Joyce POV
Bakit parang nag aalala ako sa mga sinabi ni Dianne? Hindi naman siguro nya gagawin yun diba? Hindi naman siguro nya maaagaw si jay sakin diba? Hindi naman siguro ako iiwan ni jay diba?
"Hi love"
Natauhan ako ng tinawag ako ni jay at inakbayan..
"Ahm.. Hello Jay"
"May problema kaba? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?
"Ha? W-wala to.. Ok lang ako."
"Sigurado ka?"
Tumango nalang ako..
Jane POV
Asan na kaya si Joyce? Nasasabik na kong sabihin sa kanya yung good news! Siguradong matutuwa sya kasi pinaghirapan nya to..
Oh ayan na pala sya..
"Best!"
Sinalubong ko sya ng yakap..
"Oh bakit best?"
Tanong nya sakin
"Kasali ka sa top 10 students! Congratulations!"
"Talaga best? Grabe! Ang saya ko!"
Halatang tuwang tuwa sya
"Oo best.. At yung top 10 students daw ang kailangang mag participate sa quizbee sa darating na november 12.. Galingan mo best ah?"--jane
"Oo naman best"--joyce
Joyce POV
Woooh! Kahit papano ang saya ko pa rin! Hindi ako makapaniwalang magagawa ko to! Tapos kasali pa ko sa quizbee..
Teka? 1st Monthsary din pala namin ni Jay sa november 12..
Hmmm :)
Lumipas ang mga ilang linggo, at pursigido pa rin ako sa paghahanda para sa quizbee.. Gabi-gabi ay nag aaral ako at halos umagahin na ako sa pag aaral.. Gusto kong maging proud sakin sina mama at papa.. Pati na rin si Jay.. Gagalingan ko.
Haay! Ang bilis ng panahon.. Bukas na nga pala yung quizbee.. Kailangan ko ng magpahinga at magrelax ngayon para hindi ako stress bukas..
Humiga na 'ko sa kama ko
Nang may biglang nagtext sakin..
Bzzzt! bzzzt!
Binuksan ko yung message
From:09--------
Hi! Magrelax kana ngayon. Goodluck nga pala satin bukas sa quizbee. Sisiguraduhin kong matatalo kita. Hindi lang sa quizbee kundi, pati na rin sa puso ni Jay....
Kahit unknown number to. Alam kong si Dianne yung nagtext sakin. Oo nga pala.. Nakalimutan ko, nasa section 1 sya at katulad ko, kasali rin sya sa quizbee kasi nasa top 10 rin sya.. At magkalaban kami.. Kinakabahan ako. Lalo na sa huling sinabi nya.. Pano kapag natalo ako? Baka ma disappoint sakin si Jay tapos iwan na nya ko! Nooo! Hindi pwede to!
BINABASA MO ANG
A Promise to Forever (may forever^^)
Ficção Adolescente"Mahal kita, mahal na mahal. Lahat ng bagay na gagawin ko ay may matinding rason kaya magtiwala ka lang sakin, at papatunayan ko sa'yong may Forever"