Chapter 13

710 8 0
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

            Lumipas ang mga araw at back to normal na ang lahat except kay Nicholas. Tuwing makikita ko siya sa school, sinusubukan niya akong lapitan pero nilalagpasan ko lang siya. Pero bakit ganun, mabilis pa rin ang tibok ng puso ko pag nakikita ko siya, may kasama na nga lang pain ngayon.

                        “Grabe! Gagraduate na tayo!” sobrang sayang sabi ni Samantha.

                        “Magentrance exam na tayo sa Roosevelt,” sabi naman ni Susan.

                        Sobrang excited na kaming grumaduate. Sino bang hindi diba? At papasok kami sa iisang school! One month na lang gagraduate na kami from High school. Nga pala, nanalo si Dane sa tournament at madaming school na kumukuha sa kanya na maging scholar. Ang swerte ano.

            “Tapos na ba kayo?”

            Napatingin kami at yung teacher pala naming yung nagsalita. May ginagawa kasi kaming project ngayon sa Chemistry. Hindi lang talaga kami makapagconcentrate.

            “Wala na pala tayong H2SO4,” sabi ni Eleanor. “Ano ba yon?” Hahahaha.

            “Ewan ko. Hahahaha,” sabi ni Samantha.

            “Ako ng kukuha,” sabi ko.

            “Osige. Kumuha ka na din ng ganito,” binigay ni Eleanor yung book sa akin at chineckan yung mga kailangan pang chemicals.

            “Ang dami naman,”

            “Tulungan na kita,” sabi ni Elyse.

            “Hindi na. Kaya ko yan. Hahaha. Tapusin niyo na yan. Babalik din ako kaagad.”

            Pumunta ako sa storage room na nasa dulong dulo ng laboratory room. Natagalan ako sa paghahanap nung ibang chemicals. Ang hirap kasi hanapin dun. Ang gulo. Bigla naman akong may narinig na nagcrash sa classroom. Ano yon?

            May usok na ding pumapasok sa loob ng storage room. May sunog ba? Nagmadali akong lumabas ng storage room at nakita kong puro usok na yung classroom namin. Anong nangyari?

            “Hello!” tawag ko pero walang sumasagot. Hindi ko kasi makita kung may ibang tao. Ako na lang ata ang andito.

            Hindi na ako makahinga. Kailangan ko ng makaalis dito! Sapalagay ko sobrang malas ko ngayon kasi nadulas ako at dun pa sa may mga broken glass ako napatungkod. Ouch! Tinanggal ko yung mga broken glass na nagstuck sa palad ko. Triny kong tumayo pero ang sakit ng kanang paa ko. Nabalian pa ata ako. Malas talaga. Sobrang nahihirapan na din akong huminga. Wala na akong nagawa kundi sumigaw. “TULONG!!”

            “Nasaan si Emma?” tanong ni Elyse.

            “Hindi ba siya lumabas?” tanong ni Eleanor.

            “Hindi ko alam. Kaya nga tinatanong ko diba?” sabi ni Elyse.

            “Wag mong sabihing nasa loob pa siya?” napaiyak na sabi ni Susan.

            May napansin silang may nagmamadaling pumasok ng building.

            “Tulong!” sigaw ko. “Please!” Hindi na ako masyadong makakita. Hindi na din ako makahinga ng maayos.

            “Emma! Andito ka ba?” may sumisigaw.

            “Andito ako!” sigaw ko kahit hirap na hirap na akong magsalita.

            Hindi ko makita kung sino yung taong tumutulong sakin. Kinuha niya yung panyo niya at nilagay sa bibig ko. Huwag ko daw tatanggalin yon. Binuhat na niya ako palabas at nagdilim na yung paningin ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon