Eto na po..!!
Last chapter na ng Too Late..
Lungkot lungkot >.<
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Sobrang proud kami sayo,” sabi ni mom habang yakap yakap ako. Graduate na kami ng college. Ang bilis ng oras. >.<
“Hindi ko akalaing graduate na tayo ng college,” sabi ko sa kanila. “Mahirap pero masaya.”
“Grabe. Ang tagal niyo ng magkakaibigan ha. Hindi ba kayo nagkakasawaan? Hahaha,” biro ni dad.
“Kahit na iba’t iba class namin, hindi namin nalilimutan na maghang out after school,” sabi ni Susan.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na ang bilis lumaki ng mga anak natin,” sabi ng mom ni Samantha. “Ang bilis ng oras talaga.”
“Sinabi mo pa,” sabi ni mom. “Wag niyong kakalimutan pumunta sa house namin mamaya ah. Magcecelebrate tayo.”
Umuwi muna sila para daw kunun yung dadalhing food. Nagpark na sina mom sa garahe. “Emma. Puwede bang pumasok ka na? Kailangan lang namin magusap ng dad mo. Patignan na din kung okay pa yung mga pagkain na nasa mesa. Eto yung susi.”
“Okay.” sabi ko. Pagpasok ko binuksan ko yung ilaw. Napansin kong may nasa living room.
“Sinong andyan?” kinakabahan kong sinabi. “Nasa labas lang parents ko. Kung magnanakaw ka – umalis ka na.”
May lalaking nakaupo sa may couch namin. Tumayo ito at nagulat ako. Nicholas.
“Hi!” bati niya sa akin. After four years na hindi kami nagkita, gwapo pa din siya. Walang kupas ba? Hahaha.
“Anong ginagawa mo dito? Alam ba ng parents ko na andito ka?”
Tumungo siya at ngumiti. Binigyan niya sa ako ng bouquet of white roses. “Congratulations!”
“Thank you,” sabi ko. Nagbublush ata ako ah. “Kailan ka pa bumalik?” Hanggang ngayon yung puso ko grabe pa din makatibok. Dahil din siguro na matagal kaming hindi nagkita.
“Kahapon. Gusto kong andito ako sa graduation day mo.”
“So, aalis ka din ulit?” malungkot kong sinabi.
“Hindi.”
“Seryoso ka?”
“Hindi na ako aalis. Thank you for waiting for me.”
Naiiyak na ako. Niyakap niya ako at niyakap ko naman siya. “Sobrang happy talaga ako.” Sabi ko sa kanya. Sobrang saya ko talaga! Hindi na siya aalis. Wiiiii...
Narinig naming pumasok na parents ko. “Nagustuhan mo ba yung surprise namin?”
“Sobra!” Etong parents ko may pasurprise surprise pang nalalaman. Hahaha. Sobrang okay naman. Si Nicholas ba naman surprise sakin eh.
Maya maya dumating na yung mga friends ko at family nila. Hindi naman sila nagulat na andoon si Nicholas. Ibig sabihin alam nila uuwi siya. Ako lang pala ang hindi nakakaalam. Plinano nila ito.
“Hindi ako makapaniwala. Ako lang ang may hindi alam na ngayon ka babalik,” inis ko sinabi.
“Hindi din alam ni Dane. Kasama niya ngayon si Lily.”
“Oh,” napangiti naman ako don. Sobrang saya siguro ni Dane ngayon. Parehas kaming sinurprise ng mga mahal namin.
“Emma.”
“Hmmm … “
“I love you.”
Tinignan ko siya at sinabi ko. “Alam mo bang eight years na kitang gusto?”
“Oh? Ako din kaya. Hahaha.”
“I love you.”
“I love you more.”
Adi masaya kaming lahat. Hahaha. All we need was to wait for the one we love. For those who haven’t seen them yet, don’t give up. Love will find its way to you. True love waits. :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Comment or vote.. :)
Thank you for reading the last chapter of Too Late. :)
BINABASA MO ANG
Too Late
Teen FictionAlam mo ba yung pakiramdam na love mo yung isang tao ng four years? At hindi mo masabi sa kanya yon? Pano kung yung guy kasi eh yung pinakasikat na guy sa school niyo? Yung nagugustuhan ng lahat ng girls? Pano pa kung may nagkakagusto din sayo tapos...
