Chapter 17

695 12 4
                                    

Musta naman yung article ni Nicholas? Hehehe. :D

One more chapter left na lang po.

<3 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

          “Emma,” tawag ni Elyse.

            Lahat sila nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala luha ko.

            “Hindi ko alam ang sasabihin,” paiyak kong sabi.

            Niyakap naman nila ako. “Stupid ko talaga!” iyak ko.

            “Emma!” biglang dumating si Dane.

            “Nabasa mo na ba ito?” Winawagayway niya sa amin yung school newspaper.

            “Nabasa na niya Dane,” sabi ni Eleanor.

            “At alam ba niyang aalis na si Nicholas ngayon?” tanong ni Dane.

            “Ano?! Ngayon?!” napasigaw naman ako.

            Tumungo siya. “Kailangan kong tawagan siya.” Since na alam ko yung cellphone number niya tinawagan ko siya. Hindi naman niya sinasagot. Nakaalis na ba siya???

            “Tawagan mo kaya sa bahay nila,” suggest ni Susan.

            “Alam mo ba number niya?”

            “Hindi.” Sagot ni Susan.

            “Ako alam ko!!” excited na sabi ni Samantha. “Eto oh. Nakuha ko yan sa isa kong classmate. Sabi ko na nga ba magiging handy din ito. Haha.”

            Dinial ko yung phone at may sumagot naman. “Hello.”

            “Hello. Andyan pa po ba si Nicholas?”

            “Hindi na sila umuwi pagkagaling sa graduation. Dumiretcho na sila sa airport,” sabi nung nasa telepono. “Sino ito?”

            “Kaibigan po niya,” ayon na lang ang sinagot ko.

            “Emma?”

            “Paano niyo po nalaman pangalan ko?”

            “Nababanggit ka kasi lagi ni Nicholas. Tita niya ito. Baka nasa airport pa sila.”

            “Salamat po!”

            Binaba ko na yung phone at sinabi ko sa mga kaibigan ko yung sinabi sa akin.

            “Pagdadrive kita,” sabi ni Dane.

            “May sasakyan ka?”

            “Kay dad,” nakangiting sabi ni Dane. “Halika na.”

            “Paano parents ko?” bigla kong naalala.

            “Ako na magsasabi sa kanila,” sabi ni Susan.

            “Salamat sa inyo,” nginitian ko silang lahat.

            Umalis na ako kasama si Dane. Nagcheer at nag-goodluck naman yung mga kaibigan ko. Sana andoon pa siya. Please God, please, sana andoon pa siya.

Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon