Chapter 1

3.5K 27 8
                                    

 Hello guys!

Tagalog/Filipino version to nung story kong Too Late. Ang pinagkaiba lang dinagdagan ko ng konting expression. Hahaha. :)

Ayon.


xoxo

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

            Ako ay hindi perfect pati na din ang buhay ko. Ang parents ko ay magdidivorce (ayon ang iniisip ko ngayon dahil hindi na sila nagkakasundo ngayon mga nakaraang buwan). Umagang umaga at parents ko agad ang iniisp ko. Grabe eh nu. Kumakain kami ngayon ng breakfast. Ang naririnig ko lang ay ang sound ng toast. Parang napaka crunchy.

            Tumayo ako. "Aalis na ko.” sabi ko.

            “Binigyan ka na ba ng dad mo ng allowance?” tanong ni mom.

            “Ako?” biglang sabi ni dad at binaba ang binabasa niyang dyaryo. “Sabi ko naman sayo na wala akong pera ngayon. Hindi pa ako sumusweldo.”

            “Obligation mo na bigyan si Emma ng allowance,” tinignan ni mom si dad ng masama.

            May sasabihin pa si dad pero pinigilan ko siya. “Puwede bang tigilan niyo na yan. Meron pa akong extrang pera.” Hindi ko na narinig yung mga sinabi nila dahil umalis na ako ng bahay.

            Kitams, meron din kaming financial problem. Kailangan ko ng part time job. Saan nga ba ko pupunta ulit? Oo nga pala. Sa school. Buhay na buhay ako pag nasa school, kasama mga kaibigan ko. Pero ang pinaka the best ay pag nakikita ko si Nicholas Faust.

            Four years na akong in love kay Nicholas Faust (walang biro). Since nung first year high school pa lang in love na ako sa kanya. Fourth year na nga pala kami ngayon. Siya ang pinakacute na lalaking nakita ko. Star siya ng football team sa school. Halos lahat ng babae sa school may gusto sa kanya at kasama na ako sa kanila.  At alam ko namang hinding hindi siya magkakagusto sakin.

            “Emma!”

            Lumingon ako at nakita ko ang aking kaibigan na si Elyse. “Good morning!” bati niya. “Anong nangyari sayo? Bat ganyan mukha mo. Parang pinagsakluban ng langit at lupa. Family problem nanaman?”

            “What’s new?” Alam ng mga kaibigan ko ang family status ko. Sa kanila ako humihingi ng tulong since na wala akong kapatid. “Dagdagan mo pa ng financial problem. Meron ka bang alam na puwede kong magtrabahuhan?”

            “Siguro si Eleanor may alam. May restaurant ang tita niya. Baka matulungan ka niya.” Oo nga pala. May restaurant ang tita ni Eleanor (kaibigan namin). Ang cool ng restaurant na yun. Nagbabago ang menu depende sa nakaset na international cuisine ng araw na yun. “Pasok na tayo. Baka nandun na sila.”

            Sila meaning ang iba pa naming kaibigan na sina Eleanor, Samantha at Susan. Bigla naman akong siniko ni Elyse. “Two o’clock.” Bulong niya.

            Tinignan ko at nakita kong naglalakad si Nicholas magisa. Lahat ng madaanan niyang babae ay tinitignan siya. Siyempre kasama na ako sa babaeng tumitingin sa kanya. Biglang may lumapit na babae sa kanya. Halos lahat ay tumahimik at inaantay ang mangyayari.

            “Can I help you?” Narinig kong sabi ni Nicholas. Pati boses niya napakadreamy. Ano ba yan. Ang perfect naman niya masyado.

            “Ano – uhm – “ hindi makapagsalita yung girl.

            Nagaantay lang si Nicholas dun. Feeling ko sanay na siyang lapitan ng mga babae kahit na yung mga nauutal na.

            “Gusto ko lang ibigay sayo to,” may inaabot siya kay Nicholas na box na may mga ribbon at may heart shaped na letter sa taas. May letter pa. Grabe naman.

            “Ano sapalagay mo yon?” tanong sakin ni Elyse.

            “Baka chocolate,” Hindi naman natin malalaman diba?

            Kinuha ni Nicholas yung box sa girl at nginitian niya ito. “Thank you,” Yung smile niyang yun. Sobrang sweet.

            Ngumiti din naman yung girl. Binigyan ata siya ng confidence ng ngiti ni Nicholas.  “I bake it myself. I hope you’ll like it.”

            Ngumiti na lang si Nicholas at umalis. Tumakbo naman yun babae sa mga friends niya. Mga kinikilig ang mga loka. Pero grabe hindi ko kaya yung ginawa niya. Kahit na sobrang in love ako sa kanya hindi ko siya magawang lapitan.

            Tinignan ko si Nicholas at hawak pa din niya yung box. Lumingon siya at tinignan niya ako. Napaiwas ako ng tingin pero mga ilang segundo lang tumingin ulit ako sa kanya. Hindi na siya nakatingin sakin. Tinignan ba niya talaga ako o nangangarap lang talaga ako? Hahaha.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please vote or comment kung nagustuhan. :)

Bukas ko na lang iuupdate yung sunod na chapter. :)

Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon