at white.. Favorite colors nya kasi ang mga yun.. Mukhang tuwang tuwa naman sya sa regalo ko. Binigay nya rin sakin ang regalo nya, isang bracelet na may mapupulang mga bato na kumikinang.. Ang ganda, sigurado ang mahal nito,.

"Love.. Yang bracelet na yan sumisimbolo yan sa pag ibig ko sayo.. Hugis bilog ito. Kaya walang katapusan.. Kagaya ng mga batong nandyan palaging kumikinang ang pagmamahal ko para sayo"


"Tatandaan ko lagi yan love"
Sabay ngiti ko sa kanya..

A Promise to Forever (may forever^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon