Chapter 6: Past

22 5 0
                                    

Joyce POV

Ngayon ay nakasakay kami sa kotse ni Jay at sya ang nagda-drive, ewan ko lang kung saan kami pupunta, hindi naman nya sinasabi ee. Pero sino kaya yung nabanggit nyang naghihintay samin?.. Hmmf.. Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami sa pupuntahan namin at bumaba na..

"Restaurant?"--ako

"Oo.. Halika na pumasok na tayo"
Ano nanaman kayang gagawin neto?

Pumasok na kami sa loob ng restaurant at oh my!! Naka holding hands pala kami.. Ngayon ko lang napansin.. Hinila nya lang ako nang hinila hanggang sa makarating kami sa isang table.. May babaeng nakaupo dun.. Sino kaya sya? Sya ba yung sinasabi nyang naghihintay samin?

"Hi Dianne" bati ni jay sa kanya..
So, sya pala si Dianne

"Oh.. Hello jay!"
Tumayo sya mula sa pagkakaupo at humarap samin. Grabe! Ang ganda nya! Ang sexy.. Maputi sya.. Matangkad.. At medyo curly ang hair.. Parang anghel yung mukha nya lalo na nung ngumiti sya samin..

"Ahm.. Joyce sya nga pala si Dianne"--jay

"Ah--hi Dianne nice meeting you"--ako

"Ahm.. Dianne sya nga pala si Joyce.. Girlfriend ko"
Hindi na ako nakapagsalita..
Medyo nagulat din ako dun sa sinabi nyang yun.. At halata rin sa mukha ni Dianne ang pagkagulat..


Jay POV

Dumating na kami sa restaurant at heto, matapos kong ipakilala si Joyce kay Dianne ay umupo na kami.. Alam kong naggulat si joyce dito.. Pero halatang mas nagulat si Dianne alam ko ring nasasaktan sya dito.. Ito rin naman kasi yung plano ko ee.. Dapat lang sa kanya yun.. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nya sakin noon..



Joyce POV

Haay! Kailan ba kami uuwi? Mukhang may balak pa atang magkwentuhan etong dalawa ah.. Nakakainis! Sino ba kasi tong babaeng to? Bat magkakilala sila?.. Teka, nagseselos ba ko? Aarrgghh! Hindi! Erase!

"So, may girlfriend ka na pala jay?"--Dianne

"Oo.."sabay ngiti nya sakin.. Wag kang ganyan ah.. Baka mainlove ako sayo! Uugghh!. Medyo napansin ko ang pagkalungkot ng mukha ni Dianne

"Ganon ba? Talaga palang naka move on ka na sakin"--Dianne

Ano raw? Naka move on? Bakit? Naging sila ba?

"Tama ka.. Naka move on na ko.. At nahanap ko na yung taong nagpapasaya sakin.. At alam kong hinding hindi nya ko iiwan"--jay

Napansin ko ang pagtulo ng luha ni dianne.. Luh? Bat sya umiiyak?

"Ahm.. Excuse me.. I need to go.. Thanks for the time"

At umalis na nga sya.. Ngayon.. Kaming dalawa nalang ni Jay ang naiwan.. Binasag ko ang katahimikan..

"J-jay.. Sino ba sya?"

Dumaloy ang luha sa mga mata nya.. Ano to? Ngayon lang ata ko nakakita ng lalaking umiiyak sa harapan ko..

"Sya si Dianne.. Ex ko.."
Nanlaki ang mga mata ko O_O

"Ah-eh. Ganon ba?"

"Naging masaya kami noon.. Minahal ko sya ng totoo.. Pero hindi nagtagal.. Iniwan nya ko para sa ibang lalaki.. Niloko nya ko!.. Niloko nya ko joyce!"

Nagulat ako nang yakapin nya ko habang patuloy syang umiiyak,. Niyakap ko na rin sya at hinimas himas ang likod nya.. Trying to calm him down..

"Sssshhh.. Tama na.. Wag ka na umiyak.. "
Tumingin sya sakin

"Sorry ah?"

"Saan?"

"Kasi ginamit kita para masaktan ko sya.. Gusto ko lang maghiganti.. I'm sorry!."

At humagulgol sya ng iyak.. Nagtitinginan na yung mga tao oh.. Baka akala nila inano ko sya..

"Tama na.. Wag ka ng umiyak.. Naiintindihan ko.. Ok lang yun."

"Sigurado ka? Sorry talaga ah.. Alam mo.. Ikaw palang ang nakakita saking umiyak.. Maliban kay Marvin.. Grabe! Hindi ko inaasahan to.." Huminto na sya sa pag iyak at nagpatuloy,. "Simula nung iniwan nya ko, naging magulo ang buhay ko kaya hindi na ko nagseseryoso sa lahat ng bagay simula nun."

Kaya pala nagkaganon sya.. Naiintindihan ko na ngayon

"Wag mo ng isipin yun.. Lilipas din yan.. Ahm.. Pwede mo naman akong maging kaibigan.. Andito lang ako"


Jay POV

"Salamat ah.. Sorry na rin sa mga pang aasar ko sayo ah"

"Wala yun.. Kalimutan mo na"
Sabay ngiti nya.. Yung ngiting nakakaloko.. Para kong nakakita ng anghel.. Garabe! Ang bait pala nya tapos lagi ko nalang syang ginagawan ng masama.. Haay! Ano bang pinag.gagagawa ko?.. Napansin kong parang giniginaw na talaga sya, gabi na rin kasi ee.. 9:30 na.. Mukhang kailangan ko na syang iuwi.. Hinatid ko na sya sa bahay nila at bago sya bumaba sa kotse..

Niyakap ko sya.."salamat.. Nag enjoy ako." Mukhang nagulat sya sa ginawa ko..

"Ah-w-walang anuman jay"
Ngumiti sya.. Ngumiti rin ako..



A Promise to Forever (may forever^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon