Eto na po yung article ni Nicholas. Hahahaha.
Dinededicate ko nga po pala itong chapter sa new reader ko ulit.. :)
Ako din naeexcite.. :D
Eto na nga. Nambibitin pa ko.. Wiiiiiii....................
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Too Late.
This is a story of how I’ve loved this girl for almost four years secretly. No one knows except sa family ko. Kahit na siya hindi alam. Since this is our last year, nagdecide ako na magcoconfess na ako sa kanya. Kala ko madali lang pero sobrang hirap pala. Pag nakikita ko siya hindi ko na alam ang gagawin o sasabihin. Natatameme ako. Sasabihin ko lang ang mga nangyari ngayon taon.
Ngayong taon, may nagbigay sa akin ng rigalo. Nakita kong nakatingin siya sa amin. Napaisip ako, ano kayang iniisip niya? Nagseselos ba siya? Alam ko naman sa sarili ko na hindi.
One time, nakita ko siya sa may beverage station sa canteen. Naglakad ako papalapit sa kanya pero tumigil ako. Nakita ko kasing may iniisip siya. Parang ang lalim. Iniisip ko kung anung iniisip niya. Napangiti siya at hindi ko din maiwasang hindi ngumiti. Baka napapansin na ako ng ibang tao na nakatitig sa kanya kaya nagsalita na ako. Pero mukhang nagulat ko siya at umalis tuloy siya agad. Napangiti na lang ako at sinabi ko sa sarili ko na I’ll confess someday.
Nakita ko din siya ng araw na iyon na kasama mga kaibigan niya. Mukhang ang saya saya niya. Masaya ako dahil masaya siya. Inisip ko din kung bakit nga ba siya masaya.
Another time, nakita ko siya sa may bus stop (since na sira yung car ko ng time na yon) na kasama mga kaibigan niya at isang lalaki. Nagselos ako. Boyfriend kaya niya iyon? Biglang tanong ko sa sarili ko. Hindi na ako nagantay ng bus sa stop na iyon. Umalis na lang ako at nagpunta sa susunod na bus stop. Nalungkot ako dahil baka boyfriend nga niya yung kasama niya. Baka wala na akong pagasa. Pero pagtatapat ko pa din yung nararamdaman ko para sa kanya.
Another morning, nakita ko siyang magisa sa locker niya. Kaya naisip ko na ito na yung time para magconfess sa kanya. I will do it, this time. Naglalakad na ako papunta sa kanya, nagpapractice na ako sa utak kung ano mga sasabihin ko sa kanya. Pero nung malapit na ko sa kanya, sobrang lakas ng tibok ng puso ko na hindi na ako nakahito sa paglalakad. Nabunggo ko siya. Nalaglag yung mga hawak niyang libro. Sobrang nagulat ako sa nagawa ko. Napaupo siya. Nagsorry ako sa kanya. Napansin kong hinahawakan niya yung paa niya. Nasaktan siya at kasalanan ko. Sinabi ko sa kanya na ihahatid ko na siya sa room niya pero tumanggi siya. Ayaw niya siguro akong makasama. Sobrang saya ko na siguro pag naihatid ko siya sa room niya. At least makakasama ko siya kahit na ilang minuto lang.
One time nakita ko siya sa park kasama ng mga kaibigan niya. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya. Sobrang saya ko nung tumingin siya sa akin.
One night, nakita ko siyang sumakay sa bus na sinasakyan ko. Kasama niya yung lalaking lagi niyang kasama. Yung guy na iniisip kong boyfriend niya. Umupo sila sa upuan sa harap ko. Naririnig ko naman yung mga napaguusapan nila. Narealize ko bigla na hindi niya ito boyfriend kaya biglang nakaramdam ako ng saya. Narinig ko na may work siya sa restaurant. Nang bumaba siya sa bus hindi ko siya tinignan. Napapansin ko kasing kinakawayan niya yung lalaki sa harapan ko. Pero nung umalis yung bus, tumingin ako sa kanya. Nakita kong naglalakad na siya papunta sa house nila. Inisip ko kung tinignan ba niya ako.

BINABASA MO ANG
Too Late
Teen FictionAlam mo ba yung pakiramdam na love mo yung isang tao ng four years? At hindi mo masabi sa kanya yon? Pano kung yung guy kasi eh yung pinakasikat na guy sa school niyo? Yung nagugustuhan ng lahat ng girls? Pano pa kung may nagkakagusto din sayo tapos...