Chapter 18: Savior

17 1 1
                                    



Sorry sa late update.. Busy po kasi ako sa school.





Joyce POV

Nagising ako sa isang kwartong puro puti ang paligid. Hindi naman puti ang loob ng kwarto ko ee.

Teka? Anong nangyari sakin? Nasa langit na ba ako? Nooooo!

Mabilis akong umupo mula sa pagkakahiga ko pero bigla namang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako rito.


"Araayyy!"
Mahina kong sambit.


"Wag ka muna kasing bumangon."

Narinig kong may nagsalita. Lumingon ako sa may pintuan at nakita ko ang isang lalaki.


"Sino ka? Anong ginagawa ko dito? Siguro Kinidnap mo ko no?"

"Pwede ba miss kumalma ka? Tsaka, bakit naman kita kikidnapin? Tss! Kung hindi ko lang sana kailangang gawin to."


"Teka, anong sinabi mo?"

"Tumahimik ka nga! Okay, nakita kita kagabing nakahandusay at walang malay. Kaya, dinala na kita dito sa hospital kahit na hindi naman kita kilala."

Natigilan ako sa mga sinabi nya. Dun ko lang napagtanto lahat ng nangyari kahapon. Ang sakit pa rin. Mabuti na lang at dumating itong lalaking to at tinulungan ako. Kahit na nakakainis sya, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya.


"Huy miss! Okay ka lang?"


"Ah-oo .. Okay lang ako."


"Ba't bigla kang natahimik dyan?"


"Wala."

"Okay. Ako nga pala si Mike. And you are?"


"Joyce. "
At ngumiti ako sa kanya.

"Salamat nga pala sa pagkakaligtas mo sakin."


"Tss. Wag kang magpasalamat sakin dahil may kapalit ito."


"Ha? A-anong kapalit?"
Loko to ah? Tutulong na nga lang may kapalit pa.


"Kailangan mong maging yaya ko for 3 weeks"


"Ha? Yaya? 3 weeks?"


"Oo and that's final"

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil lumabas na sya ng kwarto.




Ilang sandali ang lumipas ay tumunog ang cellphone ko.

Calling Mama.....

Calling Mama.....


Halah! Lagoot! Anong sasabihin ko kay mama neto? Siguradong nag aalala na to ngayon. Hindi kasi ako naka uwi kagabi.


Bahala na nga. Sinagot ko ang tawag nya at una ng nagsalita.


"Hello, mama,? Mama sorry po kasi hindi ako nka uwi ka gabi. Sorry po kasi pinag alala ko kayo. Sorry po mama. Magpapaliwanag po ako sa inyo mamaya pag uwi ko."

Pero nagtaka ako nang magsalita na si mama.



"Anak.. Okay lang. Wag mo munang pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya. Tumawag sakin si mike, yung kaibigan mo. Kinwento nya sakin ang lahat kaya hindi na ako nag alala kasi alam ko namang hindi ka nya papabayaan. Magpahinga ka muna dyan at magpasalamat ka rin sa kanya ah? Pasensya na kung hindi na ako nakapunta dyan anak may sakit rin kasi ako. May lagnat ako ee. Pero okay na ako ngayon. Wag kang mag alala."

Matagal pa bago ako nakapagsalita ulit.


"Ah. Tinawagan nya po kayo kagabi?"

San naman nya nakuha ang number ni mama?


"Oo anak."

"Ah. S-sige po mama."

At pinatay na ni mama ang phone.

Hayy! Salamat naman at hindi galit si mama. Salamat mike.


Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kaya, papayag na ako sa gusto nya. Kahit masungit sya, okay na yun.



Guys votes and comments^_^

May isa nga po pala akong story. Sana pk basahin nyo rin.
"Once Again" po yung title.


..

A Promise to Forever (may forever^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon