Sana magustuhan niyo tong CHAPTER na to . . . . :D
Mahaba haba din ito. Hahahaha.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Hala! Nakalimutan kong simulan yung article!”
“Bukas na deadline diba?” sabi ni Susan. “Magagawa mo kaya?”
“Tatapusin ko na to ngayon."
Hindi ko kasi masimulan kagabi. Naiinis kasi ako sa nangyari. Inaantay ko pang lapitan ako ni Nicholas. Nagmukha tuloy akong tanga kakaantay dun. “Nasaan na ba yung ballpen ko?”
“Iniistress mo sarili mo Emma,” sabi ni Eleanor. Pinahiram muna niya ako ng ballpen. “Kaya mo yan.”
“Oo nga. Kaya mo yan.”
“Matatapos mo yan sigurado.”
“Thank you sa mga cheer niyo,” Sinimulan ko ng isulat yung article. Nagsusulat pa din ako kahit na break time na.
“Kamusta article mo?” tanong ni Elyse.
“Okay naman. Kailangan ko pa nga palang itype to sa computer.”
“Uy oh. Andito na si Nicholas,” banggit ni Susan.
Hindi ako tumingin. Sigurado mga nakatingin sakin tong mga to at nagtataka. “Emma. Hindi mo ba ako narinig?” tanong ni Susan.
“Narinig kita. May mas important pa kasi akong ginagawa.”
“May nangyari ba?” tanong ni Samantha.
“Wala. Busy lang talaga ako.”
“Pero kahit na busy ka pag andyan si Nicholas tinitigil mo yung ginagawa mo,” sabi ni Eleanor.
Haist. Hindi na lang ako sumagot.
“Andito na din si Dane. Papunta na rin siya dito,” sabi ni Elyse.
Tumingin ako at nakangiti na si Dane sa akin. Umupo siya sa tabi ko. “Kamusta article mo?”
“Okay naman,” sabi ko. “Yung practice mo?”
“Pinapahirapan na kami ni coach ngayon. Pagod na pagod ako pagkauwi ko kagabi. Sorry kung hindi kita nasundo kahapon.”
“Okay lang yun. Nakauwi naman ako ng maayos.”
“Buti naman. Hindi din kita maaantay ngayon. Hindi na ako puwedeng magskip ng practice eh.”
“Lapit na ng tournament?” tanong ni Susan.
“Oo,” sagot ni Dane. “Kailangan ko ng umalis. Bye Emma. Bye sa inyo.”
“Bye.”
Pero bago siya umalis, kiniss niya ako sa cheeks. “Hoy!” Nginitian lang niya ako at umalis na siya.
“Kaya ka ba ganyan kasi hindi ka inantay ni Dane kahapon?” tanong ni Eleanor.
BINABASA MO ANG
Too Late
Fiksi RemajaAlam mo ba yung pakiramdam na love mo yung isang tao ng four years? At hindi mo masabi sa kanya yon? Pano kung yung guy kasi eh yung pinakasikat na guy sa school niyo? Yung nagugustuhan ng lahat ng girls? Pano pa kung may nagkakagusto din sayo tapos...