Chapter 12

681 7 3
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

            Malapit na ako sa school gate ng marinig kong may tumawag sa akin. Napatigil ako. Kilala ko yung tumatawag sa akin. Tumingin ako at nakita kong nandoon si Dane na nakasuot pa ng practice uniform niya. Tumakbo at sa kanya at niyakap ko siya.

            “Anong nagyari?” tanong niya.

            Sobrang umiiyak na ako. Hindi ko na napigilang umiyak. “Please – iuwi mo na ako Dane.”

            “Si Nicholas ba may dahilan nito?” galit niyang tanong sa akin. “Papatayin ko yung lalaking yon!” Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

            “Wag na. Kailangan kita ngayon Dane.”

            Narinig kong huminga siya ng malalim. “Antayin mo ako dito. Magpapalit lang ako.”

            Nang makapagpalit na siya inuwi na niya ako. Walang nagsasalita sa amin sa byahe. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.

            Hindi naman ako iniwan ni Dane. Bumaba din siya sa babaan ko. “Thank you,” sabi ko sa kanya.

            “Emma. Promise me something. Kakalimutan mo na si Nicholas.”

            Umoo ako at nagbabay na ako sa kanya. Sumakay na din siya ulit ng bus. Pinunasan ko muna yung mata ko bago ako pumasok ng bahay. Ayokong makita nila akong ganito.

            Napatigil ako sa may pinto ng may marinig akong nagsisigawan sa loob. Binuksan ko agad yung pinto. Nakita ko na nasa taas ng stairs si mom habang sinisigawan si dad dito sa baba. Si dad – may dala siyang maleta.

            “Anong nangyayari dito? Dad? Aalis ka ba?”

            “Hindi ko na kayang tumira dito kasama ang mom mo.”

            “Iiwan mo kami? Paano naman ko?”

            “Kaya kitang alagaan Emma.” sabi ni mom. “Hindi na natin kailangan ang dad mo.”

            Tumingin ako kay mom tapos kay dad. Bakit ba nangyayari ito. Una si Nicholas tapos eto!!

            “Gawin niyo na kung anong gusto niyo! Wala na akong pakialam!”

            Tumakbo ako papunta sa room ko at binalibak ko yung pinto.

            Bakit? Bakit ba nangyayari sa akin to?! Anong bang ginawa ko at pinaparusahan ako ng ganito? I hate them! I hate Nicholas and I hate my parents!! Sobrang nasasaktan na ako. Bakit ba gustong gusto nila akong saktan?! Sa sobrang pagiyak ko at sobrang sakit ng nararamdaman ko nakatulog na lang ako.

            Hindi ako pumasok ng school kinabukasan. Si dad umalis na talaga ng bahay. Si mom naman parang baliw na. Yung niluluto niyang bacon sobrang sunog, iniwan niyang bukas yung faucet at hindi ko siya makausap ng maayos. So nagdecide ako na magstay na lang sa room ko buong araw. Text naman ng text yung mga kaibigan ko. Nasabi na siguro ni Dane yung nangyari kahapon.

            Pumunta sila sa dito after school. “Wala namang kumakalat na chismis sayo sa school,” sabi ni Eleanor.

            “At hinahanap ka ni Nicholas. Tinignan namin siya ng masama at sinabing umalis siya sa harap namin.” Sabi ni Elyse.

            “Mabuti.” Sabi ko.

            “Pinigilan nga lang namin si Dane na sapakin siya kanina,” balita ni Susan.

            “Dapat hindi niyo siya pinigilan,” sabi ko.

            “Pero sobrang lungkot niya kanina talaga,” sabi ni Samantha,

            “Sino?” tanong ko.

            “Si Nicholas,”

            “Oo nga. Sobrang lungkot niya kanina. Mukhang gusto niya talagang magsorry sayo sa ginawa niya.”

            “Pero kahit na. Hindi natin dapat patawarin yung taong yon.”

            “Hindi ko siya papatawarin,” sabi ko.

            “Oo nga pala. Eto.” Sabi ni Elyse habang binibigay yung box of chocolates. “Dane.”

            May letter din ito. Don’t forget that yours friends and I are here for you. I love you.

            “So, may pagasa na ba si Dane sayo?” tanong ni Susan.

            “Wala. Alam ni Dane iyon.”

            “Anong gagawin mo kay Nicholas?”

            “Kakalimutan ko yung nangyari. Kakalimutan ko na minahal ko siya. Kakalimutan ko na may nakilala akong Nicholas Faust.”

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon