Excited nanaman po ako magupdate. Hehehe. :)
Kakatranslate ko lang kasi. Haha. :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Monday ng umaga. “Ano? Ako ang sinuggest mo?” nagmamaktol kong sinabi.
“Kailangan nila ng writer kaya sinuggest kita. Sabi ko magaling ka dun,” sabi ni Elyse. “Kala ko magiging happy ka.”
“Masaya ako. Pero may work kasi ako,” sabi ko.
“Sasabihin ko kay tita,” sabi ni Eleanor. “Maiintindihan naman niya yun.”
“Ako na lang ang magsasabi. Nakakahiya naman kung ikaw pa. Elyse. Anong article ba ang isusulat ko?”
“Kahit ano daw basta tungkol sa students dito,” sagot ni Elyse. “Ano pa nga pala. May bad news din ako.”
“Ano yun?”
“Yung deadline – sa makalawa na.”
“Ano! Ganun kabilis?”
“Sorry!” nagmamakaawang sabi ni Elyse.
“Okay lang yun. Practice na din sa akin to. Baka maenchance pa yung writing skills ko.”
Chineer naman nila ako at tinulungan magisip ng idea para sa artice.
“Okay lang yun,” sabi ni tita sa akin. Nasabi ko na kasing hindi ako makakapagwork dahil may isusulat akong article. “Magwork ka na. Ang daming customer ngayon.”
Nakikipagusap ako sa isang customer ng makita kong may pumasok na tao. Babati sana ako pero nung makita ko kung sino yung pumasok natulala ako. Si Nicholas andito sa restaurant.
Umiwas ako ng tingin at sinabi sa customer na intayin na lang nila yung food nila. Nagmadali akong pumunta ng counter. Ano bang ginagawa nito dito. Nakakahiya naman. Makikita niya akong nagwowork dito. Bakit sa dinami dami ng restaurant dito pa niyang napiling kumain?
Hindi naman niya siguro ako kilala kaya okay lang. Tama. Hindi niya ako kilala. Bakit parang nalulungkot ako sa sinabi kong yon?
“Emma?” biglang tawag ng isa kong kawork. “Puwede mo bang kunun yung order nung kakadating lang? Magdadala kasi ako ng food.”
“Pero – bakit – “ Tinignan naman niya ako. Nagtataka ito sigurado bakit ako nagkakaganito. Baka mahalata pa. “Osige.”
“Ang gwapo nu,” bulong niya sa akin.
Ngumiti ako at pumunta ako sa table ni Nicholas. Sobrang kinakabahan ako. Ano ba to? Baka naman hindi ako makapagsalita sa sobrang kaba ko.
“Good evening sir,”
Tumingin siya sa akin. Ang init naman bigla. Parang pinagpapawisan ako ah. Ano na bang gagawin ko ulit?
“Here’s your menu,” nanginginig kong binigay sa kanya yung menu.
Kinuha niya sa akin yung menu. Ang tagal naman niyang magbasa ng menu. Parang isang oras na akong nakatayo dito ah.
“Mexican ngayon?” tanong niya.
“Opo,” nauubo ubo kong sinabi. Argh! Nakakhiya.
“I’ll be ordering Chicken Enchilada, Churros and Root beer.”
Tumungo ako at kinuha ang menu sa kanya. Sa pagmamadali kong kunin yung menu napadikit ako sa kamay niya. Nagulat ako at siguradong namumula ang mukha ko ngayon. Nagwawala nanaman yung puso ko. Grabe makatibok.
After ng ilang minutes, dinala ko na sa kanya yung inorder niya.
“Uhm – “ narinig kong sinabi niya pero hindi na niya tinuloy kung ano man ang sasabihin niya.
Umalis na ako at inisip ko bigla. Ano kayang sasabihin nun? Napatingin ako sa kanya. Hindi pa siya nagsisimulang kumain parang may iniisip pa siya. Ano kaya iyon?
After niyang kumain umalis na din siya. Haist. Kala ko pa naman aantayin niya ako. Wait lang! Bakit ko inisip yun? Syempre hindi niya ako aantayin nu. Sino ba ako? Nangangarap nanaman ako ng gising. Hahaha.
After ng work, nakita kong nakapark yung car ni Nicholas medyo malayo sa restaurant. Alam ko talaga car niya yun. Ayos na pala yung car niya. Adi hindi ko na siya makakasabay sa bus.
Hindi ko makita kung andun siya sa loob kasi tinted yung car niya. Sino kayang inaantay nito? Ako kaya? Hahahaha. Feeling nanaman ako. Buti na lang may practice si Dane ngayon.
Hindi muna ako sumakay ng bus. Nagbabakasakali lang. Lalapitan kaya niya ako? Ihahatid? Kinikilig naman ako sa iniisip ko. What if mangyari nga yun. Wooh. Ako na siguro pinakamasayang babae sa mundo.
Nagdecide akong magwait pa. May dumating na ulit na bus pero hindi pa rin ako sumakay. Ilang minutes pa . . .
Bakit ba ako nagaatay? Alam ko namang hindi niya ako lalapitan? Ang stupid ko! Alam ko namang wala siyang gusto sakin bakit ba ako nagaassume? Sinasaktan ko lang sarili ko.
Nagsasayang lang ako ng oras kakaantay dito sa wala. Hindi ko nga alam kung nasa loob talaga siya ng car eh. Baka naman wala pala. May pinuntahan pala. Nakapark lang pala dito. Haist. Ang tanga ko talaga.
May dumating ng bus kaya sumakay na ako. Hindi na ko lumingon pa ulit. Bakit ko ba sinasaktan sarili ko? Dahil ba mahal ko siya? Kaya nagpapakatanga ako? Haist. Ano ba yan? Tama na siguro to. Sobrang tagal ko na siyang gusto. Time na siguro para kalimutan ko siya. Sakit eh. Para na akong ewan.
Ilang year ko na ba siyang gusto? Four years na. Tama na siguro tong puppy love na to. It hurts when the one you love doesn’t love you back.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Gusto po ng dedication? Comment na lang po. :)
BINABASA MO ANG
Too Late
Teen FictionAlam mo ba yung pakiramdam na love mo yung isang tao ng four years? At hindi mo masabi sa kanya yon? Pano kung yung guy kasi eh yung pinakasikat na guy sa school niyo? Yung nagugustuhan ng lahat ng girls? Pano pa kung may nagkakagusto din sayo tapos...