Wiiiiii.. Eto na po yung Chapter 6.. :)
Thank you po sa mga bagong nagadd ng story ko sa library nila. :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
After school, pumunta kami sa restaurant ng tita ni Eleanor. Binati kami ng tita niya sa may entrance pa lang.
“Ikaw ba si Emma?” tanong ng tita niya.
“Opo.”
“Ang gandang bata naman nito. Welcome! Masasayahan kang magtrabaho dito,” sabi ni tita. “Ako nga pala si Tita Veronica.”
Dinala niya kami sa may counter. “We’ve got different menu each day. Monday is Mexican menu, Tuesday is Italian, Wednesday Chinese, Thursday Japanese, Friday French and weekends just the normal food.” paliwanag ni tita.
“Wow!” sabi ni Elyse. “Adi may different chef kayo each day?”
“Yes.” Proud na sabi ni tita.
“Anong araw ba ngayon?” tanong ni Susan.
“Tuesday ngayon kaya Italian menu ngayong araw,” sagot ni Samantha.
“Oooh. I love Italian food!” masayang sabi ni Elyse. “Kain muna tayo dito!”
“Puwede ka ng magstart ngayon,” sabi sakin ni tita. “Medyo sikat itong restaurant kaya laging busy ang mga tao dito.”
“Okay lang po,”
“Kami ang first customer mo,” sabi ni Susan. “Ikaw kumuha ng order naming ah.”
Ngumiti ako sa kanila at umalis na sila para maghanap ng upuan. Binigay na sakin ni tita yung uniform ko. Pagkabihis ko, kumuha ako ng apat na menu at pumunta sa table nila.
“Ang cute ng uniform mo,” sabi ni Samantha.
“Bagay sayo Emma,” sabi naman ni Eleanor.
“Eto ng menu niyo,” sabi ko sa kanila. Binigyan ko sila ng tigiisang menu.
“Bruschetta, Spaghetti and Meatballs, Cheese Lasagna,” basa ni Susan.
“Capresse Salad, Cheese Pizza, Ham and Cheese Panini,” dagdag naman ni Samantha.
“Veal Parmigiana, Ham and Ontion Frittata, Beef Ravioli Alfredo,” dagdag din ni Eleanor.
“Dessert Cannoli, Chocolate Panna Cotta, Tiramisu!” huling basa ni Elyse. “Lahat sila mukhang masarap. Hindi ko alam oorderin ko!”
Ilang minutes lang nakaorder na sila. Binigay ko naman yung order nila after. Pagkakain umalis na din sila. After magwork, sobrang saya ng pakiramdam ko na medyo pagod.
“Good job Emma,” masayang sabi ni tita. “Pagbutihin mo lang lagi ang pagtratrabaho mo.”
“Thank you po tita,”
Pagkalabas ko ng restaurant nagulat ako ng makita kong andun si Dane.
“Dane?”
“I tried to call you pero hindi mo sinasagot mga tawag ko kaya tinawagan ko mga kaibigan mo. Sinabi nila na nagwowork ka dito.”
“Ah.” Inantay pa niya ko. Kanina pa uwian ah. Baka may practice sila.
“Gabi na. Uwi na tayo.”
Nilagay ni Dane ang kamay niya sa waist ko. “Alam ba ng magulang mo na nagwowork ka dito?”
“Hindi.”
Narinig kong nagbuntong hininga siya. Nagbus kami pauwi. Since na mas una yung stop ko sa kanya una din akong bumaba. “Thank you Dane.”
“Wag kang magthank you,” sabi niya habang nakangiti. “Ingat ka ah.”
Bumaba na ako ng bus. Sobrang nice talaga ni Dane. Pero bakit hindi ko siya magawang magustuhan? May mali ba sakin? O sadyang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya?
Bago ko pa isipin ang mga yun, kailangan ko munang maghanda. Siguradong papagalitan ako ng parents ko. Gabi na kaya. Lagot ako nito.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto pero andun na pala sila inaantay ako. Lagot na.
“Saan ka galling?” galit na tanong ni mom.
“Alam mo ba kung anung oras na?” galit na tanong din ni dad.
Pagdating sa paglelecture sakin nagkakasundo sila. Good thing ba yun?
“Galing ako sa trabaho.”
“Trabaho? Nagtatrabaho ka?” tanong ni mom.
“Nagtatrabaho ako sa restaurant ng tita ni Eleanor,” paliwanag ko.
“Bakit ka nagtatrabaho? Dahil ba hindi mabigay sayo lahat ng dad mo ang mga kailangan mo?”
“Bakit ako ang sinisisi mo?” dipensa ni dad. “Bakit hindi ikaw ang magbigay. Saan ba napupunta pera mo?”
“Puwede ba magsitigil na kayong dalawa!” sigaw ko. “Desisyon ko to.”
Iniwan ko silang dalawa dun ako umakyat na ako sa kwarto ko. I hate them! Bakit sila pa naging magulang ko?
Naiiyak ako. Bakit ba ganito buhay ko? Buti na lang may mga kaibigan akong nandyan lagi para sa akin.
Ano ba ang puwede kong isipin? Yung masaya?
Oo nga pala. Yung kaninang umaga. Nabangga ako ni Nicholas kanina at sinabi niyang ihahatid niya ako sa room ko. Kilig ko the max ako ah! Hindi ko akalaing mangyayari sa akin yon. Hindi ko pala nakwento sa mga kaibigan ko yun ah. Siguradong kikiligin din sila. Hahahaha. Ang bilis ng tibok ng puso ko pag iniisip ko siya. One thing for sure, mahal ko talaga siya.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Please vote and comment kung nagustuhan. :)

BINABASA MO ANG
Too Late
Novela JuvenilAlam mo ba yung pakiramdam na love mo yung isang tao ng four years? At hindi mo masabi sa kanya yon? Pano kung yung guy kasi eh yung pinakasikat na guy sa school niyo? Yung nagugustuhan ng lahat ng girls? Pano pa kung may nagkakagusto din sayo tapos...