Chapter 3: My savior

32 7 1
                                    


Jane POV

Wala kaming pasok ngayon sabado kasi.. Ngayon pala yung usapan namin ni Joyce na mag ma-malling kami.. Naghanda na ko at nagbihis.. Simpleng orange na dress at naka sandals lang ako.. Pagkatapos ay lumabas na ko ng bahay upang mag abang ng taxi.. At agad rin naman akong nakasakay.. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakarating na ko sa mall..

"Best! Kanina pa kita hinihintay"--haayy! Parang lumipad ako saglit sa gulat.. Si joyce pala nasa likuran ko na.. Grabe naman makasigaw tong babaeng to..

"Best naman ginulat mo ko"

"Ganon ba? Pasensya na.. Hihi antagal mo kasi."

"Hay naku.. Lika na nga"

Sinimulan na naming libutin ang buong mall.. Grabe! Ang saya.. Ang daming magagandang damit kaso ang mahal naman.. Patuloy lang kami sa paglilibot.. Ang saya saya namin.. May mga pinamili rin kami.. Gabi na nang matapos kaming mamili.. Nauna ng umuwi si joyce.. Tinawagan na kasi sya ng mama nya.. Ok lang din naman sakin yun.. Nag cr muna ko tapos lumabas na para mag abang ng taxi.. Ang dilim naman dito.. Tapos may dalawang lalaking papalapit sakin.. Parang kinakabahan ako..

"Hi miss.. Nag iisa ka ata ah?"--sabi nung isang lalaki

"Ihahatid ka na lang namin miss.. Sumama ka na samin"--sabi din nung isa

"Ahh--eh.. Hindi na.. Kaya ko naman eh.. Salamat nalang"

"Sige na miss sumama ka na samin.. Di ka naman namin sasaktan ee"

"Ayoko nga sabi ee.. Di ba kayo nakakaintindi?"

"Sumama kana" sabay hawak nila sa mga braso ko.. Siguro mga rapist tung mga to.. Pinilit kong kumawala at nagpumiglas pero sobrang lakas nila.. Hanngang sa---


"Bitawan nyo sya!"
May sumigaw na lalaki


Marvin POV

Nakasakay kami sa kotse ko ngayon papuntang SM mall.. Kasama ko nga pala si Jay.. Pagdating namin sa mall ay bumaba na kami sa kotse ko nang may sumigaw..

"Ayoko nga sabi eh!"

"Ano yun?" Tanong ko kay jay

"Ayun! Parang kailangan ng tulong nung babae"

"Tara tulungan natin jay"

Tumakbo kami papunta sa babae na sumigaw.. At nakita kong pinipilit syang tangayin nung dalawang lalaki.. Parang nakita ko na sya.. Di bale.. Kailangan nya ng tulong

"Bitawan nyo sya!" sigaw ko
Halatang nagulat sya sa pagdating namin ni jay..

"Sino naman kayo? Wag kayong makialam dit--" hindi pa nakakatapos sa kanyang sasabihin ay sinunggaban na kaagad ni jay ng suntok yung isang lalaki.. Susuntukin din sana sya nung isa pero nauna ko na syang suntukin.. Ayun! Nakipagsuntukan kami hanggang sa magtakbuhan na silang dalawa..

"Maraming salamat sa inyu"
Sabi ng babae. Teka, para talagang nakita ko na sya

"Diba ikaw yung kaibigan ni miss sungit?"--hirit naman ni jay

"Ah--eh.. Si joyce ba tinutukoy mo? Oo bestfriend ko sya.. At ikaw yung laging nangti-trip sa kanya diba?"

"Ah..eh.. Ang sarap nya lang kasing asarin.. Pikon eh"

Tumawa nalang silang dalawa..
Grabe! Ang ganda pala netong babaeng to kapag tumatawa.. Nakakainlove.. Pero.. Walang ibig sabihin yun ah..

"Ahm.. Marvin pala sya naman si jay" inilahad ko ang kanang kamay ko at ngumiti lang sya at nakipag shake hands na rin.. Yung ngiting yun.. Nakakatunaw.. Grabe! Ano bang nangyayari sakin? Ngayon lang ata ko nagkaganito sa babae,. Ano to? Love at first sight? Ayy ewan!! Hinatid ko na sya pauwi sa kanila.. Baka kasi mapanu sya.. Concern? Ewan ko ba.. Habang nagda-drive ako ng kotse.. Tahimik lang sya.. Pinagmasdan ko sya.. Kyot talaga sya kahit simple lang ang suot nya.. Parang gusto ko pang mas mapalapit sa kanya...
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay nila kaya nagpaalam na kami sa isa't isa.. Ngumiti ulit sya.. At para na kong lumilipad sa ngiti nyang yun..

A Promise to Forever (may forever^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon