Dumadami ang nagaadd ng story kong ito sa library nila. :) Thank you talaga! Hihihi. :D
Eto na po yung chapter 7.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ngayong mga nakaraang araw, busy talaga ako. Hindi na ako nakakalabas kasama sila. Nakakamiss naman. Buti na lang paminsan minsan, kumakain sila sa restaurant.
“Musta work mo?” tanong ni Susan.
Break time kaya nasa school park kami at nakaupo sa bench. “Nakakapagod pero masaya. Oo nga pala. Lagi akong tinatanong ng parents ko kung saang school ako nagcocollege.”
“Sa isang school lang tayo pumasok. Hahaha,” sabi ni Elyse. “Masaya yun.”
“Naglista ako ng mga school na magaganda na puwede nating pasukan.” Sabi ni Eleanor.
“Hindi ka naman excited niyan. Hahaha. Nabanggit sakin ng parents ko na try ko daw sa Roosevelt University. Kailangan pa nating magentrance exam ang umattend ng interview diba?”
“Oo.” Sagot ni Samantha.
“Siguro naman may pangcollege na ako,” sabi ko. Bigla ko na lang naisip yun. Eh diba nga kasi may financial problem kami. Siguro naman talaga may nakasave na pera pangcollege ko. Sana lang.
“Uy. Si Nicholas oh.” Tinuro naman ni Elyse si Nicholas.
“Wag mo ngang ituro. Nakakahiya baka makita ka,” sabi ko kay Elyse. Kasama ni Nicholas mga kaibigan niya na pumunta sa park. Umupo sila sa may bench sa tapat namin. Pero malayo naman sila.
“Alam mo Emma. Matutunaw yang si Nicholas kakatitig mo. Hahaha.” Biro ni Susan.
Pinagpatuloy na namin yung usapan naming about sa college. Pero paminsan minsan, napapatingin talaga ako sa kanya. Pero sa pagtingin ko ngayon, nakatingin din siya sa akin. Napalunok ako bigla. Buti na lang hindi nila ako napansin.
“Baka magpharmacy ako,” narinig kong sinabi ni Samantha.
“Siguro magjojournalism ako,” sabi ko.
“Tama lang yun. Magaling ka magsulat eh,” sabi ni Eleanor sakin. “Uy. Malelate na pala tayo sa next class natin.”
“Ang bilis naman ng oras,” bugnot na sabi ni Elyse.
Bago kami umalis tumingin muna ako kay Nicholas. Silay mode ba? Pagtingin ko nakatingin din siya sa akin at nakangiti. Ako ba nginingitian nito? Baliw na ata talaga ako!
After school, dumiretso na ako sa work. Nagulat ako ng makita ko si Dane dun.
“So, Japanese food ngayon?” sabi ni Dane.
“Oo,”
“Ang order ko – Shrimp and Carrot Tempura, Miso Soup saka isang Red Ice Tea,” sabi niya sa akin habang nakangiti.
Nagsmile back naman ako at umalis. Lumingon ako kay Dane at nakatingin siya sa akin. Kumaway siya at kumaway naman ako. Parang bata.
Tinignan ko yung ibang customer. Halos lahat ng babae nakatingin kay Dane. Napangiti naman ako. Cute kasi talaga si Dane.
“Boyfriend?” biglang tanong ni tita.
“Hindi po,” mabilis kong sinagot.
“Gwapo siya,”
Tumingin ako kay Dane at ngumiti na lang. Hindi umalis si Dane kahit na tapos na siya kumain. Hindi daw siya aalis kasi aantayin niya ako.
Ang kulit talaga nito. Sasakit pwet niya diyan kakaupo bahala siya.
After work, pinuntahan ko si Dane.
“Sakit ng pwet ko ah,” natatawa niyang sinabi.
“Ikaw kasi eh. Hahahaha,”
“Okay lang sa akin yun. Alis na tayo.”
“Halika na. Sakit na din ng paa ko eh.”
Inantay namin ang bus sa may waiting shed. “So, free ka lang every weekend?” tanong ni Dane.
“Oo,” sagot ko. “Andito na ang bus.”
Nagstop ang bus sa harap namin at sumakay na kami. Alam mo ba kung ano ang kinagulat ko? Ng makita kong andun si Nicholas.
Napatingin si Nicholas sa akin then kay Dane tapos balik na siya sa pagtingin sa labas. Umupo kami ni Dane sa upuan sa harap niya.
“Free ka ba tomorrow? Saturday naman.” Tanong ni Dane.
“Ano – ewan ko,” bakit ako nauutal? Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Nasa likod ko lang si Nicholas. Ano kayang iniisip nito. Siguro inisip nito na magboyfriend kami ni Dane.
“Hanggang kalian ka ba magwowork sa restaurant?”
“Hindi ko alam.”
Nakatingin sa akin si Dane. Alam niya sigurong kinakabahan ako dahil andun si Nicholas. “Wala ka bang tennis practice ngayon?” tanong ko bigla.
“Meron. Pero nagskip muna ko.”
“Alam mo namang may tournament kang dadating. Practice ka muna Dane.”
Nung sinabi ko yun nalungkot siya. Kailangan naman talaga niya kasi ng practice. Baka ako pa maging dahilan kung matalo man siya.
Nakikinig kaya si Nicholas sa amin? For sure hindi. Sino ba ko para pakinggan niya. Feeling nanaman ako.
Nauna akong bumaba kay Dane pati na din kay Nicholas. Kumaway ako kay Dane. Tumingin ako kay Nicholas pero hindi siya nakatingin sa akin. Syempre! Ano ba tong iniisip ko? Bakit naman ako titignan nung tao? Pero sino ba yung tinitignan niya dun sa park? Ako ba? Haist. Nakakabaliw naman magisip. Ang sarap lang mangarap nu. Hahaha. Umalis na yung bus at hindi na ako lumingon ulit sa kanila.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Comment or vote po kung nagustuhan. :)
BINABASA MO ANG
Too Late
Teen FictionAlam mo ba yung pakiramdam na love mo yung isang tao ng four years? At hindi mo masabi sa kanya yon? Pano kung yung guy kasi eh yung pinakasikat na guy sa school niyo? Yung nagugustuhan ng lahat ng girls? Pano pa kung may nagkakagusto din sayo tapos...