Chapter 4

761 10 10
                                    

Maiksi lang po itong chapter na to. Tinatranslate ko pa po kasi yung Chapter 5. Upload ko po ulit agad yun after. :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

            Ring! Ring

            Hinanap ko pa yung phone ko sa bag ko. Bah yan. Nasan na ba yun. Pagkita ko sa phone ko tumatawag si Dane.

            “Hello?”

            “Emma?” Parang nagaalala yung boses niya. “Nakauwi ka na ba?”

            “Oo.”

            “Buti naman. Okay ka lang ba?”

            “Bakit mo natanong?”

            “Para kasing malungkot yung boses mo.”

            “Okay lang ako Dane. Wala ka bang practice?”

            “Umalis lang ako sandali para matawagan ka.” Biglang may narinig akong boses. Narinig ko yung boses ng coach niya na tinatawag siya. “Kailangan ko ng bumalik ng practice. Wag ka ng malungkot ha. Magiging okay din yan.”

            “Sige Dane. Bye.”

            Binaba ko na yung phone. Magisa nanaman ako. Haist. Nakakalungkot naman buhay ko.

            “Emma.” Narinig ko na tinatawag ako ni mom. “Kain na tayo ng dinner.”

            “Magbibihis lang ako.” Sigaw ko. Pagkabhis ko bumaba na din ako.

            “Naisip mo na ba kung anong school ang papasukan mo sa college?” tanong ni mom.

            Oo nga pala nu. Nakalimutan ko na yun ah. Gagraduate na nga pala ako ng high school. Hindi ko pa alam kung anong school at course ang kukunin ko.

            “Bakit hindi mo itry sa Roosevelt University?” sabi ni dad. Dun nagaral parents ko nung college sila, dun din sila nagkakilala. Memorable sa kanila siguro yung school na yun.

            “Try ko na din dun.”

            Saan kaya magaaral yung mga kaibigan ko? Hindi ko pa natatanong ah. Hindi pa naming napaguusapan. Si Nicholas kaya? Saan kaya siya? Si Nicholas nanaman? Ano ba tong utak ko. Puro si Nicholas ang nasa isip. Iniinvade na niya utak ko ah. Haist. Para akong baliw. Kung may utak lang ang utak ko sasabihin nun na wag na isipin si Nicholas. Sumosobra na eh. Hahaha.

            Siguro balang araw, after high school. Makakalimutan ko din siya. Siyempre hindi naman forever na may gusto ako sa kanya nu. Diba?

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please vote or comment kung nagustuhan. :)

Sorry po kung maiksi. Sa susunod na chapter po may Emma-Nicholas scene. :)

Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon