Chapter 8: Revealed

37 5 5
                                    

Jane POV

Naglalakad ako kanina nang biglang..

"Jane.."

Tinawag ako ni Jay..

"Ano nanaman ba jay? Hindi ka na ba naawa kay joyce?"

"Hindi ko gusto yung nangyari sa kanya"

Ano bang pinagsasabi nya?

"May ipaliliwanag ako.. Pakinggan mo muna ko.. Mag usap tayo nang maayos"

"Oh sige ano ba yun?"

Nag usap kami Jay tungkol sa nangyari.. Sinabi nya lahat.. Pati yung nararamdaman nya at humingi sya ng tulong sakin..

Joyce POV

asan na kaya si Jane? Naglakad lakad ako para hanapin sya.. Ayun.. Nakita ko na! Teka, sino yung kausap nya? Si jay? Bakit sya nakikipag usap sa kanya? Pupuntahan ko sila..

"Jane.. Bakit ka nakikipag usap sa kanya?"

"Ah-eh a-ako? Hindi ako nakikipag usap sa kanya.. Pinipilit nya lang ako makipag usap.. Tara na nga"

Tumalikod na kami at naiwan sya..



Jay POV

Hapon na pala.. Oras na para mag uwian ang mga estudyante.. Pagkakataon ko na to.. Mabuti't naihanda ko na ang lahat.. Kailangan ko ng umalis.. Pagkatapos kong mag ayos ay pumunta na ko sa Restaurant.. Yung Restaurant kung saan ko sya pinakilala kay Dianne..



Joyce POV

Oras na pala para umuwi kami..

"Best pwede mo ba kong samahan?"--jane

"Saan?"

"May titingnan lang ako sa bulletin board ng school"

Sinamahan ko muna si jane sa may bulletin board

"Joyce.. Tingnan mo, may card na nakadikit sa board.. Para sayo"--jane

Kinuha ko yung card at may nakasulat na hi, pwede ka bang makausap? Importante lang.. Punta ka muna sa cr.
From you're friend.. Ano to? Pinapapunta ko sa cr. Anong gagawin namin dun.. Sino ba to?


"Best? Kanino kaya to galing? Baka kay Jay, pinagti-tripan na naman ako.."

"Baka naman hindi best.. Tara.. Try natin puntahan sa cr"

"Natatakot ako. Baka may gawin to satin"

"Ano kaba? Hindi yan.. Tara na"

Hinila nya ko papuntang cr ng girls, at dun may nakita kaming babae may hawak na box at card.. Pagdating namin dun,

"Hi, may nagpapabigay pala neto sayo."

At umalis na kaagad sya

"Sandali lang!"
Pagtatawag ko sa kanya pero nakaalis na sya

"Uy best buksan mo yung box"
Sabi ni jane.. Mukhang tuwang tuwa pa sya..

Nung binuksan ko yung box, may lamang dress na kulay purpple.. Ang ganda! Tapos nung binasa ko yung card..

Natanggap mo na ba yung dress? Magbihis kana.. At lumabas kana sa school.. Mag antay ka lang sa gate..

Ano ba to? Hindi ko na to maintindihan.. Susundin ko ba o hindi?

"Best magbihis kana raw dali"--jane.. Haay! Naku! Mas excited pa sakin yung bestfriend ko ee. Total andito naman sya.. Hindi ako dapat matakot.. Nagbihis nalang ako at lumabas na kami ng school.

*Sa Gate*

"Ma'am, may nagpapabigay po neto sa inyo"
Sabi nung driver ng taxi at binigay nya sakin ang card .. Nanaman?

Binasa namin ni jane ang Nakasulat sa card

Sumakay ka lang sa taxi na yan, alam nya kung saan ka dapat pumunta.

Kaya ayun.. Sumakay nalang kami.. Kinakabahan ako! Ano ba kasi tong nangyayari? Bakit parang wala lang naman kay jane.. Nag e-enjoy pa ata ee.

Huminto yung taxi sa may park.. Yung park.. Dito yung kung saan kami nagkita ni Jay. Tapos may lalaking nakaupo dun sa bench.. Sya ba yun? Nung nilapitan namin,


"May nagpapabigay neto sayo"
Sabi nung lalaki sabay bigay nya sakin nung card, ulit at isang teddy bear.. Infairness.. Ang cute nung teddy bear ah.. Pero naguguluhan na ko.. Kanino ba talaga to galing? Binasa namin yung nakasulat sa card

Sumakay ka na ulit sa taxi.. See you:)

"Best, uwi nalang kaya tayo?"

Sabi ko kay jane.. Pero hinila nya ko papunta sa taxi.. Kaya wala nakong nagawa kundi sumakay ..

Nung huminto yung taxi, bumaba na kami.. Ito yung... Ito yung Restaurant na pinuntahan namin ni Jay.. Pagdating namin dun ay may sumalubong kaagad samin..

"Ma'am, pasok na po tayo sa loob.. Ihahatid ko na po kayo, sumunod lang po kayo"

Kaya sumunod nalang kami ni jane

Dinala nya kami sa itaas.. Yung pang VIP lang.. Tapos may isang table lang sa itaas.. May candle, drinks at may mga pagkain.. Tapos.. May tumutugtog din ng violin.. Tapos nakita kong lumabas si Jay.. May dalang bulaklak.. Grabe! Ang gawapo nya.. Bagay na bagay sa kanya yung suot nya.. Teka.. Bakit ba nagwa-gwapuhan aoo sa kanya? Diba dapat galit ako sa kanya..?

"Joyce, para sayo"--jay
Binigay nya sakin yung bulaklak at pinaupo nya ko..

"Ano nanaman ba to jay?"

"May ipagtatapat ako sayo joyce"
Ha? Ipagtatapat? Anong pinagsasabi neto?.

Nakaupo na kami ng magkaharap nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko..

"Joyce, gusto ko lang malaman mo na hindi ko gusto yung nangyari sayo. Oo ako ang nagplano nun--"

Hindi ko pinatapos ang sasabihin nya

"So plinano mo nga yun para sa kin!?"

"Hindi! Hindi yun dapat para sayo! Para kasi yun sa lalaking nambastos sayo kahapon.. Kaso, nagkataon na ikaw yung pumasok sa stock room, kaya nagkaganon"

Natahimik ako bigla sa sinabi nya.
So hindi pala yun dapat nangyari sakin. Para yun sa lalaking bumangga sakin? Akala ko pinagti-tripan na naman nya ko pero nagkamali ako.

"Gusto ko lang makaganti sa ginawa nya sayo joyce! I'm sorry"

"Pero bakit kailangan mong gawin yun?!"

"Kasi ayokong sinasaktan ka! Kasi mahal kita!"

Bigla kong napanga nga sa huli nyang sinabi.

"Anong sabi mo?"

"Oo joyce. Mahal na kita. Mahal kita."

"Hindi totoo yan.. Pinagti-tripan mo lang ako."

"Totoo yung sinabi ko. Joyce. Bigyan mo sana ko ng pagkakataong patunayan yun sayo"

Totoo ba talaga ang sinasabi nya? Anong sasabihin ko sa kanya?

"Ahm.. Excuse me Jay. Kailangan ko ng umalis"

At tumakbo na ko papalabas kahit tinatawag nya ko.. Tama kaya yung ginawa ko? Haay! Diyos ko, tulungan nyo naman po ako..




Next update.. Kilig moments..

Vote and comment guys.. Kung sino may gusto mag suggest dyan.. Go lang..

A Promise to Forever (may forever^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon