--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lumipas ang mga araw pero hindi naman ako kinakausap ni Nicholas o lapitan man lang ako. Misunderstanding lang talaga yung nangyari nung gabing yon.
Ganun pa din naman si Dane. Walang pagbabago. Bumalik na ako sa work at wala namang special na nanggyari sa akin.
Yung article ko? Naging okay naman yon. Umabot sa deadline. Hahaha. Pinirint ng school newspaper yon. Gusto nga nila akong sumali dun pero ayoko – pa.
“Emma!” tawag ako ni Eleanor.
Nasa locker ako at binabalik ko yung mga libro. “Nasaan sila?” tanong ko.
“Umuwi na sila. Kailangan ko na ding umalis. Pinapauwi kasi ako ng maaga.”
“Osige,”
Pero bago siya umalis, may sinabi muna siya sa akin. “Nakita ko si Nicholas sa park. At magisa lang siya. Pagkakataon mo na to na kausapin siya.”
“Pero – “
“Walang pero – pero. Goodluck Emma!” Nginitian niya ako at tumakbo siya paalis.
Kausapin siya? Ano ba? Kakausapin ko ba siya o hindi? May nakita akong coin sa locker ko at alam ko na ang gagawin ko para makapagdesisiyon. “Heads – kakausapin ko siya. Tales – hindi.” Tinoss ko na ang coin at – HEADS.
Argh! Kabang kaba nanaman ako. Kaya ko to. Kakausapin ko lang naman diba? Woooh. Nakakabaliw ang sobrang kaba. Kayo mo to Emma!
Naglakad ako papuntang park. Nasaan na ba yon? Hindi ko makita ah. Pumunta ako sa dulo ng park at nakita ko siya dun na nakaupo sa bench. Ang gwapo niya talaga. Parang kumikinang mata niya dito ah. Nagstart akong maglakad papalapit sa kanya – pero dahan dahan lang. Tumigil ako at huminga ng malalim. Hindi ko talaga kaya.
Napansin kong nakatingin na siya sa akin. Tumalikod ako agad ako mabilis na naglakad papalayo.
“Emma!” bigla naman niya akong tinawag.
Napatigil ako. Ano bang gagawin ko? Dahan dahan akong lumingon sa kanya. “Hi.” Ayon na lang ang nasabi ko sa kanya. Nararamdam ko na namumula na yung mukha ko. Kailangan ko ng umalis dito!
Nakatingin pa rin siya sa akin. Parang nanginginig na nga yung tuhod ko. “Puwede bang tabihan mo ako dito?”
“Ano – osige.” Naglakad ako papunta sa kanya at umupo. Wow naman. Ang bango niya.
“Bakit andito ka pa sa school?” tanong niya.
“May nilagay lang ako sa locker ko tapos naisipan ko lang maglakad lakad dito sa park.” Totoo naman yung may nilagay ako sa locker pero yung naisipang maglakad lakad - …
“Ang ganda ng langit ngayon nu,” sabi niya habang nakatingin sa itaas.
Sobrang dami ng clouds ngayon kaya maganda talaga. “Oo nga. Mukhang ang lambot lambot ng clouds. Ang sarap sigurong matulog dun, sobrang comfortable.”
Napatingin siya sa akin at tumawa. “Lagi ko ding sinasabi yan.” Nginitian niya ako at tumingin ulit siya sa langit. “Noong bata pa ako, gustong gusto kong matulog sa clouds. Laging sinasabi sa akin ng mom ko na hindi puwede kasi gawa daw sa tubig yon. Sobrang miss ko na siya.”
“Mom mo?”
“Oo. Namatay siya noong 10 pa lang ako.”
“Sorry. Hindi ko – “
Ngumiti siya sa akin. “Wag kang magalala. Alam mo ba, ikaw ang unang taong kinausap ko ng ganito. Tungkol sa mom ko.”
Kinakabahan nanaman ako. Parang nababasa na nga yung palad ko sa sobrang kaba.
“Okay ka lang ba? Para kang may sakit.” Tanong niya bigla sa akin.
“Okay lang ako.” Sagot ko. Ano na? Aaminin ko na ba sa kanya na gusto ko siya? Nakakahiya eh. Argh!
“Emma.”
Tinignan ko siya at nakatingin naman siya sa akin. Yung puso ko – hala – ayaw tumigil sa pagtibok. Parang lalabas na yung puso ko sa sobrang pagtibok nito.
Hinawakan niya ang isa kong kamay, yung isang kamay naman niya hinawakan ako sa jaw. Parang pinagaaralan niya yung namumula kong mukha. Sobrang tinititigan niya yung mga mata ko.
Lumalapit na yung mukha niya sa akin. Wala akong magawa kundi ipikit yung mga mata ko. Naramdaman ko na nagtouch na yung lips niya sa lips ko. Sobrang wonderful ng pakiramdam ko. Sobrang sweet. Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagkikiss pero sobrang great ng pakiramdam ko. May narinig kami naglalakad at natigil yung kiss naming.
Tumingin ako at nakita kong nakatayo doon ang mga kaibigan ni Nicholas at nakangiti ang mga ito. Well – I guessed you did it, Nicholas,” sabi nung isa sa kanila.
“It’s not what you think,” sabi ni Nicholas.
“Anong nangyayari?” tanong ko sa kanila.
“Well, we asked Nicholas to kiss anyone pretty in school,” sagot nung isa. “So, I guessed you’re it.”
“Bet?” tanong ko.
“Emma.” Simula ni Nicholas.
Tumayo ako at tumayo na din si Nicholas. Lumapit sa kanya yung mga kaibigan niya at kunyaring sinasapak nila ito. “Galing mo Nicholas!” cheered ng mga kaibigan niya.
“Tumahimik ka na James!” galit na sabi ni Nicholas. “Emma – “
“Wag na wag mo na akong kakausapin kahit kalian! Lubayan mo na ako!” sigaw ko at tumakbo na ako papalayo sa kanila.
Naririnig kong tinatawag niya yung pangalan ko. Paano niya nagawa sa akin ito? Paano niya nagawang saktan ako ng ganito?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please vote and comment. :)

BINABASA MO ANG
Too Late
Novela JuvenilAlam mo ba yung pakiramdam na love mo yung isang tao ng four years? At hindi mo masabi sa kanya yon? Pano kung yung guy kasi eh yung pinakasikat na guy sa school niyo? Yung nagugustuhan ng lahat ng girls? Pano pa kung may nagkakagusto din sayo tapos...