Chapter 16: It Hurts;'((

14 5 3
                                    


Pasensya na, matagal akong hindi nakapag update..
Salamat po sa mga nagbasa^^ pwede po ba add nyo ko sa facebook? Irish Silva po.. Para dumami friends ko.. Salamat..




Joyce POV

Ilang sandali nalang at mag s-start na yung quizbee.. Kinakabahan ako.. Sana manalo kami..

Maya't maya'y naramdaman ko ang maiinit na kamay ni jay na nakahawak din sa kamay ko..


"Love? Wag kang kabahan, andito lang ako. Susuportahan kita"

Nakangiting sabi sakin ni jay habang hinahalikan ang kamay ko.. Haay! Salamat nalang talaga at may pogi akong boyfriend na katulad nya.. At ang bait pa..


Pumwesto na ko sa table kung saan ako na assign.. Nakita ko rin si Dianne na umupo sa kabilang table.. 10 lahat ang mga kalaban ko.. Matatalo ko ba sila? Sana nga..

Nilingon ko si jay. Nakangiti naman sya habang nakatingin sakin.

Nang magsimula ito ay naka puntos kaagad kami ng mga ka grupo ko..

Hanggang sa tuloy tuloy ang takbo ng quizbee at hindi parin kami natitinag.. Natural lang noh.. Pinaghandaan ko kaya ng mabuti 'to..

Sa huli, ayun.. Itinanghal kaming panalo.. Yeheeyy! Ang saya saya ko.. Napansin ko rin ang pagsimangot ni Dianne kasi hindi man lang sila naka-place.. Inirapan nya muna ako bago umalis.. Muli kong tiningnan si jay.. Pero wala sya dun sa kina u-upuan nya kanina.. Asan kaya yun?


Siguradong magiging proud sya sakin!

Hinanap ko kaagad sya bitbit ang medal na napanalunan ko sa quizbee..

Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa... Halos hindi ako makahinga sa nakita ko..

Si Jay .. Hinahalikan nya si Dianne..

Hindi ko mapigilang humikbi.. Ang sakit-sakit para sakin.. Parang dinudurog ang puso ko habang tinitingnan ang lalaking pinakamamahal ko na nakikipaghalikan sa isang babae.. Hanggang sa tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.. Kasabay nito ang malakas na paghikbi na tumawag sa kanila ng pansin.. Ngayon ay parehas na silang nakatingin sakin.. Habang pinapahid ko naman ang mga luha ko..

Agad na bumitaw si jay sa pagkakahawak sa beywang ni Dianne at lumapit sakin..


"Joyce.. Magpapaliwanag ako"


"Magpapaliwanag? Hindi na kailangan Jay! Sapat na yung nakita ko para malamang niloloko mo'ko!!"

Aalis na sana ako pero pinigilan nya ko..

"Hindi totoo yan.. Ak---"

Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin at sinampal.

"Tama na! Ang sakit sakit jay! Manloloko ka rin pala!"

Sabi ko sa kanya habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko.. Bago ako tumalikod ay tiningnan ko muna si dianne.. Nakangiti sya sakin.. Hindi ko na kinaya ang sakit kaya umalis na 'ko..

"Joyce!"

Narinig ko pang tinawag ako ni Jay. Pero hindi ko na sya pinansin.


Dumiretso na 'ko sa bahay at masayang sinalubong ako ni mama..


"Anak! Kamusta? Nanalo kaba?"


Ayokong ipakita sa kanyang malungkot ako.. Siguro, hindi ko muna ipapaalam sa kanya ang nangyari..

"Ahm.. Opo ma, ito nga po oh"

Pinilit ko ang sarili kong umaktong masaya.. Habang itinataas ang medal ko..

"Wow! Ang galing mo anak!"
Nakangiting sabi ni mama sakin..

Hindi na 'ko nakapagsalita kaya yumakap na lang ako sa kanya.


Pumasok ako sa kwarto ko at dun ko ibilabas ang sakit na nararamdaman ko.

Bakit ganito? Akala ko ba, iba sya. Ang sakit-sakit! Tuloy-tuloy sa pag agos ang mga luha ko habang tinitingnan ang mga litrato naming dalawa...

A Promise to Forever (may forever^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon