Ang bilis ko nanaman magupdate. Hahaha. Hindi ko pa ito natatranslate lahat.
Eto na po. Chapter 3.
xoxo ♥
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Bye bye!” sabi ni Samantha. Uwian na namin yun. “Gusto ni momy na umuwi ako ng maaga. Magdidinner kasi kami dun sa bagong restaurant.”
“Sabihin mo kung masarap yung pagkain ha,” sabi ni Elyse.
“Cge,” at umalis na si Samantha.
Kailan kaya kami magdidinner sa labas kasama parents ko? In my dreams! Kahit kalian hindi mangyayari yun. Sa panaginip siguro puwede pa.
“Nga pala, Emma,” sabi ni Eleanor. “Sinabi sakin ni Elyse na kailangan mo ng work. Sakto. Naghahanap yung tita ko ng waitress dun sa restaurant niya. Since na may nagresign dun.”
“Talaga? Salamat dun sa taong nagresign.” Hahaha.
“Sasabihin ko kay tita,”
“Salamat talaga Eleanor!” Niyakap ko si Eleanor.
Nang biglang may humila sa kamay ko. Tumingin ako sa taong humila sa kamay ko. Nakita ko si Dane na nakangiti sa akin.
“Nagseselos ako ah,” sabi niya.
“Ano?” Tinatry ko tanggalin yung kamay ko pero hindi niya ako binibitawan.
“Yung yakap. Kailan mo kaya ako yayakapin?”
“ Ha – ha – ha. Nakakatawa yun Dane.”
“Wala ka bang practice Dane?” tanong ni Susan.
“Meron,” sabi ni Dane. “Pero nakita ko si Emma kaya umalis muna ko.”
“Ang sweet naman nun Dane,” sabi ko pero pajoke lang. “Sige na. Umalis ka na. Balik ka na sa practice mo.”
Nakangiti naman tong mga kaibigan ko. Nangaasar pa.
“Hahatid na kita sa bus stop,” sabi niya. “Gusto mo bang buhatin ko pa bag mo?”
“No need. Hindi naman mabigat.”
“Gusto mo bang buhatin kita?”
“Puwede ba?” pajoke kong sinabi.
Pero hindi ko akalain na gagawin nga niya. Binuhat niya ako at nagsisigaw naman ako na parang ewan. “Ibaba mo ako Dane!”
Nagtawanan na sila ng sobra. Binaba niya ako at nagthank you naman ako ng pagalit. “Puwede bang umalis na tayo?” sabi ko.
Mga nagsitango na lang sila at nagtawanan ulit. Nakisama na lang ako sa pagtawa. “Kung nakita mo lang yung mukha mo Emma. Sobrang nakakatawa. Para kang baby,” tukso ni Eleanor.
“Pinicturan niyo dapat ako,” Hahahaha. “Sobrang nahiya kaya ako. Ang daming nakatingin satin.”
“Sorry. Nagjojoke lang naman ako,” sabi ni Dane.
“Okay lang yun,”
Nasa bus stop na kami at inaantay na lang namin yung bus. “Si Nicholas ba yun?” tanong ni Elyse.
Lumingon kami at nakita namin si Nicholas na naglalakad.
“Diba may kotse siya?” sabi ni Susan.
Tumingin sakin si Dane. Alam niyang may gusto ako kay Nicholas. “Pabayaan niyo na siya. Baka sira lang yung kotse niya.”
“Saan kaya pupunta yun?” tanong ni Eleanor.
“Ewan ko,”
Akala ko pupunta siya dito sa bus stop pero nagiba siya ng daan. Ang alam ko ang layo ng bahay nila dito. Saan kaya to pupunta?
“Andito na ang bus,” sabi ni Dane. “So, see you tomorrow?”
“Okay. Bye Dane.”
“Bye.”
Umakyat na kami ng bus at tumabi ako kay Elyse. Dun ako sa side ng bintana. Tumingin ako sa labas at andun pa din si Dane. Nakita ako ni Dane na nakatingin sa kanya kaya ngumiti siya sa akin at kumaway. Kumaway naman ako. Umalis na yung bus.
“Alam mo Emma. Gusto ka talaga ni Dane,” sabi ni Elyse. “Gusto ka pa din niya kahit na alam niyang may gusto ka kay Nicholas.”
“So, sinasabi mong sinasaktan ko lang siya?” sabi ko. Which is true diba? Alam ko namang nasasaktan ko siya. Bat ba ako ganito? Ang sama ko.
“Siguro kasi, matututunan mo din siyang magustuhan pag – “ sinimulan niya pero pinigilan ko siya.
“Alam ko,” Matututunan ko din siyang magustuhan pag nilet go ko yung feeling ko kay Nicholas. Hindi na kami nagusap mula nun.
“Malapit na ko bumaba,” sabi ko at nagbabay na ako sa kanila. “See you tomorrow.”
Nagstop na ang bus at bumaba na ako. “Andito na ko,” sigaw ko. “Asa kwarto lang ako.”
Umakyat na ako. Nakita kong nakabukas yung pinto sa kwarto ng parents ko. Hindi na nga pala tabi matulog yung dalawa. Ginagamit ni dad yung kwarto sa baba. Pumunta na ako sa kwarto ko at humiga. Ang sarap humiga. Nakakaantok tuloy.
Pano kaya pagnaghiwalay na talaga parents ko. Kanino kaya ako sasama? Kay mom o kay dad?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please vote or comment kung nagustuhan. :)
BINABASA MO ANG
Too Late
Teen FictionAlam mo ba yung pakiramdam na love mo yung isang tao ng four years? At hindi mo masabi sa kanya yon? Pano kung yung guy kasi eh yung pinakasikat na guy sa school niyo? Yung nagugustuhan ng lahat ng girls? Pano pa kung may nagkakagusto din sayo tapos...