Eto na po yung Chapter 10.. :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“OMG! Seryoso ka?” reaction ni Elyse.
“Oo nga,” nakangiti kong sinabi. Nakuwento ko na kasi sa kanila yung nangyari kagabi.
“Eto na yon Emma. Four years of loving him. Maybe time na para magconfess ka sa kanya,” sabi ni Eleanor.
“Ano ba yang sinasabi mo? Hindi naman ibig sabihin nun gusto na niya ako.”
“Gusto ka niya!” sabi ni Samantha. “Niligtas ka niya sa mga lalaking yon. Sinabi niyang girlfriend ka niya. Hinatid ka pa niya sa house niyo. Isipin mo tinandaan niya yung house mo. At alam niya pala name mo.”
“Pano pag hindi talaga?” sabi ko.
“What if gusto ka niya?” sabi ni Susan.
“Ewan ko. Ano ba dapat kong gawin?”
“Tanungin mo siya!” sabi ni Samantha.
“Hindi ko magagawa yun nu!”
“Adi magconfess ka sa kanya,” sabi ni Elyse.
“Pano pag hindi talaga niya ako gusto? Adi ako naman ang nasaktan.”
“Pano naman si Dane?” tanong bigla ni Eleanor.
Dane. Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Masasaktan ko lang talaga siya. Nasasaktan ko na nga siya ngayon. Ang sama ko. Kailangan ko na talagang sabihin sa kanya kung ano talaga yung nararamdaman ko for him. Alam naman niyang gusto ko talaga si Nicholas.
“Speaking of the devil. Papunta na si Dane dito,” banggit ni Susan.
Umupo si Dane sa tabi ko. “Kamusta?”
Tinignan ko mga friends ko at alam na nila kung anung ibig sabihin ng tingin kong yun. “Ano Dane. Kailangan na naming umalis.” Sabi ni Elyse.
Nagmadali namang umalis yung apat.
“Ano nangyari sa apat nay un?” tanong ni Dane.
“Uhm – Dane,”
“Ano yon?”
Tinignan niya ako. Nagaalala yung mukha niya. Hindi ko ata kaya. Masasaktan ko lang siya lalo.
“Ano yon?” tanong ulit ni Dane.
Okay. This is it. “Dane. Alam mo naman kung ano talaga nararamdaman ko sayo diba?”
“Alam ko.”
“Alam mong may gusto na akong iba. At ayokong masaktan kita Dane. Kahit anong gawin ko o sabihin ko masasaktan ka lang sa akin. Hindi – hindi kita gusto Dane ng higpit pa sa kaibigan.”
Tinitignan lang niya ako. Bigla naman niya akong nginitian. “Alam ko yon. But that doesn’t stop me from loving you.”
Ano bang narinig nito? Hindi niya ata ako naintindihan ah. “Dane –“
“Tulad nga ng sabi mo, kahit anong gawin o sabihin mo masasaktan mo ako. But I still love you, Emma. No matter what happens, even if you love somebody else. I can’t just forget my feeling for you.”
“Pero Dane – “
“I will still be here loving you. No matter what.”
Nararamdaman ko na gusto ng tumulo ng luha ko. “Bakit ba sobrang mahal mo ako Dane? You know I can’t love you back, and still, you love me.”
“Kasi alam kong napapangiti at napapasaya kita. I love you more than anyone, Emma.”
“Dane – please – “ Hindi ko na talaga napigilan. Tumulo na luha ko.
“Si Nicholas ba?”
“Ano?”
Pinunasan niya yung tumulong luha ko. “Dahil ba to kay Nicholas?”
“Hindi ko alam.” Hindi ko sasabihin sa kanya yung nangyari kagabi. Bigla ko naman naalala yung jacket. “Dane? Pinuntahan mo ba ako sa classroom ko kahapon?”
“Hindi. Bakit?”
“Wala naman.” Pinunasan ko yung mata ko. Naiyak talaga ako ah. Si Dane kasi. Haist. “Kailangan ko ng umalis.” Tumayo ako.
“Emma.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Pag sinaktan ka niya – sabihin mo lang sakin, okay?”
Tumungo at umalis. Bakit ba sobrang bait ni Dane? Naiinis ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ang sama sama ko. Kahit na sinabi ko na sa kanya na hindi ko siya gusto higit pa sa kaibigan hindi pa rin niya ititigil yung pagkagusto niya sa akin. Ayoko ng saktan si Dane. Pero – pero – haist. Nakakalungkot.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Wiii... comment and vote po.. :D

BINABASA MO ANG
Too Late
Teen FictionAlam mo ba yung pakiramdam na love mo yung isang tao ng four years? At hindi mo masabi sa kanya yon? Pano kung yung guy kasi eh yung pinakasikat na guy sa school niyo? Yung nagugustuhan ng lahat ng girls? Pano pa kung may nagkakagusto din sayo tapos...